Chapter 20

15 0 0
                                    

Elaine's POV

Hanggang ngayon ay iniisip ko parin ang nangyari kagabi. Hinalikan ako ni Luke. Hinalikan niya ako

"Elaine, okay ka lang? Kanina ka pa tulala diyan ha" Bulong ni Phrina habang tinignan niya ako

"I'm okay Phrina" sagot ko sa kanya habang nakangiti

Mabilis na natapos ang klase at maagang nag dismiss si ma'am kaya naman ay lumabas na ang lahat ng mga kaklase namin dito sa 1st period class namin

Tinignan ko siya at may kausap siya sa phone niya

"Yes kuya. Yung red na notebook. Yun! Oo. Dito lang ako sa tapat ng room. Hintayin kita. Bye" Tumingin si Phrina sa akin habang nakangiti at binulsa na niya ang cellphone niya

Tumayo na siya at lumakad palapit sa akin

"May kuya ka pala?" Pagtatakang tanong ko habang nakangiti

"Ah. Oo. Actually pinsan ko siya pero bata pa lang kasi kami kapatid na ang turing namin sa isa't isa" nakangiting sagot niya habang lumakad na kami palabas ng room

"Oh i see. Siguro mabait yang kuya mo no?" Nakangiting sagot ko sa kanya habang nakatayo lang kami sa labas ng room

"Oo naman! He's the best kuya. Swerte yung babaeng mahal niya. Alam mo ba minsan pumunta ako sa kwarto niya para gisingin siya, umaga na kasi noong nakauwi akala ko natulog saglit tapos pagpasok ko hindi pala siya natulog at nakatulala lang. Broken hearted yata" tawang tawang sagot niya

"Talaga? Well your kuya must be a lover boy and serious when it comes to relationships" Nakangiting sagot ko sa kanya

"Alam mo papakilala kita sa kanya. Papunta siya ngayon dito nakalimutan ko kasi yung notebook ko kaya pinakuha ko. Mabait yun!" Nakangiting sagot niya

"Ah? May klase pa kasi ako e and I have to go, maybe next time" malungkot na sagot ko

"Hindi saglit lang maya maya lang nandiyan na siya" sagot ni Phrina habang tumingin sa paligid

"Phrina!" May sumigaw na lalake mula sa likod at tinignan naman ito ni Phrina

"Oh there he is!" Nakangiting sagot ni Phrina

Naglakad ang lalake palapit sa amin at tumabi kay Phrina

Am i really seeing this? Is this really true? Phrina's kuya is Luke?!

Nanlaki ang mata naming dalawa at nagulat

"Elaine! Siya yung sinasabi kong kuya ko! Si kuya Luke! It's him!" Natutuwang sabi ni Phrina habang hinawakan niya ang braso ni Luke

Tumayo lang kaming dalawa ni Luke na magkaharap at hindi nakapagsalita

"Kuya, this is Elaine. Friend ko siya at classmate ko siya sa 1st period class ko. Ganda niya no kuya?" Nakangiting pagpapatuloy ni Phrina

Nakatayo lang kami at nakatingin kami ni Luke sa isa't isa. Biglang may sumigaw na mga lalake sa likuran ko at lumapit din sa amin

"Elaine?" pagtatakang tanong ni Nixon

"You're here?" tanong ni Blaize

"Kelan ka pa bumalik?" Tanong ni Zach

Matagal na akong nandito pero sa lawak ng school at busy na schedule, talagang hindi kami pagtatagpuin ng tadhana

"Matagal na. Actually sa first day pa. And guys, friend ko nga pala, si Phrina" nakangiting sagot ko habang hinila ko si Phrina at iniharap sa kanila

"Phrina? You know Elaine?" Nagtatakang tanong ni Nixon

"Ah. Oo. Friend ko siya at classmate ko siya sa 1st period ko" nakangiting sagot niya

Magkakakilala na pala sila. Sabagay kuya niya si Luke e

"Kayo? Kilala niyo si Elaine?" Pagtatakang tanong ni Phrina habang nakangiti

"Zach come on late na naman tayo" Sagot ni Luke at lumakad na palayo. Tinignan ko sila at tinignan lang nila ako

"Well nice seeing you again guys. I have to go, see you around" pinilit kong ngumiti sa harap nila at naglakad na palayo

Great. Just great

Someday  (Full story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon