Phrina's POV
Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko habang bumangon at umupo lang saglit at nagtaka na iba ang nasa paligid ko. Hindi ito yung kwarto ko. Bigla kong naisip yung nangyari kagabi, nanood pala kami. Nakatulog ba ako? Hala nakakahiya. Tumingin lang ako sa paligid at humiga na naman. Nanlaki ang mga mata ko noong napansin kong iba na pala yung suot ko. Naka suot ako ng oversized shirt at boxers. Omg. Dali dali akong tumayo at tinignan ang sarili ko sa isang malaking salamin. Napasigaw ako at bigla namang pumasok si manang
"Manang bakit ganito po yung suot ko?" Kinakabahang tanong ko at tumawa lang siya
"Alam mo ma'am kahit girlfriend ka ng alaga ko, malaki ang respeto niya sayo kaya pinapalitan ka niya ng damit sa akin. Yun nga lang, yung mga damit niya lang ang meron kagabi kaya yan na lang daw muna" nakangiting sagot ni manang
"Po? Girlfriend?" Nagtatakang tanong ko sa kanya
"Oo. Girlfriend. Hindi ba? Sa dinami dami ng naging babae ng alaga ko, ikaw pa lang yung nakapasok dito sa bahay, dito sa kwarto niya, at lalo na doon sa secret garden. Espesyal sa kanya yun kaya sigurado akong espesyal ka rin sa kanya" nakangiting sagot ni manang
"Talaga po?" Hindi ko alam pero bigla na lang akong napangiti sa sinabi niya
"Oo. Pati nga si ma'am Vivian eh ni minsan hindi pinapasok ni Nixon kahit man lang sa pintuan ng bahay" sagot ni manang
"Viv--" sasagot pa lang sana ako ng biglang inunahan ako ni manang
"Teka lang muna ma'am itutuloy ko lang po yung naiwan kong gawain sa kabilang kwarto" sabi niya habang aalis na sana pero bigla akong nagsalita
"Phrina po. Sige po, nasan nga pala si Nixon?" Nakangiting sagot ko sa kanya
"Ang ganda naman ng pangalan mo, kasing ganda mo. Tska nasa baba na si Nixon punta ka nalang doon" nakangiting sagot ni manang at umalis na siya
Nag banyo muna ako at inayos ang mukha at sarili ko. Nakakahiya naman kung makikita ni Nixon ang morning face ko. Dali dali na akong bumaba at dumeretso sa kusina. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat ng nakita kong topless si Nixon at tanging apron lang ang suot niya habang nakatalikod at nagluluto
"Wow. You know how to cook?" Nakangiting tanong ko sa kanya habang lumakad ako palapit sa kanya
"Oh there you are. Good morning" nakangiting sagot niya habang humarap na siya sa akin. Ano ba yan ang sarap. I mean ang sarap naman yata ng linuluto niya
Ngumiti rin ako at iniwasan ko lang siya ng tingin at tumingin ako sa linuluto niya. Tinignan rin niya ang linuluto niya at tinuloy lang ang pagluluto. Lumapit na naman ako sa kanya at tinignan lang siya habang nagluluto
"Hindi ko alam na marunong ka pa lang magluto" nakangiti lang ako habang tinignan siya
"Alam mo kasi, hindi lang dapat sapat ang pagiging gwapo lang. Tignan mo ako, talented na nga marunong pang magluto. Husband material kumbaga" natatawang sagot niya habang inihanda na niya ang mga pagkain sa mesa. Diba pwedeng boyfriend muna?
Umupo na ako at umalis siya saglit at bumalik na may suot ng damit. Buti naman at baka matutunaw siya sa pagtitig ko. Ano daw. Tinikman ko saglit ang pagkain at tinignan ko siya. Tumingin din siya sa akin na para bang naghihintay ng sasabihin ko
"Sarap ha" nakangiting sabi ko habang kumain na ako. Kumain na kaming dalawa at nagulat ako ng biglang dumating sina Zach at Blaize
"Hi Phrina" nakangiting bati ni Zach habang umupo na sila sa harap namin. Ngumiti lang din ako sa kanila
"Masarap ba?" Tawang tawang tanong ni Blaize, nagtinginan silang tatlo at nagtawanan
"Ah. Oo" nakangiting sagot ko at mas lalo silang nagtawanan

BINABASA MO ANG
Someday (Full story)
Teen FictionPaano kung yung inaasam asam mong magandang love story ay nasa iyo na? Pero paano kung akala mo lang pala? Maybe not here and now, but somewhere, someday (Cover photo not mine)