A/N: Hi, readers! Thank you so much sa pagbabasa ng new novel na ito. It took me four years to write again. Sa sobrang tagal, akala ko hindi na ako makakabalik pa. Feeling ko, nangangalawang na ako. Pero sobrang saya ko at malapit na ang istoryang ito sa katapusan.
Hanggang Chapter 32 ang "Shattered Memories". Sobrang nagpapasalamat ako sa inyong pagbabasa.
Kung mayroon kayong suggestion o may nakikita kayong mali sa flow, please . . please tell me. Gusto kong isabak ito sa #Wattys2020 bilang comeback novel ko sa taong ito.
- Ate Ky 🖤
S h a t t e r e d M e m o r i e s
Kyrian18K A R I B A L
ILANG DAANG taon din ang nakaraan nang huling tumapak si Elliott sa kaniyang dating tahanan, ang palasyo ng Isidur. Ang mahabang panahon na iyon ay kailangan nang magwakas sa lalong madaling panahon.
Parehong hangin pa rin ang kaniyang nalalanghap, parehong mga kawal ang nagbabantay, at parehong misyon ang kaniyang tatapusin. Iyon ay ang itatakas si Xinderia at ilayo sa kaniyang nakababatang kapatid.
Wala pang pahinga ang kaniyang katawan. Nilisan niya nang pansamantala ang kaniyang bahay at nagtungo sa Yuteria. Hindi na niya naabutan doon ang kaniyang matalik na kaibigan na si Cythe. At ganoon din si Xinderia nang makauwi siya.
Sunod-sunod ang nagaganap na kamalasan. Subalit hindi ito ang oras upang manlambot o maging mas negatibo pa kaysa sa dati.
Sa dalawang nangyaring pagkawala, kailangan niyang pumili kung sino ba ang una niyang hahanapin at ililigtas.
Buo na ang kaniyang loob kahit nanghihina pa rin ang kaniyang katawan. Hindi niya kayang gamitin si Xenia, na siyang mas nagpabigat sa kaniyang sitwasyon. Sapagkat kulang ang kaniyang enerhiya upang buhayin ang kaniyang kapangyarihang hangin.
Gamit ang natitira niyang kapangyarihan sa hangin, pinalutang niya ang kaniyang katawan. Nagkukubli si Elliott sa bawat anino na madadaanan at sa kadiliman ng gabi. Purong itim din ang kaniyang kasuotan at maingat na nagtungo sa pinakamalapit na bintanang nakabukas. Malayo-malayo pa ito sa silid na nais sana niyang marating ngunit wala na siyang magagawa pa. Pumasok si Elliott ng walang pag-aalinlangan at hinanda ang kaniyang sarili sa isang labanan.
May tatlong kawal na nakatayo roon na walang malay sa kaniyang pagsugod. Nang makatapak ang mga paa ni Elliott sa sahig, ginamit niya ang kaniyang liksi upang pabagsakin at patulugin ang mga ito nang ilang segundo lamang.
Walang imik siyang tumatakbo ng hagdanan, paakyat ng tore. Nang masilayan niya ang isang silid sa gawing kaliwa na may nakalabas na ilaw buhat sa awang ng pintuan, dahan-dahan binuksan iyon ni Elliott.
Ang puso niyang napupuno ng pangamba ay napalitan ng pananabik nang masilayan ang dalaga na humihimlay sa kama.
Walang inaksayang oras, kaagad niyang nilapitan ang gawi ni Xinderia na wala pa ring kamalay-malay sa kaniyang presensiya.
"Marianne," tawag niya, kahit hindi siya sanay sa isa nitong pangalan. "Gising na, Marianne. Itatakas na kita rito."
Marahan niyang niyugyog ang balikat nito, ngunit hindi pa rin nagigising.
"Marianne!" Inulit niya ang pagyugyog sa dalawa nitong balikat. Mas malakas. Mas madiin ang kaniyang pagkakahawak. "Nandito na ako. Imulat mo na ang iyong mga mata."
Nakaramdam na si Elliott ng alarma sa babaeng nais niyang sagipin. Hinawakan niya ang mainit nitong palad.
"Sa tingin mo ba ay makukuha mo nang ganoon kadali ang aking reyna?"
BINABASA MO ANG
ADK VI: Shattered Memories ✔️
FantasyGustong ipagsigawan ni Eliliott na mali ang nakasaad sa mga libro, patungkol sa istorya ng magandang binibining pumunta sa palasyo, suot-suot ang babasaging nitong sapatos. Nais niyang sabihing hindi ang prinsipeng iyon ang siyang pinuntahan ng dal...