Chapter 48

10 0 2
                                    

Nixon's POV

"Phrina! Hurry up!" sigaw ni Luke habang naka sakay na siya sa kotse niya kasama si Lucy. Kanya kanya kami ng sinakyan, magkasama si Aica at Zach, si Blaize at Zea, at kami ni Phrina naman sa kotse ko. Dali dali ng sumakay si Phrina at pumunta na kaming lahat sa isang private beach resort. Ilang oras pa ay nakarating na kami. Bumaba na kaming lahat at kanya kanyang ayos ng mga gamit

Tulong tulong naman ang kanya kanyang mag partner sa pagtayo ng tents. Mag o-overnight kasi kami dito. Parang yung dati, kaya lang wala sina Elaine at Vivian

"San ko ba ikakabit to? Ang hirap" malungkot na sabi ni Phrina habang tinignan lang ang hawak niya

"Ganito kasi yan" sagot ko habang lumapit ako sa kanya. Tumayo ako sa likod niya at hinawakan ko ang kamay niya. Tinuruan ko siya kung paano gawin pero napangiti nalang ako nang napansin kong hindi siya nakikinig at tinitigan niya lang ako

"And it's done! Sayang lang at hindi ka nakinig sa mga sinabi ko. Pero okay lang, nabusog naman ako sa titig mo" nginitian ko siya at tumawa siya. Nakaka in love siya

"Come on let's join them" ngumiti ako at hinawakan ko ang kamay niya. Hinila ko siya palapit sa dagat, nandoon na ang iba na nagkakasiyahan sa pagsakay sa jet ski. Tinignan ko siya at tumayo lang siya habang pinagmasdan sila

"You scared?" tanong ko sa kanya at tinignan niya lang ako. Tumawa ako at nagulat siya nang bigla ko siyang binuhat at isinakay sa jet ski at pinasuot ko siya ng life vest

"Don't worry. I'm here. So just hold me and enjoy" nginitian ko siya habang hinawakan ko ang kamay niya at inilagay ko ito sa abs ko este tiyan ko. Kumapit siya sa akin ng mahigpit. Mukhang nawala na ang takot at kaba niya kasi nag eenjoy na siya at sigaw pa ng sigaw. Pagkatapos ay nagsalo-salo kaming lahat para kumain habang nasa tabi lang kami ng dagat

"Say cheese!" sigaw ni Zea habang hawak niya ang phone niya. Nagsiksikan kaming lahat at ngumiti para mag picture. Kumain lang kami, nag kwentuhan at nagtawanan. Gumagabi na at yinaya ko si Phrina na maglakad lakad lang

"Feels so nice to be here with you" Tinignan ako ni Phrina habang naglalakad kami at hawak ko ang kamay niya

"I thank God for having you" tinignan ko siya at ngumiti ako. Yinakap ko siya at hinalikan ang noo niya. Sakto namang sunset na, ang romantic lang

Gabi na at bumalik na kami, nandun na rin naman sila. Yung iba nagkukulitan, yung iba naman nagkwekwentuhan at nagtatawanan lang sa harap ng bonfire. Naglakad na kaming dalawa ni Phrina papunta sa kanila at nakipag-kuwentuhan rin. Maya maya pa ay biglang nagsilabasan ang naggagandahang fireworks. Napatingin lahat kami sa taas at pinanood lang ito habang pinagpatuloy rin nila ang kwentuhan.  Pero ako? Tinitigan ko lang si Phrina habang masaya niyang pinapanood ang fireworks. Tinitigan ko siya na para bang wala akong ibang nakikita ngayon kung hindi lang siya. Habang tumatawa at nakangiti siya ay para bang bumabagal ang takbo ng oras at bumibilis naman ang tibok ng puso ko. Ang sarap niyang titigan. Nakakagaan ng pakiramdam at bigla nalang akong napapangiti na para bang baliw. Ang ganda niya, para siyang model na nag eendorse ng shampoo dahil parang slow motion itong nakikita ko na para bang hinahangin ang buhok niya. Wala siyang kaartehan at kung tumawa siya ay parang siya yung pinakamasayang tao sa mundo sa lakas ng tawa niya. Ang saya niya pero wala ng mas sasaya pa sa akin ngayon kase nasa tabi ko ang kasiyahan ko at wala siyang kamalay malay na mas lalo na naman akong nahuhulog sa kanya

"Hey, narinig mo ba yung sinabi ko?" Hindi ko namalayang kinakausap pala niya ako. Gaano katagal na ba akong tulala sa kanya?

"Ano yun?" tinignan ko siya at tumawa naman siya. Yan na naman siya e, kinikilig ako. Kahit lalake kinikilig din ano ba kayo

"Sabi ko, ang ganda nung fireworks!" sagot niya habang nakangiti. Ah yun ba? Wala yun sa ganda mo Phrina. Yieee

"Mas maganda ka" nakangiting sagot ko sa kanya, ngumiti naman siya habang unti unti akong lumapit sa kanya. Linapit ko ang mukha ko sa mukha niya at nagpa-cute akong ngumuso para halikan siya. Tumawa siya at biglang tumingin sa fireworks. Ouch, hindi umubra. Pinatong ko nalang ang ulo ko sa balikat niya at tumawa lang siya

"Good night" bigla niya akong hinalikan sa pisngi at ngumiti. Tumayo na siya papunta sa tent nila at tumingin muli sa akin at ngumiti habang pumasok na siya sa tent nila at sinara na ito. Magkakasama ang mga babae sa isang tent at kami namang mga lalake sa isa. Wala e, good boys

Kwentuhan muna saglit with the boys tapos pumasok na rin kami sa tent. Humiga na ako at pinikit ko ang aking mga mata. Hindi ako mapakali at hindi rin ako makatulog. May naninipa pa sa mukha ko, si Blaize kahit kelan talaga. Tumulala nalang ako habang nakahiga nang bigla namang humarap sa akin si Zach

"Oh ba't gising ka pa? Di ka makatulog kase di ka naka score kay Phrina no?" natatawang sabi niya. "Huwag kang mag alala, nandito naman ako. Lika dito iki-kiss kita" pagpapatuloy niya habang lumapit siya sa akin at ngumuso siya. Pinilit niyang lumapit habang pinilit ko naman siyang nilayo

"Sige hug nalang kita" Natatawang sabi niya habang yinakap niya ako. Hindi ko na siya napigilan at natawa nalang ako

"I'm gonna tell Phrina and Aica that you two are cheating on them" Natatawang sabi ni Luke. Nakahiga parin kami habang yakap ako ni Zach, hawak naman ni Luke ang cellphone niya at kinuhanan kami ng litrato

"This feels great" Nakangiting sabi naman ni Blaize habang yumakap din sa akin. Napagitnaan nila ako ni Zach habang yakap nila akong dalawa

"Pak ganern. Sama ako mga beh" sabi ni Luke habang nagboses babae siya at isiniksik ang sarili sa amin at nakiyakap din

"Pa kiss na rin beh" tawang tawang sabi ni Blaize habang hinalikan ang pisngi ko. Tawang tawa kaming lahat. Nag kwentuhan pa kami habang ginaya namin ang mga girlfriend namin at nagtawanan lang. It feels so nice to be with my crazy bros

Someday  (Full story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon