S h a t t e r e d M e m o r i e s
Kyrian18L I P A D
ALAS-SAIS NA nang gabi. Mapayapa ang buong paligid. Maningning ang mga bituin sa kalangitan, ngunit wala nang mas makinang pa sa tanawin na pinagmamasdan niya sa mga sandaling ito -- si Xinderia.Minsan may pagkakataon na nais niyang maging sakim, katulad ngayon. Kayang-kaya na niyang kunin si Xinderia at isama sa kanilang mundo ngunit nananatili siyang mapagpasensiya. Kailangan muna niyang makuha ang loob nito, bago ang lahat.
Subalit paano niya ito gagawin kung limitado na lamang ang kaniyang oras?
"Ang sarap talaga manatili sa ganitong lugar, ano? Iyong bang walang usok galing sa sasakyan, walang busina, walang polusyon sa tubig, at masarap ang simoy ng hangin."
"Katulad ng Isidur," mahinang wika ni Elliott.
Marahil nawala ito sa mundong iyon subalit ang kaluluwa ni Xinderia ay nakakakilala pa kung saan ito galing.
"Isidur?" takang pagtatanong nito sa kaniya. "Lugar ba 'yan? Parang pamilyar ang salitang 'yan."
Nakalkula na niya na hindi ganoon kalinaw ang ginawa niyang mahika sa panaginip nito, lalo na at kahit sa panaginip ay nasasaklaw pa rin ang sumpang ipinataw sa kanilang dalawa.
Habang tumatagal ang mga araw, maglalaho rin ang alalala ni Xinderia sa kaniyang mga panaginip. Nitong kaninang umaga ay nagtatanong pa ito. Ngayon, nakalimot na.
"Kung pagbibigyan ka ng pagkakataon na mamuhay sa ganiyang klaseng lugar, gugustuhin mo ba?"
Habang nakaupo sila pareho sa gilid ng lawa ay muling nagtama ang kanilang mga mata, ang kaniyang mga titig na seryosong tinatanong si Xinderia laban sa mga mata nitong tinatantiya kung ordinaryo lamang ang tanungan, o mas higit pa.
"Mamuhay sa probinsiya?" kunot-noo nitong sambit. "Wala namang ganiyan sa siyudad. Sa probinsiya, pwede pa."
Napaangat ang tingin ni Elliott. Napahapo sa mukha. Paano ba niya maipapaliwanag ang lahat nang hindi ito matatakot o mapagkakamalan siyang nahihibang?
"Oo, mga ganoong tipo, nais mo bang manirahan sa gano'n?" muli niyang ibinalik ang tanong.
"Sino naman ang ayaw?" bulalas nito, habang tumatayo sa kinauupuan. "Paraisong pamumuhay ang probinsiyang hitik sa kalikasan. Kahit sino naman, Elliott. Gustong-gustong manirahan aa gano'n klaseng lugar."
Nakahinga si Elliott sa sagutan ni Xinderia. Kahit papaano ay hindi ito mahihirapan sa oras na babalik na sila ng Isidur.
"Saan ba 'yong Isidur? Malayong probinsiya ba 'yon? Ngayon lang ako nakarinig ng lugar na 'yan. Pamilyar talaga sa 'kin 'yan. Alam mo ba 'yang pakiramdam na alam mo ang isang bagay, tapos wala naman talaga? Ang gulo-gulo, 'di ba?"
Napapangiti na lamang siya sa mukha nitong hindi na maipinta.
"Gusto mo bang puntahan ang Isidur? Pwede nating puntahan ang lugar na 'yan."
Nanlaki ang mga mata ni Xinderia sa kaniyang paanyaya, sabay agad ring rumehistro sa maganda nitong mukha ang labis na pag-alaala.
"Isa marahil sa mga gusto ko na hindi ko na pwedeng gawin," halos pabulong na lang iyong mga winika nito. Bagsak ang mga balikat na nakatingin sa kawalan.
"Ang alin?" patay-malisya niyang tanong.
"Pumunta sa mga ganiyan nang hindi ako madadale kay Williard."
"Kung hindi mo ba nakilala si Williard, magiging mas masaya ka ba ngayon?"
Muli na naman itong nanahimik. Ang lalim na ng kapit ng lalaking iyon sa buhay ni Xinderia. Sa sobrang lalim, nahihirapan na si Elliott na hugutin ito. Ang mas nakakatakot at nakakabahala ay kung gaano rin ba 'yon kalalim sa puso ng kaniyang pinakamamahal.
BINABASA MO ANG
ADK VI: Shattered Memories ✔️
FantasíaGustong ipagsigawan ni Eliliott na mali ang nakasaad sa mga libro, patungkol sa istorya ng magandang binibining pumunta sa palasyo, suot-suot ang babasaging nitong sapatos. Nais niyang sabihing hindi ang prinsipeng iyon ang siyang pinuntahan ng dal...