S h a t t e r e d M e m o r i e s
Kyrian18A L A S D O S E
NAIWAN NI XINDERIA ang kapares ng kaniyang sapatos sa may hagdanan ng palasyo. Hindi na niya kayang balikan pa ito. Kailangan na niyang lisanin ang malaking piging sa lalong madaling panahon, ayon sa kanilang plano ni Elliott.Natararanta siya kanina nang madinig ang unang tunog ng orasan, tanda na alas-dose na nang hatinggabi. Kausap niya sa mga sandaling iyon ang prinsipe ng Isidur upang pagtaguan ang kaniyang madrasta at dalawa niya pang kinakapatid.
Hinahabol na siya ng lahat na mas lalong nagbigay sa kaniya ng pokus na huwag nang lilingon pa. Gayun pa man, hindi niya kayang pigilan ang kaniyang sarili na huwag titingnan ang naiwan niyang sapatos na gawa sa salamin, bago siya humarurot ng takbo.
Imbes na matutulungan siya ng hari ay kabaliktaran ang naging pangyayari. Mas lalong gumulo ang kaniyang mundo. Mas naging komplikado. Mas kailangan niyang iligtas ang kaniyang sarili.
Nasa kanang palad pa rin ni Xinderia ang marka ng simbolo ng Isidur, tanda na siya ang itatalagang reyna ng buong kaharian. Hindi niya iyon maintindihan, ngunit saka na lamang din iyan iisipin. Ang kailangan niya munang gawin ay lisanin ang palasyo bago pa man maglaho ang lahat ng mahika na ginamit ni Elliott sa kaniya.
"Binibining Xinderia!" tawag sa kaniyang pangalan. Boses ni Yino iyon.
Nahagip din sa kaniyang mga mata ang prinsipeng hinila siya sa pinakasentro ng piging upang makasayaw lamang, si Prinsipe Rufino.
Limang metro na lamang ang kaniyang agwat sa pinakamalaking tarangkahan ng palasyo. Hinahabol niya ang kaniyang hininga. Palakas nang palakas ang kabog ng kaniyang dibdib.
"Huwag ka nang tumakbo! Hindi ka namin sasaktan!" dagdag pa nito, na ayaw niyang maniwala.
Hindi na siya lumingon pabalik, lalo na't sinenyasan na ang dalawang kawal na nagbabantay doon na isarado ang tarangkahan sa kaniyang harapan, sa lalong madaling panahon.
Nanlaki ang mga mata ni Xinderia na kumaripas pang tumatakbo papalapit sa tarangkahan na paunti-unti nang nagsasarado. Sakto lamang ang kaniyang paggulong sa may awang ng tarangkahan.
Nakalabas si Xinderia. Nakahinga siya nang maluwag. Tamang-tama lamang ang kaniyang tiyempo.
"Elliott!" sigaw niya nang makarating sa pinakadulo bahagi ng lumulutang na palasyo. "Nasaan ka na?!"
Mas malakas ang ihip ng hangin roon. Ramdam niya ang pagsayaw ng kaniyang magandang bestida sa hangin. Kahit ang buhok niya ay wala na sa ayos. Bahagyang sumasakit na ang kaniyang paa sa kakatakbo.
Hinubad niya ang kaparehas ng sapatos na natira sa kaniyang kaliwang paa na namumula na.
Mahigpit ang kaniyang pagkakahawak sa sapatos na iyon. Wala nang pagsisidlan pa ang kaba ng kaniyang dibdib. Wala na siyang mapagtatakbuhan pa.
Bakit naman kasi lumulutang ang palasyo ng Isidur?
Sinulyapan niya ang malaking tarangkahan na paunti-unting binubuksan.
Tumayo si Xinderia sa pinakagilid ng palasyo, sa lugar kung saan ay kabaliktaran sa pinaglagyan ng mga karuwahe
Napangiwi pa siya nang masulyapan sa kaniyang kinaroroonan ang kaniyang karuwaheng bumabalik na sa pagiging kalabasa, at nahulog sa ere.
Paano na siya ngayon?
"Eliott! Nandito ka ba? Pakiusap! Tulungan mo ako!" pagsusumamo niya sa hangin.
![](https://img.wattpad.com/cover/49555294-288-k140653.jpg)
BINABASA MO ANG
ADK VI: Shattered Memories ✔️
FantasyGustong ipagsigawan ni Eliliott na mali ang nakasaad sa mga libro, patungkol sa istorya ng magandang binibining pumunta sa palasyo, suot-suot ang babasaging nitong sapatos. Nais niyang sabihing hindi ang prinsipeng iyon ang siyang pinuntahan ng dal...