S h a t t e r e d M e m o r i e s
Kyrian18H I N U H A
SUMASANG-AYON ANG GANDA ng kalangitan sa kanilang mabagal na paglalakad sa kahabaan ng Muntinlupa highway. Nakakahiya man pero hindi kanyang tanggihan ni Marianne ang alok ni Elliott na sa samahan siya. Hinuha niya ay hindi naman ito masamang tao.Napapayuko si Marianne sa gilid ng kalsada. May ilang pagkakataon na nakatingin lamang siya sa malapad na likuran ni Elliott. Nasa unahan kasi ito at nagbibigay sa kaniya ng espasyo upang hindi siya mahihirapang makipagsiksikan sa mga taong nakakasabayan at nakakasalubong nilang dalawa sa daanan.
Palihim siyang napangiti sa pinapakita nitong kabutihan. Pakiramdam niya ay nagmistula siyang bata na sumusunod sa likuran ni Elliott, na minsa'y nahahawakan pa niya ang damit nito upang huwag lamang siyang mahuhuli sa paglalakad.
Tagaktak ang pawis sa kaniyang noo, habang pasimpleng tumitingala sa langit, at lihim na namamangha sa ganda ng mga ulap na pinipintahan ng pinaghalong kulay kahel, dilaw, at lila.
"Saan ka ba papatungo?" tanong ni Elliott nang pansamantala muna silang tumigil at sumilong sa isang lumang Waiting Shed na matatagpuan sa labasan ng Pedro E Diaz High School, isa sa pinakamalaking pampublikong eskuwelahan sa Muntinlupa. "Bahagyang malayo na tayo."
Natigilan si Marianne sa malalim nitong salitaan na tila ba'y hindi akma sa kanilang panahon, kagaya ng kaniyang panaginip na hinding-hindi niya malilimutan nitong mga nagdaang araw. Hindi naman kasi ito nagsasalita sa klase at hindi rin sila nagkakausap sa unibersidad.
Saka siya lumingon pabalik upang tingnan ang Jolibee na tinatawag madalas na Jollibee Junction, na malapit sa may Festival Mall.
Malayo na pala sila sa Alabang.
"Oo nga, e. Hindi ko na rin nakikita pa ang kotse ko," wika niya. "Hayaan mo na. Baka mahuli pa ako, e. 'Lam mo na. Wala pa sa tamang edad. Baka mahuli pa ako ng mga traffic enforcers."
"E, saan nga ba tayo papatungo?" muli nitong tanong. "Parang ang hinuha ko tuloy ay tinakasan mo ang nobyo mo."
Namula ang kaniyang pisngi dahil sa kalutangan ng kaniyang sagot at iyong banat nitong may halong katotohanan.
Naunang naglakad si Marriane. Iniwan roon si Elliott. Sumunod din naman ito kaya lihim na naman siyang napapangiti.
Hindi na siya nagsalita pang muli at hinahayaan na lamang si Eliott na isipin kung saan nga ba sila papatungo.
Nang magtigil silang dalawa ay saka na na niya naramdaman ang bahagyang pagkirot ng kaniyang mga paa at nangangalay na mga binti. Hinihingal na rin si Marianne sa ilang minutong paglalakad at sobra na ring natutuyo ang kaniyang lalamunan.
Hindi talaga nasanay ang kaniyang katawan sa ganito kahabang paglalakad -- isang bagay na kinainggitan ni Marianne sa iba.
"Gusto mo ba ng tubig?" alok ni Elliott sa kaniya, nakahalata yata ng kaniyang katabi.
Tipid ang kaniyang ngiti nang tumango siya rito.
Kinapa-kapa pa ni Marianne ang kaniyang maliit na pitaka sa kaniyang bulsa. At nakahinga siya nang maluwag nang malaman na nabitbit niya ito.
"Sige, bibili tayo sa pinakaunang madadaanan natin na tindahan."
Nang masipat nila na nagdadasaan na ang mga estudyanteng naglalabasan na sa eskuwelahan, muli nilang tinahak ang daan.
Huminto sila sa pinakamalapit na tindahan at doon ay nakabili si Marianne ng dalawang bote ng mineral water, dalawang malaking chichiria, at mga kendi. Binigay niya ang isang bote ng tubig kay Elliott at dali-dali naman niyang binuksan ang natira pa.
BINABASA MO ANG
ADK VI: Shattered Memories ✔️
FantasíaGustong ipagsigawan ni Eliliott na mali ang nakasaad sa mga libro, patungkol sa istorya ng magandang binibining pumunta sa palasyo, suot-suot ang babasaging nitong sapatos. Nais niyang sabihing hindi ang prinsipeng iyon ang siyang pinuntahan ng dal...