Chapter 44

9 0 1
                                    

Nixon's POV

Naiwan kaming dalawa ni Phrina habang harap ang isa't isa sa labas na ng resto. Nagpaalam na rin ang family ko kasami si Blaize

(Background song: Me and You by Nadine Lustre)

"Hindi ko na tatanungin kung kamusta ka na kase baka bigla mo pa akong masapak" pinilit kong ngumiti sa kanya. "I'm just glad you're here" nakangiting pagpapatuloy ko at bigla namang umulan. Hinawakan ko ang kamay ni Phrina at tumakbo kami papunta sa kotse ko

"Seriously? Sana sa kabilang kanto ka pa nag park para mas malayo pa" natatawang sabi ni Phrina. Nasa loob na kami ng kotse ko at basang basa kaming dalawa. Hindi ko naiwasang mapatitig sa manipis na damit na suot ni Phrina na nakikita na ang panloob niya dahilan ng sobrang pagkabasa niya. I know I'm a jerk, sorry I can't help it

"What?" Nagtatakang tanong niya habang tinignan niya ako. Bigla kong hinubad ang damit ko at nagulat siya

"What are you doing?!" sigaw niya sa akin

"What?" Tinignan ko siya at tinignan niya ang katawan ko at bigla siyang umiwas ng tingin

"Put your shirt back on!" Sigaw niya habang nakatingin na siya sa labas

"I have some extra shirts on my bag" nakangiting sagot ko habang kinuha ko ang bag ko sa backseat. "Basang basa na tayo" sabi ko habang isinuot ko na ang isa kong shirt

"Here, magpalit ka baka magkasakit ka pa" seryosong pagpapatuloy ko habang iniabot ko sa kanya ang isa pang shirt ko

"Ang lakas ng ulan oh, saan ako magpapalit?" seryosong sagot niya habang kinuha na niya ang iniabot kong shirt. Tumingin ako sa backseat at ngumiti ako

"Oh there's no way I'm going to change there!" seryosong sabi ni Phrina. Bigla siyang bumahing at tinignan niya ako. Kaya ayun, wala siyang choice kung hindi nagpalit sa likod

"Hoy ikaw ha! Huwag kang sumilip kung hindi dudukutin ko yang mga mata mo" tinaasan niya ako ng kilay at pinilit niyang siniksik ang katawan niya sa gitna namin at nagpalit na siya sa likod. Hindi ko naiwasang napatingin saglit sa salamin sa harap ko pero umiwas din agad ako. Bumalik na siya sa passenger seat habang ako naman ay nakatitig lang sa kanya, bigla siyang tumingin sa akin at umiwas agad ako ng tingin. Nag drive na ako at dinala ko siya sa isang coffee shop. Medyo tumila na rin ang ulan, kinuha ko ang jacket ko na sinilungan namin ni Phrina habang tumakbo kami sa loob

Umupo na kami habang kaharap ang isa't isa. Nagkatinginan kaming dalawa at para bang bigla kaming natahimik

"Sinabi ko sayo noon na namatay ang totoong dad ko noong bata pa lang ako. Nag asawa ulit ang mom ko, sa dad nila Renz at Zea. Tinuring ko silang tunay na kapatid ko, pati rin ang dad nila. Kahit ganun siya ay sinunod ko lahat ng sinasabi niya alang alang sa mom ko. And about me and Viv--" hindi niya ako pinatapos at bigla siyang nagsalita

"Viv already told me everything" seryosong sabi niya habang tinignan niya ako. "Nag sorry na rin siya sa mga ginawa niya at nagpaalam na bago siya bumalik ng US" pagpapatuloy niya

"Dad gave me a choice" tinignan ko siya at hinintay niya lang ang sasabihin ko. "It's either I marry Viv or I have to go to London for good" malungkot na pagpapatuloy ko habang tinignan ko parin siya. "Viv voluntarily stopped our engagement" pagpapatuloy ko

"Eto ba ang rason kung bakit mo ako iniwasan?" Seryosong tanong niya

"I distanced myself from you because I know I can't have you" malungkot na sagot ko sa kanya

"You should've told me everything" seryosong sagot niya

"I don't want you to worry and I don't want you to get hurt!" hindi ko namalayang nasigawan ko na pala siya. "I needed to do that. I needed to prepare myself on facing each and everyday without you because I'm going to London for good and I'm leaving tomorrow" malungkot na pagpapatuloy ko habang tinignan ko lang siya. Tinignan niya rin ako at bigla siyang tumayo, tumakbo palabas at hinabol ko siya

"Pumasok ka nga sa loob ang lakas pa ng ulan oh!" Sigaw ko sa kanya habang hinawakan ko ang kamay niya at hihilain ko na sana pero binitawan niya ang kamay ko

"Pagkatapos mong pinaramdam sa akin na importante ako sayo. Tapos iniwasan mo ako nang hindi ka man lang nagsabi ng dahilan. Tapos ngayon sasabihin mong aalis ka na. Pagkatapos ng lahat Nixon? Pagkatapos ng lahat lahat iiwan mo rin pala ako. Sige iwan mo ako! Iwan niyo akong lahat! Diyan naman kayo magaling diba? Ang iwan ako!" sigaw niya habang umalis na siya at naiwan lang akong tulala

Someday  (Full story) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon