3rd person POV
"You?! What are you doing here? Kailan ka pa nandito?" Napatayo sina Blaize at Zach sa gulat nang may biglang pumasok
"What? I'm not allowed to see my good old friends?" Nakangiting sagot niya habang lumapit na siya kina Blaize at Zach. "Marami ng nagbago dito sa tambayan ha, mas gumanda" pagpapatuloy niya habang tumingin sa paligid
"What do you want?" sinamaan siya ng tingin ni Zach
"Well, there's one reason why I'm back" tinignan lang niya ang dalawa. "Nixon" pagpapatuloy niya habang ngumiti at naglakad na palayo
----------------------------------------
Nixon's POV
"Here you go" iniabot ko sa kanya ang isang paper bag at kinuha naman niya ito
"What's this?" Pagtatakang tanong ni Phrina habang tinignan lang ang paper bag
"Open it. And i hope you like it" ngumiti ako habang nakatayo lang sa harap niya
Dali dali naman niya itong binuksan at nanlaki ang mga mata niya sa nakita niya. Sana magustuhan niya
"Seriously?" Nakangiting sabi niya habang inilabas ang isang dress sa paper bag
"Well diba ang tagal mong tinitigan yan noong nasa mall tayo? I knew you liked it so I bought it" Nakangiting sagot ko sa kanya
"You didn't have to. Hindi naman babagay sa akin to" pinilit niyang ngumiti sa harap ko
"Yes i had to. Wear it later when you go out with whoever that guy is" pinilit kong ngumiti sa harap niya
"You know if Phrina didn't told me about whoever that guy is, i would think that the both of you are going out" nakangiting sabi ni tita Amelia habang lumapit sa amin at tinignan lang kami. Natawa lang ako dahil gaya ko, inasar rin siya ni tita ng "whoever that guy is" na linya ko
"Ma! It's Nicollo" inis na sagot niya pero ngumiti rin at tumabi sa mama niya. Nakatayo lang ako doon habang pinagmasdan sila
"Ma, do you really have to go?" Biglang tanong ni Phrina kay tita
"Yes anak and magtatagal kami doon. Kailangan kong sumama kay tita Rapha mo with your lola also for some business matters. Huwag kayong mag alala nandiyan naman si manang tapos nandiyan pa ang kuya mo. Diba?" Pinilit ni tita ang ngumiti habang yinakap si Phrina
"Huwag kang mag alala Phrina. Nandito pa naman kami nina Zach at Blaize, lalo na si Luke" nakangiting sabi ko sa kanya at nginitian naman ako ni tita
"Don't cry" malungkot na sabi ni tita kay Phrina. "Aalis na kami baka mahuli pa kami sa flight namin" nakangiting sagot ni tita habang yinakap na si Phrina
Nagpaalam na silang lahat at pumasok na. Yinakap naman ni Luke si Phrina at pinatahan na. Naglakad na kami palabas ng airport at nagpaalam na si Luke sa amin na may pupuntahan lang daw siya at ibinilin na niya sa akin si Phrina
Nakarating na din kami ni Phrina sa bahay nila at malungkot pa din siya
"Huwag ka ng malungkot. Nandito naman kami kaya huwag ka ngang sumimangot diyan" nakangiting sabi ko habang ginulo ko ang buhok niya at umupo na kaming dalawa sa sofa
"And step 5. Always smile and just be yourself" nakangiting sabi ko sa kanya habang tinignan lang siya sa mga mata niya. Tinignan lang rin niya ako at ngumiti na
"Thanks Nixon" nakangiting sagot niya at bigla niya akong yinakap ng mahigpit
Dali dali na din siyang umakyat sa kwarto niya at nagbihis na. Naiwan lang ako sa sala habang hinihintay siya. Maya maya pa ay bumaba na siya. Lumapit siya sa akin at biglang para bang nag slow motion ang paligid

BINABASA MO ANG
Someday (Full story)
JugendliteraturPaano kung yung inaasam asam mong magandang love story ay nasa iyo na? Pero paano kung akala mo lang pala? Maybe not here and now, but somewhere, someday (Cover photo not mine)