S h a t t e r e d M e m o r i e s
Kyrian18M A N G A N G A S O
NANGANGATOG ANG dalawang tuhod ni Marianne habang nakatayo roon. Masidhing takot ang namayani sa buo niyang katawan. Tinitingnan niya sa gilid ng kaniyang mga mata ang haba ng espada sa kaniyang leeg.
"Tampalasan! Nais mo pa yata akong nakawan ng kabayo!"
Narinig ni Marianne ang baritonong boses ng nagsalita. Seryoso at may halong galit ang tono ng boses nito.
Sa pagkamalas-malas ng buhay niya, nakatakas nga siya sa mga kawal ng Isidur, subalit mukhang dito naman yata siya mapapaslang.
"Humarap ka!" bulyaw pa ng lalaki na nasa kaniyang likuran. "Inuutusan kitang humarap sa akin, magnanakaw!"
Hindi siya magmananakaw. Nais niyang ipagsigawan iyon. Walang magawa si Marianne kung 'di sundin ang nais nito. Tahimik siyang humakbang patalikod habang pinipilit na huwag matamaan sa talas ng espada.
Nanlaki ang mga mata ni Marianne sa pagkagulantang nang bumungad sa kaniya ang isa sa mga tauhan ng kaniyang panaginip na tila ba'y nagkakatotoo.
Ang lalaking taga-Uyero na naalala niya roon sa piging -- si Yino, ang kaibigan ng prinsipeng taga-Isidur.
Naglaho ang pagkasalubong ng dalawa nitong kilay nang magtama ang kanilang mga mata. Katulad niya, nabigla rin ito.
Ang mga mata nitong kulay ginto ay mas lalong kumikinang sa sinag ng araw. Napapaangat pa rin siya ng tingin dahil sa katangkaran ni Yino, katulad nang napanaginipan ni Marianne. Nakasuot ito ng makapal na itim tela na may talukbong sa bandang uluhan. Nakatago rin ang kasuotan nito sa itim na tela na iyon. Tanging ang mukha lamang ni Yino ang nakikita.
Sa likuran naman nito ay matatagpuan ang isang buslo na nakalagay ang mga pana at palaso. Hinuha niya ay nangangaso si Yino sa kagubatan.
"Binibing Xinderia!" bulalas nito na agarang ibinaba ang sandata.
Nakahinga si Marianne nang maluwag nang itinago ni Yino ang hawak-hawak nitong espada.
"Bakit ganiyan ang iyong kasuotan, Binibining Xinderia? Tila ba'y nakulangan ka ng tela." Pinagmasdan siya nito, mula ulo hanggang paa.
Napataas ng kilay si Marianne sa kung paano siya nito pinagmasdan.
Kaya bumaba na rin ang kaniyang tingin sa simpleng T-shirt at shorts na suot-suot niya. Maraming mantsa. Maputik. At hindi akma sa mundong ito.
Nakaramdam siya nang hiya sa kaniyang kaanyuan.
"Naliligaw ako, Ginoo," kalmado niyang turan. "Ipagpaumanhin ngunit hindi ko kilala ang binabanggit mong Xinderia."
Napatigil ang kaniyang kaharap. Binabalanse kung nagsisinungaling ba siya o hindi.
"Ganoon ba?" Sumilay ang maganda nitong ngiti. "Ipagpaumanhin mo, Binibini. Ako'y nagulat lamang. Magkamukhang-magkamukha kasi kayo ng sinasabi kong si Binibining Xinderia."
Sa isip-isip ni Marianne, kailangan niyang sabayan ang salitaan nila sa mundong ito -- walang salitang Ingles at purong Tagalog lamang, upang hindi siya mapapahamak kaagad.
"Ayos ka lamang ba?"
Isang tanong ang nagpahinto kay Marianne dahil tinatanong din niya iyan sa kaniyang sarili.
Marahan siyang umiling-iling. Kahabag-habag na ang kaniyang sinapit. Gutom na gutom. Uhaw na uhaw. At naliligaw sa mundong hindi siya pamilyar.
Hindi siya maayos.
BINABASA MO ANG
ADK VI: Shattered Memories ✔️
FantasyGustong ipagsigawan ni Eliliott na mali ang nakasaad sa mga libro, patungkol sa istorya ng magandang binibining pumunta sa palasyo, suot-suot ang babasaging nitong sapatos. Nais niyang sabihing hindi ang prinsipeng iyon ang siyang pinuntahan ng dal...