Phrina's POV
Pagkatapos ng pag uusap namin ni Nixon ay nagkulong lang ako sa kwarto ko. Wala na rin akong magagawa sa pag alis niya ngayon
"Phrina! It's me, Lu!" sigaw ni Lucy habang kumakatok sa pintuan ko. Gusto ko sanang mag isa pero kailangan ko rin ang bestfriend ko ngayon. Pinapasok ko siya at umupo siya sa kama ko
"I heard Nixon's leaving today" malungkot na sabi niya habang tinignan niya ako pero hindi ko siya sinagot at tumingin lang ako sa bintana
"Hindi mo man lang ba siya pipigilan?" Pagpapatuloy ni Lu
"Bakit pa? Sino naman ako para pigilan siya?" Seryosong sagot ko habang nakatingin parin ako sa bintana
"Painful reality. Kayo ba o hindi. Hays" sagot niya habang tumingin din sa bintana
"Bakit ba lahat ng taong gusto ko iniiwan ako. May nakasulat ba sa mukha kong saktan niyo ako?" malungkot na sagot ko habang tinignan ko na siya
"Mahal mo ba talaga siya?" Seryosong tanong niya habang tinignan na rin niya ako
"Sobra" tipid na sagot ko habang naiiyak na ako
"Eh di puntahan mo siya at sabihin mo sa kanya. Sa tingin mo ba may mangyayari kung magkukulong ka lang dito sa kwarto mo?" Sagot niya at napaisip ako
"Gusto mo bang matulad kina Vivian at Elaine?" Seryosong pagpapatuloy niya
"Paano kung wala namang mangyayari kahit puntahan ko siya?" malungkot na sagot ko
"Hindi natin malalaman kung hindi mo susubukan" pinilit niyang ngumiti sa akin habang hinawakan ang kamay ko. Nagpaalam na siya at umalis na
Nag isip din ako kung ano ba ang gagawin ko. Hanggang na pag desisyonan ko nang puntahan siya sa bahay nila ng parents niya
"Manang nandiyan po ba si Nixon?" kinakabahang tanong ko sa isang manang habang pinagbuksan niya ako ng gate
"Ay ma'am kanina pa po umalis papuntang airport" bigla akong natigilan at para bang gumuho ang mundo ko sa sagot ni manang. Medyo OA pero ganito talaga kapag nagmamahal ka
Aalis na sana ako nang biglang dumating ang dad niya at pinapasok ako
"Phrina. The special friend of Renz at ang babaeng pinaglalaban ni Nixon. Am I right?" seryosong sabi ng dad nila habang nakatayo ako sa harap niya. Pinaglalaban? Talaga? Hindi ako updated
"Have a seat" Pagpapatuloy niya habang inalok niya sa akin ang upuan sa harap ng table niya
"Wala po akong masamang intensyon. Mahal ko po si Nixon. At kahit na gaano kasakit ang mahalin siya, kakayanin ko po, makasama ko lang siya" malungkot na sagot ko sa kanya
"Noong dumating ka sa buhay niya, naging responsable siya sa lahat, lalo na pagdating sa mga desisyon niya" seryosong sagot niya. "He also made me realized what love really is. Pinagsisihan ko na rin ang mga nagawa ko sa kanya at sa mom niya" Pagpapatuloy niya
"He said you gave him a choice" malungkot na sagot ko sa kanya
"Before. Pero ngayon ay hinayaan ko na siya sa sariling desisyon niya. Hinayaan ko na siyang gawin ang gusto niya" nakangiting sagot niya
"Pero sabi ni manang nagpunta na daw siya ng airport. Ang ibig sabihin--" napaisip ako at bigla siyang sumagot
"Yes" malungkot na sagot niya habang tumayo siya at hinawakan ang balikat ko at tuluyan na siyang umalis
Umalis na rin ako at dali dali akong pumunta ng airport at umaasang mapipigilan ko pa siya
"Ay ma'am sorry nakaalis na po ang flight papuntang London"

BINABASA MO ANG
Someday (Full story)
Teen FictionPaano kung yung inaasam asam mong magandang love story ay nasa iyo na? Pero paano kung akala mo lang pala? Maybe not here and now, but somewhere, someday (Cover photo not mine)