Chapter 9

12 0 0
                                        

Phrina's POV

Hinila ni Blaize si Nixon at nagpaalam na siya. Naiwan na akong mag isa dito sa parking lot para hintayin si kuya. Nakatayo lang ako sa harap ng kotse niya nang may isang babaeng lumapit sakin

"Who do you think you are?" pataray na tanong ng babae

"Running round leaving scars?" sagot ko sa kanya

"WHAT?!" sigaw niya sa kin

Ano ba kasing pinagsasabi ko? Nabigla lang siguro ako kasi bigla na lang siyang sumusulpot

"Are you making fun of me?" pataray na sabi niya

"Ah, no sorry. I was out of my mind. Ano na pala sinasabi mo?" sagot ko sa kanya

"WHO THE HELL ARE YOU?!" Pataray na tanong niya

"I'm ---" sasagot pa lang sana ako nang bigla siyang nagsalita

"Wait no, i don't care who you are, or where you came from. First you came to school with Luke, and then you went at their exclusive "tambayan" with Zach, and then Blaize held your hand while you were in front of teacher Jazz's room, so what's next? NIXON?!" sigaw ng babae

Ano bang pinagsasabi at pinaglalaban nitong babae? At sino ba siya? Beastmode te?

"I was just--" hindi na naman natuloy ang sasabihin ko kasi nagsalita na naman siya

"Flirting with them? Gosh! When was the last time you looked at the mirror? You're nothing but an ugly creature who fantasize of being with the hottest guys in school. In your dreams loser"

Nabigla ako sa sinabi niya. Hindi nga niya ako kilala tapos ganyan siya magsalita

"Ano bang problema mo?" mahinahon na sagot ko sa kanya

"Oh so you're talking back? How dare you!" sagot ng babae at bigla niya akong sinabunutan

Nabigla ako sa ginawa niya kaya hindi ako agad nakaiwas. Nakaramdam ako ng sakit sa higpit ng pagkakahawak niya sa buhok ko at napaupo ako sa sobrang paghila niya sa buhok ko. Ang lakas ng babaeng to. Gaganti na sana ako ng biglang may umawat sa babae

"What the f*ck are you doing Kyla!" sigaw ng lalake

Hindi ko pa nakita ang lalake dahil nakaupo parin ako habang hawak hawak ang buhok ko. Parang pamilyar ang boses niya kaya nama'y nang inangat ko ang ulo ko ay nabigla ako sa nakita ko

Si Nixon

"Let go of me Nix! I'm not yet done with this b*tch!" sigaw ng babae habang tinatanggal ang mahigpit na pagkahawak ni Nixon sa kanya

"Stop it Ky! What the hell is wrong with you! Umalis ka na at baka may magawa pa akong hindi mo gugustuhin" seryosong sagot ni Nixon na dahilan para umalis naman ang babae

Hindi ko namalayan na nakaupo parin  pala ako habang hawak ang buhok ko. Ang sakit ha, gusto ata akong kalbuhin ng babaeng yun

Nanlaki ang mga mata ko nung iniabot ni Nixon ang kamay niya para makatayo ako. Tinignan ko lang siya at seryoso ang mukha niya. Hindi na ako nakipagtalo sa kanya at inabot ko nalang ang kamay ko sa kamay niya

Nakatayo na ako at inayos ang damit at buhok ko. Pinulot naman ni Nixon ang bag at ang mga natapon na gamit ko. Seryoso ba siya? Anong nakain niya?

Nakatayo lang ako sa harap niya at pinagmasdan siya. Humarap na siya sakin habang hawak ang bag ko

"Hayaan mo next time bigyan kita ng picture ko mas matagal mong matititigan yun" Nakangiti niyang sabi

"Okay na sana e. Kaso biglang humangin" Sagot ko sa kanya

Someday  (Full story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon