Phrina's POV
Lumabas na ako at iniwan ko si Zach sa tambayan nila. May 2nd period pa pala ako. Jusko po late na ako
Dali dali akong pumunta sa klase ko at kinabahan ako bigla noong nakita kong nagsilabasan na ang mga estudyante at wala ng tao sa loob kundi ang teacher na lang namin
Huminga ako ng malalim at pumasok na sa loob
"Good morning po sir. I'm Seraphina Alexandria Hale, transferee po ako. Sorry po na late ako kaya hindi na po ako nakapasok sa klase niyo." kinakabahang sabi ko
"Hello Seraphina. Nice name. By the way call me teacher Jazz" nakangiting sagot niya
Hindi ako makapaniwala na hindi siya galit
"Sir sorry po talaga. Ano po ba yung mga na missed ko kanina para alam ko po yung gagawin ko" nag aalalang sagot ko
"Don't worry wala pa naman akong pinapagawa nagbigay lang ako ng topics para mag advance reading na kayo." Ngumiti si sir at iniabot sa akin ang syllabus
"Thank you po sir. Nice meeting you po" nakangiting sagot ko at kinuha ko na ang syllabus
Lumabas na ako sa room at nakita ko si Blaize
"Blaize!" Nakangiting sigaw ko. Hindi ko namalayan na ang dami palang tao at babaeng nakapaligid sa kanya
Lumapit sa akin si Blaize at iniwan ang mga babaeng kausap niya. Ayan tuloy pinagtitinginan na naman ako ng masama
"Sorry hindi ko sinasadya may mga kausap ka pala. Sige bumalik ka na doon" nakangiting sabi ko sa kanya
"No it's okay. It's not important anyway. And besides, tinawag mo ko e" nakangiting sabi niya sabay kindat sa akin
Guys help. Ang pogi. Kaya ko to
"Napansin kong galing ka sa room ni teacher Jazz. May problema ba?" Nag aalalang tanong niya
"Ah. Wala. Na late kasi ako sa klase niya. 2nd period ko siya pero hindi ako nakaabot sa klase niya kaya nag sorry ako tapos binigyan niya ako ng syllabus. Hindi ko nga akalain na hindi niya ako pinagalitan" nakangiting sagot ko sa kanya
"2nd period klase mo sa kanya? Wow, what a coincidence! Mag kaklase pala tayo" tuwang tuwang sagot niya
"Talaga? Okay yun at least may kilala na ako doon sa klase" nakangiting sagot ko
"Tsaka about kay sir Jazz, huwag kang mag alala doon. Mabait yun kaya mahal na mahal ng mga estudyante yun" nakangiting sagot niya
"Kaya nga e. Buti na lang teacher ko rin siya" nakangiting sagot ko
"So where are you going? May next class ka pa?" Tanong niya
"Vacant ko. Tsaka magkaklase tayo sa lahat ng subject except yung first period ko. May bago pala akong kaibigan doon. Transferee rin siya tapos ang ganda niya" Nakangiting sagot ko
"Mas maganda ka" Sagot niya habang nakatitig sa akin at nakangiti
Alam kong player siya pero wala akong magagawa. Ang pogi niya. Hoy Phrina behave!
Naramdaman ko na lang na namula ako kaya ngumiti na lang ako
"Halika sama ka sakin punta tayo kina Zach" sabi niya habang kinuha ang kamay ko at hinila ako
Tumingin ako sa mga tao sa paligid at parang hindi sila makapaniwala. Hindi ko na lang sila pinansin. Masasanay rin ako, tiwala lang
"Ah doon sa tambayan niyo?" tanong ko habang naglalakad kami

BINABASA MO ANG
Someday (Full story)
Ficção AdolescentePaano kung yung inaasam asam mong magandang love story ay nasa iyo na? Pero paano kung akala mo lang pala? Maybe not here and now, but somewhere, someday (Cover photo not mine)