S h a t t e r e d M e m o r i e s
Kyrian18K A P I R A S O
"PATAWAD, kung nahuli man ako ng dating," marahang sambit ni Elliott sa kaniya.
Kapwa sila nakatayo sa pinakatuktok ng pampang -- isa sa pinakadulong kaharian sa kabuuang mundo na tila ba'y kathang-isip lamang, mga kuwentong ada.
Pinagmasdan nilang dalawa ang malawak na kaharian ng Uyero mula sa kanilang kinatatayuan.
Nanunuot sa balat ni Marianne ang mas malamig at mas malakas na hangin, na kung saan ay nagtagpo ang hangin na nanggaling sa kagubatan at karagatan.
"Ang galing naman ng palasyo na iyan at talagang sinadyang idinikit sa pampang," pagkamangha niya, habang napayakap na sa sarili.
Katulad nang nauna nilang tagpo, hinubad ni Elliott ang kapa nitong may talukbong na kulay itim.
"Ang lahat ng mga palasyo ay may kaniya-kaniyang taglay na pagkakaiba at kamangha-mangha sa isa't isa," wika nito habang pinapasuot sa kaniya ang kapa.
"Bukod ba sa Isidur at Uyero, may binigkas din si Yino na Yuteria," pag-alala niya habang hindi niya maiwasang huwag titigan ang mukha ng lalaki na nasa kaniyang harapan.
"Maraming kaharian ang mundong ito, Marianne. Katulad ng Isidur na lumulutang sa ere, ang Uyero na nasa bangin, ang Yuteria na elemental ng tubig at hangin ang mga guwardiya, at marami pang iba."
"Lahat sila ay totoo?"
Tumango ito sa kaniya at ngumiti. "Lahat ay totoo, katulad nating dalawa."
Bakit sa tuwing nasisilayan niya ang mukha ng lalaking ito ay palaging kakaiba ang kaniyang nararamdaman?
Muling umihip nang malakas ang hangin na siyang nagpanginig sa kaniyang katawan.
"Lamigin ka talaga kahit kailan," aniya.
Mas tumindi ang kabog ng kaniyang dibdib nang lumapit pa lalo si Elliott at iniisa-isang hinawi ang iilang hibla ng kaniyang buhok na nasa mukha. Napasinghap siya sa maliliit na dampi ng mga daliri nito sa kaniyang balat.
"Mas maganda kang tingnan kapag ganiyan," dagdag nito, bago nilagyan ng talukbong ang kaniyang ulo. "Ngunit mas mainam na ako na lamang muna ang makasisilay niyan."
Mabilis na uminit ang kaniyang pisngi dahil sa sinabi nito.
Nagsimula na silang maglakad patungo sa masukal na kagubatan. Hindi na katulad nang nauna niyang bagsak dito, wala na iyong takot at pangamba. Sa piling ni Elliott, natutong kumalma ang kaniyang sarili sa mga bagay na ayaw niyang paniwalaan.
"Elliott," mahinang tawag ni Marianne sa pangalan nito.
"Hmmm?"
Tumigil siya sa kaniyang paglalakad. Nagdadalawang-isip. Kung ang lahat ay hindi produkto ng kathang-isip, may karapatan ba siyang maging hangal?
"Ikaw iyon, 'di ba? Ikaw pa rin ang transferee student na madalas ay nanahimik lamang sa may sulok. Ikaw pa rin ba iyong lalaking tumulong sa akin sa kalagitnaan ng ulan?"
BINABASA MO ANG
ADK VI: Shattered Memories ✔️
FantasíaGustong ipagsigawan ni Eliliott na mali ang nakasaad sa mga libro, patungkol sa istorya ng magandang binibining pumunta sa palasyo, suot-suot ang babasaging nitong sapatos. Nais niyang sabihing hindi ang prinsipeng iyon ang siyang pinuntahan ng dal...