Luke's POV
"He's just gonna drive Phrina home" Sagot ko sa kanilang dalawa
"Luke, what if Nixon likes Phrina?" Tanong ni Zach
Tinignan ko lang siya
"What if they like each other?" Tanong ulit ni Zach
"What do you mean? That's not gonna happen. Phrina doesn't like Nixon" Sabi ni Blaize na para bang nagtataka
Tinignan lang kami ni Zach at uminom na lang. Hindi rin ako nagsalita at tinignan lang sila
Parang wala ako sa mood ngayon. There's something bothering me. I think i saw Elaine
"Bro you okay?" pag aalalang tanong ni Blaize habang nakatulala lang ako
Tumango ako at ngumiti
"I'm just going to roam around and have some fresh air" Sagot ko habang tumayo at naglakad palayo. Tinignan lang nila ako
Habang naglalakad ako sa gitna ng maraming tao ay may humawak sa kamay ko at bigla akong hinila
"What the hell!" Sigaw ko habang hinarap ako ng isang babae sa kanya pero hindi ko muna siya tinignan at inayos ang sarili ko
Inangat ko ang ulo ko at nakita ko si Elaine sa harap ko. Hindi ako nagkakamali, siya nga yung nakita ko
"Elaine?" pagtatakang tanong ko sa kanya
"Hey" pinilit niyang ngumiti sa harap ko
"What are you doing here?" Tanong ko sa kanya
"What? I'm not allowed to attend a party Luke?" sagot niya habang ngumiti na
Tinignan ko lang siya at naghintay pa ng sasabihin niya
"Luke, i miss you. I miss you so much" Malungkot na pagpapatuloy niya habang tinignan lang ako
"Elaine stop it. May fiancé ka na at siya dapat ang pinagkakaabalahan mo" sagot ko sa kanya
"Luke for God's sake! It's an arrange marriage! So do you expect me to just forget about you and just be with that someone I don't even love!" Malungkot na sigaw niya sa akin
Tumayo lang ako sa harap niya habang tinignan siya
"Luke please! Hayaan mo lang akong makasama ka. Hayaan mo lang akong mahalin ka. Hindi nagbago ang pagmamahal ko sayo noon, hanggang ngayon. And I know that I love you even more now that I'm back here again" Malungkot na pagpapatuloy niya habang hinawakan ang kamay ko
Mas tanggap ko pa sana kung makikipagbalikan siya. Handa akong tanggapin ulit siya at kalimutan ang ginawa niya pero hindi. Pinapanindigan niya talaga yang arrange marriage na yan
"Ngayong mas maaga pa kalimutan mo na ako Elaine. Walang patutunguhan yang gusto mong gawin. Pareho lang tayong masasaktan. Let's just accept the things we cannot change" seryosong sagot ko sa kanya
"Don't you love me anymore, Luke?" Naiiyak na tanong niya habang lumapit pa sa harap ko
Of course I still love you. That didn't change but we really can't go back to the way it all used to be
Tumayo lang ako sa harap niya at tinignan lang siya
"LUKE TELL ME YOU STILL LOVE ME" Hinawakan niya ang mga kamay ko ng mahigpit at umiiyak na siya sa harap ko
"Elaine don't do this. Alam mo namang ayokong nakikita kang umiiyak" sagot ko sa kanya habang pinunasan ang mga luha niya. Bigla na lang niya akong yinakap ng mahigpit sa harap ko at patuloy siyang umiiyak
"LUKE I LOVE YOU SO MUCH. NO ONE AND NOTHING CAN CHANGE THAT" umiiyak niyang sagot habang mahigpit parin ang yakap niya sa akin
Ayoko siyang nakikitang ganito. Mahal na mahal din kita Elaine pero masasaktan lang ulit tayo at ayoko ng mangyari yon
"Elaine stop crying please" mahinahong sagot ko sa kanya habang hinawakan ko ang likod niya at pinakalma siya. Huminto naman siya at tinignan lang ako. Tinignan ko siya at punong puno parin ng luha ang mga mata niya. Pinilit niyang ngumiti at nagsimulang maglakad palayo. Sumunod ako at hinabol ko siya hanggang sa labas. Nakita ko siya sa tapat ng kotse niya at lumapit ako
"Elaine" Malungkot na sabi ko
Tumalikod siya at hinarap ako. Tumayo lang siya at tinignan ako.
Lumapit ako sa harap niya at nagkatinginan kami sa mata. Hinawakan ko ang mukha niya at tinitigan lang niya ang mga mata ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Hinalikan ko siya. Wala na akong inisip na iba kundi siya. Mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya

BINABASA MO ANG
Someday (Full story)
Teen FictionPaano kung yung inaasam asam mong magandang love story ay nasa iyo na? Pero paano kung akala mo lang pala? Maybe not here and now, but somewhere, someday (Cover photo not mine)