A/N: Thank you for making it happen.
As of June 2, 2020:
Rankings:
#1 shoe , #1 Retelling , #2 Greekmyth, #3 bastard, #6 Demigod, #7 myths, #9 sorcerer, #13 forgotten, #14 Cinderella, #22 Reincarnation, and many more. ❤S h a t t e r e d M e m o r i e s
Kyrian18T A K A S
TULALA SI MARRIANE habang tinitingnan ang kaniyang nagkukumpulang mga damit sa kaniyang higain. Iniisa-isa pa niyang binuksan ang mga aparador kung may naiwan pa bang gamit sa loob. Nang makasigurong wala na itong laman ay bumalik ang kaniyang tingin sa mga nagkalat na damit, na nais muna niyang tupiin bago ilagay sa maleta na nakahandusay na sa sahig, kasama ang tatlong Balikbayan box. Ang bata pa niya. Desi-siyete anyos. Pero 'eto siya, nag-iiisip kung bakit naging ganito ang kaniyang buhay.
Mabigat ang kaniyang loob na lisanin ang bahay na ito. Dito na kasi siya lumaki at nagkaisip. At ito rin ang pinakaunang napundar ng kaniyang mga magulang noong panahon nang kasagsagan ng kalakasan sa kanilang negosyo. Kay daming aalala na naipon na ng panahon, at masakit sa loob niyang iwanan ang lahat ng ito.
Ayaw man niyang aminin sa kaniyang sarili, subalit nanghihina na si Marianne sa samu't saring mga problema.
Una, ilang araw na niyang hindi makontak ang mama at papa niya. Hindi na sila nakakadalaw kahit na pinagbibigyan pa rin sila ni Williard, dalawang beses sa isang linggo. Madalas ay mga araw ng Sabado at Linggo ang bisita ng mga ito sa kaniya. Sapat na kay Marianne iyon. Sapat na sa kaniya na makitang malusog at ligtas ang dalawang taong kumupkop sa kaniya at itinuring siyang anak. At nitong mga nagdaang araw ay wala man lamang itong paramdam sa kaniya, na siyang ikinahala ni Marrianne nang husto.
Kahit ilang beses pang sinasabi ni Williard na binenta siya ng kaniyang mga magulang ay hindi pa rin siya kumbinsido. Hinding-hindi nila ito magagawa. At kung kaya mang gawin, nababatid niyang para sa kaniyang ikabubuti lamang iyon. Malawak ang kaniyang pag-unawa. Hindi siya iyong tipong basta-basta naniniwala sa isang sabihan lamang.
Dalawang linggo nang walang paramdam. Napapagod na siyang magsinungaling sa iba na nasa outing lamang ang mga ito. Gustong-gusto niyang hanapin ang kaniyang mga magulang ngunit saan nga ba siya mag-uumpisa? Paano ba niya mahahanap kung simula bukas ay hawak na siya sa leeg ni Williard?
Sa labis na lalim ng kaniyang pag-iisip ay hindi na niya namalayan pa ang kaniyang sarili na kanina pa yata nakaharap sa kuwadradong salamin. Nakatingin pabalik ang kaniyang matamlay at walang buhay na repleksiyon roon.
Hindi niya mawari kung paano nagkagusto sa kaniya si Williard kung ganito siya kawalang-ayos sa sarili.
Nakasuot lamang siya ng kupas na maong shorts na kulay asul na halos ay tatama na sa kaniyang mga tuhod. Maluwag ang suot niyang kulay kahel na T-shirt. Wala kahit anong kolorete ang blanko niyang mukha. Walang guhit ng saya ang kaniyang mga mapuputlang labi. Wala ng buhay ang dati ay makikinang na dalawang pares na mga mata. Hindi pa naman siya patay ngunit pakiramdam niya ay matagal na siyang nawalan ng hininga.
Nakatayo siya roon habang pinagmamasdan ang sarili. Gumagana ang kaniyang imahinasyon. Tinitingnan niyang maigi kung bagay ba sa kaniya ang pagsusuot ng magandang traje de boda, at kung gaano ba siya kasaya na maglalakad papuntang altar.
Napailing-iling si Marriane. Nakadama siya ng kirot sa kaniyang puso, sapagkat mas nananaig sa kaniya ang pagluluksa kaysa magdiwang.
Bukod pa sa paghahanap niya sa kaniyang mga magulang, problema rin niya si Williard.
BINABASA MO ANG
ADK VI: Shattered Memories ✔️
FantasiGustong ipagsigawan ni Eliliott na mali ang nakasaad sa mga libro, patungkol sa istorya ng magandang binibining pumunta sa palasyo, suot-suot ang babasaging nitong sapatos. Nais niyang sabihing hindi ang prinsipeng iyon ang siyang pinuntahan ng dal...