Phrina's POV
"Hey! Wake up!" hinampas niya sa akin ang unan pero hindi ko siya pinansin. Hinila niya ako para patayuin pero kumapit ako sa kama ko at hindi siya nagtagumpay
"Breakfast is ready" tumigil na siya sa paghila sa akin at tumayo lang siya sa harap ng kama ko
"Okay i'm up" dali dali akong bumangon at tumayo, lalakad na sana ako nang bigla niyang hinawakan ang braso ko at pinatayo ako sa harap niya
"Seriously?" tinaasan niya ako ng kilay at tinignan ko lang siya. "Let me go. I'm hungry" seryosong sagot ko sa kanya
"Kelan ka ba hindi gutom?" hindi ko na lang siya pinansin at bumalik ulit ako sa kama ko. Humiga ako habang tinakpan ko ng unan ang mukha ko
"Get up! Aren't you forgetting something?" lumapit siya sa akin at inalis ang unan sa mukha ko
"I know that. And I already sent him a very long message with love and feelings last night and this is what I got" kinuha ko ang cellphone ko sa table na nasa tabi ng kama ko at hinarap ko sa kanya ang message ni Nixon
Thanks. -Nixon
Tinakpan niya ang bibig niya at tumawa. "Wow I didn't know Nixon was sweet" hinawakan niya ang balikat ko na para bang ginawa niya akong sandalan kase hindi na niya kaya sa sobrang lakas ng tawa niya
"It's not even funny. I wish I could just punch his face right now. Tapos wala man lang I love you? Hay nako! Hindi ko siya kakausapin! Kahit mag text pa siya ngayon hinding hindi ko yan rereplyan! Ni hindi ko pa yan babasahin!" sigaw ko sa kanya
"You have a text" seryosong sabi niya habang tumingin siya sa cellphone ko na nasa tabi ko lang
Nagulat ako at muntik na akong napatalon sa saya. Dali dali kong kinuha ang cellphone ko at tinignan ko ito
Wala. Walang text
"Got you. You should've seen your face" Tawang tawa si Lucy habang hinawakan ang tiyan niya sa kakatawa. "Siguro may babae yan" Nakangiting pagpapatuloy niya
"I thought you're my bestfriend?" sinamaan ko siya ng tingin
"Of course I am. I'm just telling you what you should hear, not what you want to hear" sagot niya habang tumabi siya sa akin
"You're not helping" Tinignan ko siya at sinamaan ko ulit ng tingin
"Just look at the bright side. Kung meron man siyang babae, kahit sino pa yun, syempre mas maganda padin ang bestfriend ko" ngumiti siya at inakbayan ako
"Instead of supporting me you're brainwashing my innocent mind. You really are my bestfriend" ngumiti nalang ako at yinakap ko siya. Alam ko namang nagbibiro siya at alam ko rin na hindi yun magagawa ni Nixon
"Now go and wash up. You stink!" sabi niya habang inamoy niya ako at tumawa. Excuse me, ang bango ko kaya. Gustong gusto nga akong inaamoy ni Nixon kahit kagigising ko no
"Ginising mo ako ng maaga para mag mall?" I gave her the wtf face. Nagbihis na ako't lahat at nakarating na rin kami sa mall
"I don't know what to give Nixon. So I thought maybe you should help me" ako nga e wala pang nabibiling regalo para sa kanya. Hindi naman kase siya materialistic, baka kahit sarili ko pa yung ibalot ko sobrang matutuwa na yun. Confidence level 999999999
"Maybe you should give him a side chick" tinaasan ko siya ng kilay at naglakad lang ako
"Well that's a great idea! I should give him one hot and sexy chick. For sure he'll have the best birthday gift ever" Natutuwang sabi niya

BINABASA MO ANG
Someday (Full story)
Teen FictionPaano kung yung inaasam asam mong magandang love story ay nasa iyo na? Pero paano kung akala mo lang pala? Maybe not here and now, but somewhere, someday (Cover photo not mine)