Phrina's POV
"Hey are you listening?" Inis na tanong ko sa kanya
"Kanina pa ako nagsasalita dito tinitignan mo lang ako. May dumi ba sa mukha ko?" Inis parin na tanong ko sa kanya pero tinignan lang ako ni Nixon habang pinipigilan niyang tumawa
Dahan dahan niyang inilapit ang mukha niya sa akin at tinitigan ako. Tinignan ko rin siya at nagtaka. Inilapit niya muli ang mukha niya at bumulong sa tenga ko
"Can we have a break ma'am? I'm hungry" bulong niya habang inilapit muli ang mukha niya sa mukha ko
"You know you look hot when you're pissed" Nakangiting sabi niya
Tinulak ko siya at sinamaan ng tingin "we're not having a break unless you understand this" nagpatuloy lang akong nagsalita at nakinig naman siya. Ilang oras din ng pagtuturo, pag explain at paghampas ko sa kanya bago namin natapos lahat
"So i hope this will help AND sana maipasa mo na yan dahil hindi ko na alam ang gagawin ko sayo kung hindi mo na naman maipapasa yan" tinaasan ko siya ng kilay habang nagliligpit na ako ng mga gamit
"Well if I can't pass this again, you can hug and comfort me" Nakangiting sagot niya habang tinulungan akong iligpit ang mga gamit ko
"Kapag hindi mo pa naipasa yan, hindi kita papansinin for the rest of the school year" seryosong sagot ko
"Well that's a motivation" nginitian niya ako at ginulo ang buhok ko
"After class we'll continue our Operation-help-Phrina-go out with-whoever that guy is" tinignan niya lang ako at nauna nang naglakad palabas ng library
Sumunod narin ako at naglakad na kami papunta sa klase namin. Pumasok na kami at umupo na sa gitna nila ni Blaize
"Hey there lovebirds" kinindatan ako ni Blaize habang nakangiti
Binigyan ko lang siya ng sarkastikong ngiti habang natatawa naman si Nixon
"So you guys wanna hang out after class?" Nakangiting tanong ni Blaize sa amin
"Can't" Sabay kaming nagtinginan ni Nixon sa isa't isa at tumawa
"Woah there lovebirds, okay!" Tawang tawang sagot ni Blaize
Tumawa rin kami ni Nixon at natigilan lang kami nang dumating na ang guro namin. Mabilis namang natapos ito at lumabas na kaming tatlo
"So hindi talaga kayo sasama? Nixon madaming girls dun!" Tawang tawang sabi ni Blaize habang tinignan si Nixon
"No i'll pass" nakangiting sagot ni Nixon habang inakbayan ako at naglakad na kami palayo
"Talking to Nicollo scares you right?" Tinignan ko si Nixon at nakangiti siya habang nakabulsa ang mga kamay niya. Sa totoo lang cute siya pag ginagawa niya yan. Woah did i just say that? Lol
"Yes" tipid na sagot ko habang yumuko ako at patuloy lang sa paglalakad
"Step 3. Face your fears. Walang mangyayari at nakakahiyang mauutal-utal ka sa harap niya. You wouldn't want that, right?" Huminto siya at humarap siya sa akin. Huminto rin ako habang tumayo lang sa harap niya at hinintay ang sasabihin niya
"Nakikita mo ba yun?" Tinuro niya ang isang gwapo at machong lalake na nakikipag usap sa mga babae. Tumingin din ako sa lalake at tumingin din agad ako kay Nixon at nagtaka
"Approach him. Introduce yourself and ask him out" sagot niya habang nakatingin parin sa lalake
"What?! Anong konek ng problema ko sa pinapagawa mo sa akin?!" Sigaw ko at sinamaan ko siya ng tingin
BINABASA MO ANG
Someday (Full story)
Teen FictionPaano kung yung inaasam asam mong magandang love story ay nasa iyo na? Pero paano kung akala mo lang pala? Maybe not here and now, but somewhere, someday (Cover photo not mine)