Zach's POV
Niyaya namin ni Luke si Lucy na mag lunch pero tumanggi siya kasi sumama siya kay Phrina. Hanggang sa last period na namin, hindi na siya pumasok. Nag alala ako kaya kung saan saan ko siya hinanap
Lumabas na kami sa room at pinauna ko na si Luke. Naglibot ako sa school at umaasang mahahanap ko siya. Napadaan ako sa harap ng cafeteria at nakita kong lumabas si Phrina
"Phrina!" sigaw ko sa kanya habang lumakad ako papalapit sa kanya
"Oh Zach! Tapos na rin pala klase niyo. Nasan si kuya?" sagot niya
"Nasa tambayan. Nasan si Lu? Diba kasama mo siya nag lunch?" pagtatakang tanong ko
"Oo pero kaninang lunch pa yun. Nauna na siya after that, nag stay lang muna ako dito kase wala na akong klase kanina. Bakit? Hindi ba siya pumasok?" pagtatakang sagot niya
"Yun nga e. Wala na siya kanina kaya hinahanap ko siya. Hindi mo ba alam kung nasan siya?" pag aalalang tanong ko
"Zach, can we talk?" malungkot na tanong niya
"Yes Phrina but please can we talk some other time? I need to look for Lu" malungkot din na sagot ko sa kanya
"I understand Zach but it's about Lu" nag aalalang sagot niya
Nanlaki ang mga mata ko at kinabahan sa sinabi ni Phrina. Tinignan ko lang siya at hinintay ang sasabihin niya
"Dun na lang tayo sa may garden malapit sa parking lot sa harap" Pagpapatuloy niya
Hindi na lang ako sumagot at sumunod na lang sa kanya. Lumakad na kami papunta dun. May mga stone tables and chairs dun, umupo na si Phrina at umupo na rin ako sa harap niya
"Where's Lu? What happened to her?" pag aalalang tanong ko
"Zach she's okay. I think she just needs time to think" sagot ni Phrina
"Time to think? Of what?" naguguluhang tanong ko
"To think what she really wants. I mean, i think she's really confuse right now" sagot ni Phrina
"What are you talking about?" pagtatakang tanong ko
"Zach, are you still in love with my best friend?" tumingin siya sa aking mga mata at para ba siyang naguguluhan. Natigilan lang ako saglit sa tanong niya. Tinignan ko lang siya at natulala
Do i still love her?
"What kind of question is that Phrina?" mahinahong sagot ko habang inalis ang tingin ko sa kanya at tumingin lang ako sa malayo
"I'll take that as a yes" kalmadong sagot ni Phrina habang tinititigan parin ako
"What?" naguguluhang sagot ko sa kanya
"Hindi mo man aminin, pero alam kong mahal mo parin" sagot niya at hindi parin inaalis ang tingin niya sakin
Hindi ako nakasagot at tinignan ko lang siya. Bigla siyang tumayo sa kinauupuan niya at tumabi sakin
"Zach, if you still love her, then tell her. Don't make her feel confuse with all your mix signals. We all know you still love her, you're just afraid of telling her" malungkot na sabi ni Phrina at hinawakan ang balikat ko
Tinignan ko lang siya ng malungkot "Phrina, we both agreed for this. I mean the breakup. We're now friends and I don't want to ruin it again"
"Naging kami noon. We were too young then. I didn't really care about what we had. I messed up and God knows i regret it. So if i'm going to enter her life again, I think that's not even gonna work because she doesn't deserve an asshole like me. She deserve nothing but the best" malungkot na pagpapatuloy ko habang tumingin lang ako sa malayo
"I'm not a love guru and I didn't even experienced having a boyfriend before so all i can say is, whatever you decide to do, be sure that you're not going to regret it again. Take chances before someone takes them from you" Nakangiting sagot ni Phrina habang hinigpitan ang pagkakahawak sa balikat ko. Hinawakan ko ang kamay niya at inilapag sa mesa. Hinigpitan ko ang pagkakahawak at tinignan ko lang siya
"Thank you Phrina. Thanks for being here with me. At least i had someone to talk to. And about Lu, pwede bang sa atin muna yun?" Malungkot na sagot ko
"Sige pero siguraduhin mong as soon as possible, na realize mo na talaga kung ano ba yung dapat mong gawin. Best friend ko siya at ayoko siyang masaktan. I don't want her to get hurt again by the same person and reason" Pag aalalang sagot niya
"Okay Phrina I understand. Now I know why Luke loves you so much. You're such an amazing person. Nixon must be f*cking lucky" Nakangiting sagot ko
"WHAT?! Zach i'm here for you! Listening to all your dramas and this is what i get?" nakakunot noong sagot niya. Nakakatuwa siya. Ang cute niya pala kapag nagagalit siya
"Sorry i was just carried away" Tawang tawang sagot ko
"Pero tama naman ako, diba?" tawang tawa pa ring sagot ko
"Seriously Zach?!" Hinampas niya ako sa braso habang naka kunot noo
"Okay fine I'm sorry. I just said what I felt" Nakangiting sagot ko sa kanya
"What does that even mean? You're not making any sense" She just rolled her eyes and stared at me
"We all know you like each other. You both just keep denying it" Tawang tawang sagot ko
"Nixon's not even my ideal man Zach. I can't even imagine myself with him" Sagot niya
"Alright Phrina keep saying that. One day kakainin mo rin lahat ng sinabi mo" Ngumiti lang ako at inakbayan siya. Tinignan niya lang ako at sinamaan ng tingin
"Halika na baka hinahanap ka na ng super protective mong kuya" Nakangiting sabi ko habang tumayo na kaming dalawa at naglakad papunta sa tambayan
Pumasok na kami sa loob at nandun na silang tatlo
"Sup bros! Sorry nahuli akong pumunta dito. Sinundo ko pa kasi 'tong girlfriend ko e" Nakangiting sigaw ko sa kanila habang inakbayan ko si Phrina. She just crossed her arms and glared at me
Tinignan ko naman ang tatlo at nagulat silang lahat
Tumayo si Luke at naglakad papunta sa gitna namin ni Phrina at inalis ang kamay ko
"Hands off her dumb ass" sagot ni Luke habang hinila si Phrina sa tabi niya
"Damn dude that's not even funny" Seryosong sagot ni Blaize
"Yes it is. You should've seen your faces! Specially you, Nixon" Nakangising sagot ko
Tinignan naming lahat si Nixon at tinignan niya rin kami na para bang walang alam sa mga nangyayari
"What? I didn't even paid attention to what you've said. And I don't care anyway" Nakangiting sagot ni Nixon
"Go on bro. Keep denying. And that's for the both of you" ngumiti lang ako kina Phrina at Nixon dahilan para magtaka sila
We've all been best bros since we were kids and i know them well. I know Blaize likes Phrina, but i know too that Nixon likes her more. It's been a long time since i've seen Nixon like this again
Been a long time since one of the Collins broke him

BINABASA MO ANG
Someday (Full story)
Roman pour AdolescentsPaano kung yung inaasam asam mong magandang love story ay nasa iyo na? Pero paano kung akala mo lang pala? Maybe not here and now, but somewhere, someday (Cover photo not mine)