Nixon's POV
"The hell i'm late!" bulong ko sa sarili at dali daling naligo at nagbihis. Bumaba na ako at nakita ko ang mom ko sa kusina
"Good morning mom! I'm off to school, kain na lang ako doon mamaya. I love you" Sabi ko sa kanya habang hinalikan ang noo niya. Oo may galit ako sa kanya pero mom ko parin siya at mahal na mahal ko siya
"Good morning. Okay son, take care! I love you too" Nakangiting sagot niya habang niyakap ako
Umalis na ako sa bahay. Sumakay na ako sa kotse ko papunta sa school. Nag park ako sa tabi ng kotse ni Luke at dali dali akong pumasok sa school
Hindi ako pwedeng ma late sa first day ko. Yari na naman ako sa dad ko pag nalaman niya ito
Buti na lang at walang tao sa hallway kasi lahat sila nasa kanya kanya ng room. Sa bilis ng takbo ko hindi ko napansin ang isang babae
"The hell! Are you blind?!" sigaw ko sa kanya
Nagkatinginan kaming dalawa
"IKAW?!" Sigaw namin sa isa't isa
"Wow ha, sayo pa nanggaling yan. E ikaw nga itong tumatakbo at di mo man lang tinitignan ang dinadaanan mo!" sigaw ng babae na galit na galit
"E sino ba kasi itong tatanga tangang humaharang sa dinadaanan ko?!" sagot ko sa kanya
"E alam mo pa lang magtagalog e! Ini-english mo pa ko! Ang feeling mo na nga, ang yabang mo pa!" sigaw niya
What kind of girl doesn't know me?! Is she from outer space?!
"Where the hell did you came from? NO ONE talks to me like that" sigaw ko habang naka kunot noo
Lumapit ako hanggang sa napa sandal siya sa mga lockers, at nagkalapit ang aming mukha. Natulala na lang siya na para bang hindi siya makagalaw
"Don't test me, or i might do something you wouldn't want me to do" ngumiti ako na para bang nang aasar at tinignan ko siya mula ulo, at huminto saglit ang mga mata ko sa tapat ng dibdib niya, at pinagpatuloy kong tinignan hanggang sa paa tsaka ako tumawa
1 point for me. Honestly, may hitsura siya, ang laki pa ng ano niya. Haha!
"E bastos ka pala e!" sigaw niya at tinulak ako papalayo
"Huwag mo rin akong subukan, kung sa tingin mo lahat ng babae nahuhumaling sayo, well pwes, ibahin mo ako! Hindi kita uurungan" Nakangiting sagot niya at nag walk out na na siya
Ang sungit nito ha akala mo kung sino, but it's okay. I'm gonna make sure that she'll fall for me anytime soon. No girl can resist The Great Rhyle Nixon, the king of all kings!
Na realize ko na late na talaga ako. Hindi ko na naabutan ang first period ko dahil sa babaeng yun. Pero okay lang, kakausapin ko na lang yung teacher ko, bago yun at alam kong may gusto sa akin yun. At tsaka okay na to kasi naka 1 point naman ako doon sa masungit na babaeng yun
Lumakad na ako at sakto namang nag silabasan na ang mga estudyante para sa kani kanilang susunod na klase
Lahat na naman sila ay nakatingin sa akin. As usual, heartthrob ng school, and i repeat, no one can resist me
"Hi girls!" nakangiting sabi ko sa kanilang lahat at nagtiliian sila
Pogi ko talaga
Tuloy na akong lumakad papunta sa first subject ko para kausapin yung bagong teacher, wala na yung mga classmates ko kaya dalawa na lang kami dito
"Hi ma'am, good morning!" nakangiting bati ko sa kanya at kinindatan ko siya
Bata pa itong teacher ko ha, fresh graduate siguro
"Nixon. You missed your first class" sagot niya
Bago lang siya pero oo kilala niya ako. Kami kaya may ari nitong school
"Sorry ma'am, may babae kasi akong nabangga kanina ang dami niyang dalang gamit kaya tinulungan ko muna siya" nakangiting pagsisinungaling ko. Bad boy moves
"Ganun ba? Okay yan. Oh sige, wala pa naman akong pinagawa, nagbigay lang ako ng mga room rules at topics for our subject" nakangiting sagot niya
"So, sasabihin mo bang na late ako kay dad, ma'am?" nakangising sagot ko kay ma'am habang tinititigan siya
Namula si ma'am at ngumiti lang siya. Sabi ko na e, no one can resist me
"Thank you ma'am! Una na po ako, see you around!" sabi ko sa kanya at kinindatan uli siya
Lumabas na ako sa room at dumeretso sa 2nd class. Pumasok na ako at nakita ko si Blaize sa likod. Lumakad na ako papunta sa kanya at umupo
"Sup bro" bati ko sa kanya
"Hey sup. Where have you been? Wala ka sa 1st period?" nakangiting sagot niya
"Correction, hindi ako nakapasok at may reason ako bro. Alam mo ba yung sinabi ko noon na babae sa party? Yung hindi niya ako kilala? Bro she's here!" tuwang tuwang sagot ko
"Really? That's great. Pakita mo sakin minsan. Maganda ba siya?" tuwang tuwang sagot niya
"Maganda? Pwede na rin" Nakangiting sagot ko. "Alam mo bang siya yung dahilan kung bakit ako na late kanina. Nagkabanggaan kami. Galit na galit siya. Nakakatawa nga hitsura niya e" tawang tawang pagpapatuloy ko
"There's something different about her. I mean, she's not like the other girls. Palaban siya. She's testing me. And i like it" Nakangiting sabi ko
"I know that look bro. Tell me you won't do anything bad" Nakangiting sagot niya
Ngumiti ako at tinignan lang siya
"Okay fine. Whatever it is that you're thinking, i like it. And sounds interesting" nakangiting sagot niya at nagtawanan kami
Tinginan pa lang ay nagkakaintindihan na kami. Ganyan kaming magkakakaibigan
Tumigil lang kami ng dumating na ang teacher namin. Si teacher Jazz, ang gay na guro na mahal na mahal ng lahat ng estudyante dito kasi mabait siya, at parang barkada lang ang turing sa mga estudyante. Pero kapag nasa room na, syempre teacher pa rin siya at nirerespeto ng lahat
Gaya ng ibang subjects, nagbigay lang siya ng rules and topics. First day naman kasi kaya wala munang masyadong ginagawa
Vacant na namin kaya dali dali na akong pumunta sa tambayan namin doon sa dulo ng canteen at hindi ko na hinintay si Blaize, gusto ko ng mag chill ang tagal niya e. Nakiki flirt pa sa mga girls, wala ako sa mood
Lumakad na ako papunta doon, lahat ng babae na nakasalubong ko sa canteen ay naglakad rin sa likod ko at nagtitilian sila. Tumigil lang sila noong nakapasok na ako sa tambayan namin kasi nga exclusive lang ito para sa aming apat. Pumasok na ako at nandon na sina Luke at Zach
"Sup bros! Hindi na naman kayo pumasok no? Hays, tularan niyo ako, bad boy, player, pero seryoso pagdating sa studies" Nakangiting sabi ko
"Ulol! Katatapos lang ng klase ko kaya dumeretso na ako dito!" sagot ni Luke habang ibinato ang maliit na unan sa mukha ko
"Careful bro, you might mess up my handsome face" tawang tawang sagot ko
Lumkad ako at umupo sa tabi nila habang nanonood
"Where's Blaize?" Tanong ni Zach
"Is that even a question? We all know that guy can't stand not flirting with girls" nakangiting sagot ko
"Magsalita ka parang hindi ka player" tawang tawang sagot ni Luke
"PARANG HINDI TAYO PLAYER" Sabay sabay na sabi naming tatlo at nagtawanan
Napatigil lang kami nang pumasok na si Blaize na may kasamang babae
Nanlaki ang mga mata ko at napatayo ako sa nakita ko
"YOU?!" nagtatakang sigaw ko
HELL NO

BINABASA MO ANG
Someday (Full story)
Teen FictionPaano kung yung inaasam asam mong magandang love story ay nasa iyo na? Pero paano kung akala mo lang pala? Maybe not here and now, but somewhere, someday (Cover photo not mine)