xxix. e s p i y a

102 9 0
                                    

A/N: I am inspired to finish this new novel of mine. Salamat sa ranks, Watty. 🖤
Three (3) more chapters before Epilogue, kasama ang kabanata na ito.

Thankful to all of you, guys.

Rankings: (June 21,2020)
#1 Greekmyth, #1 Shoe #1, Retelling #1 Korona, #2 Hangin, #4 Sumpa, #5 Kasal, #6 Myths, #7 Demigod,  etc.  🖤🖤🖤

S h a t t e r e d  M e m o r i e s
Kyrian18

E S P I Y A

UMUURONG ANG dila ni Marianne. Sa harapan ng mapaglinlang na nilalang, ano nga ba ang dapat niyang gagawin?

Natulala siya sa harapan ni Prinsipe Rufino.

Kapag magsasabi siya ng totoo, kapahamakan ang naghihintay sa kaniyang buhay. At kung kabaliktaran ang kaniyang sasambitin, mas lalo lamang niyang itutulak ang kaniyang sarili sa peligro. Anuman ang kaniyang pipiliin, nababatid ni Marianne na wala na siyang matakbuhan pa.

Napagitla si Marianne nang bigla na lamang nitong hinawakan ang kaniyang panga. Madiin ang pagkakahawak ng prinsipe. Pilit siyang pinapaangat ng mukha.

Napagmasdan niya ang mga mata nitong nanlilisik na nakatingin sa kaniya, sa unang pagkakataon.

Nanindig ang kaniyang balahibo sa takot. Malayo na ang kaniyang kaharap sa malumanay at kalmadong prinsipe.

"Magsimula ka nang magsalita, mahal ko. Ayaw kong pinaghihintay ako nang matagal," giit nito.

Mas dumiin ang pagkakahawak nito sa kaniyang mukha, hanggang sa bumaba ang kamay ni Prinsipe Rufino patungo sa kaniyang leeg.

Pumulupot ang mga daliri nito roon. Nagsasaya pa na makitang nahihirapan siya.

"Bakit pa ako magsasalita kung sa tingin ko'y matagal mo nang natuklasan ang lahat?" tapang-tapangan niyang wika.

Nakasaad sa nakatagong kasulatan na iisa lamang ang anak ng hari. Ito ay ang prinsipeng nagtataglay ng kapangyarihan sa hangin. Ang ang taong iyon ay siyang itinakda niyang makaisang-dibdib upang magkaroon ng pangmatagalang kapayapaan ang kaharian ng Isidur.

Si Elliot iyon.

Hindi ang huwad na prinsipeng nasa kaniyang harapan ngayon. Niloloko lamang siya nito. Pinaniwala nang husto.

Kung may pagkakataon mang kailangan niyang pahalagahan ang kaniyang sarili, ito na ang tamang oras.

"Pagod na akong maging mahina at sunod-sunuran ninuman. Kung ako nga ang siyang itinakdang reyna, hindi ako padadaig ng isang katulad mong mapagsamantala!"

Paunti-unting dumidiin ang kamay nito sa kaniyang leeg. Nahihirapan siyang makahinga sa pagkakasal nito sa kaniya. Nanakit ang kaniyang lalamunan. Nagpumiglas si Marianne. Pinipilit niyang magkaroon ng hangin subalit mas pinadiin pa ng prinsipe ang pananakal nito.

Ginamit ni Marianne ang dalawa niyang kamay upang matanggal sana ang pagkakasakal nito subalit 'di hamak na mahina lamang siya kumpara sa lakas ni Prinsipe Rufino.

Sa labis niyang panggigigil, inipon niya ang kaniyang enerhiya at sinampal nang ubod ng lakas ang taong nagpahirap sa kaniya. Hindi pa siya nakuntento, sinipa ni Marianne gamit ang kaniyang kanang paa ang isa sa mga tuhod ng prinsipe.

ADK VI: Shattered Memories ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon