Phrina's POV
"What? Sinabi niya yun?! I can't believe he said that!" Galit na sabi ni Lucy. "Pero okay na yun kesa namang sabihin niyang you're not his girlfriend so he don't owe you any answers. Diba mas masakit yun?" Pagpapatuloy niya. Tinignan ko lang siya at sinamaan ng tingin
"Biro lang bestie. But seriously, you guys need to talk and sort things out already. It's already been more than a week" seryosong sabi ni Lucy habang hawak ko at tinititigan lang ang suot kong bracelet na bigay ni Nixon
"May dapat pa bang pag usapan Lu? Iniiwasan na nga niya ako eh. Ni wala na nga kaming komunikasyon" sagot ko habang nakatingin parin ako sa bracelet
"Something just doesn't feel right simula ng dumating si Vivian. Siguro may kinalaman siya sa mga nangyayari" seryosong sagot ni Lu habang umupo sa harap ko
"Meron man o wala, kung talagang may balak si Nixon na kausapin ako, ginawa na niya. Pero hindi diba?" Seryosong sagot ko habang tinignan
ko na siya at bigla namang tumunog ang cellphone niya"Omg nakalimutan ko lalabas pala kami ni Luke. Pero pwede ko namang i-cancel at samahan ko na muna yung bestfriend ko" ngumiti siya habang tinignan ako
"Ano ka ba. Date niyo yan ni kuya! Okay lang ako kaya sige na alis na!" Natatawang sagot ko sa kanya, tinignan niya ako at bigla niya akong yinakap
Nagpaalam na siya at naiwan na akong mag isa. Tumayo ako at naglakad papunta sa mga bookshelves. Isa isa kong hinawakan at tinignan ang mga libro, may nakita akong magandang libro at ng hawakan ko na ito para kunin ay biglang may isa ring humawak nito. Nagkadikit ang aming mga kamay at nanlaki ang mga mata ko nang nakita kong si Nixon pala ito
"I saw it first" sabi ni Nixon habang sinubukan niyang kunin ang hawak ko paring libro
"No i saw it first" depensa ko habang hinigpitan ko ang pagkakahawak ng libro at hinila ko ito sa kanya at hindi parin niya ito binibitawan. Tinignan ko siya at binitawan ko na rin ang libro
"Buti pa yang libro pinaglalaban mo" tumingin ako sa kanya at nginitian ko siya. "Oh ayan. Sayo na yan. Sayong sayo na yan. Sana maging masaya ka sa librong yan" natatawang pagpapatuloy ko at tinignan niya lang ako
"What's your problem?!" Seryosong sagot niya. "Are you in love with me already?" nang iinis na pagpapatuloy niya
"Oo" seryosong sagot ko sa kanya habang tinignan ko siya. "Actually gusto ko ngang isulat sa lahat ng bato na mahal kita tapos ibabato ko sayo lahat yun para malaman mo kung gaano kasakit ang mahalin ka" seryosong sagot ko sa kanya, natigilan siya at tinignan niya ako. Sasagot na sana siya nang biglang dumating si Vivian at lumapit kay Nixon
"I was searching all over for you nandito ka lang pala. Let's go" nakangiting sabi ni Vivian kay Nixon habang kaharap ko sila. Nauna nang lumabas si Nixon at nagpahuli si Vivian
"Hindi mo ba talaga titigilan si Nixon?" Tinaasan ako ng kilay habang nakatayo parin siya sa harap ko
"Ikaw na nga itong palagi niyang kasama at lahat lahat na. Ano pa bang gusto mo?" sinamaan ko siya tingin
Lumapit siya sa akin at sinamaan rin ako ng tingin. "I want you to stay away from him" bigla niyang ibinuhos sa damit ko ang hawak niyang soft drinks. "Oh I'm sorry, believe me I didn't mean to do it" nakangiting sabi niya habang tinalikuran na niya ako at umalis na at naiwan akong mag isang tulala
Lumipas na naman ang araw at wala paring nagbago. Hanggang sa isang araw ay may nagbalik
"Phrina!" Sigaw ng lalake mula sa labas ng gate sa school. Tumingin ako sa kanya at natuwa ako sa nakita ko
"Renz?!" Natutuwang sabi ko sa kanya habang nilapitan ko siya. "What are you doing here? At bakit ngayon ko lang ulit nagpakita" Nakangiting tanong ko sa kanya
"Noong huli tayong nagkita, bumalik rin ako ng US kasi may pinaasikaso yung dad ko at ngayon na lang ulit ako nakabalik and I wanted to see you" nakangiting sagot niya
"Hey can I invite you to dinner? At our place, and don't worry about Luke because I already told him awhile back before I saw you" nakangiting pagpapatuloy niya. Nagpaalam na pala siya kay kuya kaya wala naman sigurong masama kung sasama ako. Kaya ayun, naglakad kami papunta sa kotse niya at dinala ako sa bahay nila. Ang ganda ng bahay nila, parang yung bahay lang nila Blaize pero mas malaki pa
"Hey mom. I invited a friend of mine to join us for dinner" nakangiting sabi ni Renz sa mom niya. Binati ako at nginitian ng mom niya habang naglakad na kami papunta sa dining room
"Hey dad. This is Phrina, she's my friend" nakangiting sabi ni Renz sa dad niya na nakaupo na sa dining room. Nginitian rin ako ng dad niya at pinaupo na niya ako
"Where's your brother? Isn't he home yet?" Tanong ng mom niya kay Renz. May kapatid pala siya? Siguro pogi at mabait rin na gaya niya
Kakain na sana kami nang biglang magsalit ang mom niya
"Oh here he is! You're just in time son! Look! Renz invited someone, come and meet her" natutuwang sabi ng mom niya. Nakatalikod ako mula sa pintuan ng dining room kaya hindi ko muna siya nakita. Hindi ko alam na may kapatid pala siyang lalake kaya excited rin akong makita siya. Naglakad palapit ang lalake at tumayo sa harap namin. Biglang nanlaki ang mga mata ko at para bang gusto ko ng mag walk out sa nakita ko. Si Nixon. Magkapatid sila ni Renza. Nagkatinginan kaming dalawa ni Nixon, tinignan ko si Renz at bigla siyang nagsalita
"I was just going to tell you" nag aalalang sabi niya. Nginitian ko na lang siya habang umupo naman si Nixon sa tabi ng mom niya at kaharap nila kami ni Renz
Tuwang tuwa ang mom nila na pinakilala ako kay Nixon. Hindi nalang kami nagsalitang tatlo at pinilit ko na lang na ngumiti kay Nixon at iniwasan ko siya ng tingin habang kumain na rin kami
"So Renz, is she really just your friend or there's something already?" Nakangiting tanong ng dad nila habang tinignan si Renz
"She's a special friend" nagulat ako sa sagot ni Renz at biglang nabulunan si Nixon at tinignan niya ako
"Are you okay Nixon?" Pag aalalang tanong ng mom nila habang hinawakan ang balikat ni Nixon. Tinignan niya lang ang mom niya at pinilit niyang ngumiti
Natapos na rin ang ilang oras namin na magkakasalo at salamat naman dahil hindi ko na kayang magtagal pa sa iisang room kasama si Nixon
Tumayo na kaming lahat at lumabas na sa dining room at biglang lumapit sa akin si Nixon
"What the hell do you think you're doing?! Why are you with Renz?!" Galit na tanong ni Nixon
"You're not an exam paper so I don't owe you any answers" nakangiting sagot ko sa kanya habang tinalikuran ko na siya
Hinatid na rin ako ni Renz at sinabing si Nixon daw ang nararapat na magpaliwanag sa lahat. Hindi ko man maintindihan kung bakit pero tumango na lang ako at tuluyan na siyang nagpaalam

BINABASA MO ANG
Someday (Full story)
Teen FictionPaano kung yung inaasam asam mong magandang love story ay nasa iyo na? Pero paano kung akala mo lang pala? Maybe not here and now, but somewhere, someday (Cover photo not mine)