Chapter 4

27 0 0
                                    

Phrina's POV

*30 messages received*
From: Bff Lu

"Ano ba yan. Ang aga aga. Sino ba 'tong nagtetext?" Inis na bulong ko sa sarili ko habang tinatakpan ko ng unan ang mukha ko

Ilang araw na rin pala ang nakaraan nang umatend ako don sa party. At yung mayabang na lalakeng yun. Ba't ba hanggang ngayon kasi iniisip ko siya? Ba't ba hindi si Blaize ang iniisip ko? Ano ba 'tong mga pinagsasabi ko? Ngumisi na lang ako at tinignan ko ang oras. 7 am pa lang. Inalis ko ang kumot at ang unan sa mukha ko at tinignan ang cellphone ko

"Lucy? Ano kayang sasabihin nito sa ganitong oras? Ay teka. Bestfriend ko nga pala to. Syempre alam ko na. SI KUYA LUKE

Ngumisi ako at binasa ang mga messages niya

"Bestie!!! Good morning!!"
"Hi sa pinakamaganda kong bestfriend!"
"PHRINA NA PINAKAMAGANDA AT DYOSA, GUMISING KA NA!"
"Hoy bestie ano ba! Nandito ako sa baba!"

Marami pang messages niya ang hindi ko na binasa. Iniwan ko ang phone ko sa kama ko at dumeretso sa banyo para ayosin ang sarili ko. Pagkatapos non bumaba na ako at sakto namang nandon na si Lucy. Kumakain na siya kasama sina mama, lola at tita

"Good morning bestie! Ang late mo gumising ha!" sabi niya habang tumayo at naglakad papunta sakin at niyakap ako

Yung totoo? Maaga pa lang yung 7 sakin at besides, last day na ng bakasyon namin at pasukan na bukas. Na excite tuloy ako

"Good morning bestie! Na pa aga ka yata? Hindi pa gising si kuya" tawang tawang sagot ko sa kanya na dahilan para mamula ang pisngi niya

Sa totoo lang alam na nila lahat nina mama, lola at tita na gusto ng bestfriend ko si kuya, si kuya lang ang hindi nakakaalam

"Bestie naman!" nahihiyang sigaw niya habang namumula "Ikaw ang pinunta ko dito, miss na kasi kita!" pagpapatuloy niya

Buong bakasyon kasi na nag out of the country sina Lucy at ang pamilya niya, kaya ngayon lang ulit kami nagkita

"You should stay here for awhile, gigising na si Luke maya maya lang" nakangising sabi ni tita Rapha

Gusto nila si Lucy para kay kuya kasi na sa kanya na ang lahat. Maganda na, mabait at matalino pa. Pero secret pa lang namin lahat to. Ayaw pa kasi ni Lucy na malaman ni kuya

Hinila ako ni Lucy at pinaupo sa tabi niya

"Kumain ka na bestie, last day na ng bakasyon ngayon so hang out muna tayo, let's stroll at the mall in a bit" nakangiting sabi ni Lucy

Tumango na lang ako at kumain. Masaya namang nagkwekwentuhan at nagkakamustahan sina mama nang biglang bumaba si kuya na naka shorts lang at nakasampay sa kanyang balikat ang damit niya

Tumingin agad ako kay Lucy at tama ako, namumula siya at nanlaki ang mga mata niya

"Lu! Hinay hinay ka diyan baka matunaw si kuya!" bulong ko sa kanya habang nakangisi

Nagtawanan kaming lahat pwera kina kuya at Lu na dahilan para magtaka si kuya

"Good morning!" nakangiting sabi ni kuya

Lumapit siya samin at isa isang hinalikan kami sa pisngi nina mama, lola, tita at ako. Ang sweet talaga ng kuya ko

Tinignan ko si Lu at nginitian ko siya at ganun din siya

"Did i miss something?" nakangising sabi ni kuya

"Oh Lucy you're back! Long time no see, we missed you!" nakangiting sabi ni kuya. "So how was your vacation?" tanong niya

Someday  (Full story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon