A/N: Ipagpaumanhin kung natagalan ang update. Nahihirapan akong i-translate ang ibang scenes mula Ingles gagawing Tagalog.Sa mga bet ang spoilers ng kuwentong ito, try reading my one-shot story, "Lost and Found". :)
Dedicated ang story na ito sa aking new friend sa Watty, namkcajleahcimhguh.
Enjoy reading. ❤
S h a t t e r e d M e m o r i e s
Kyrian18K A H A N G A L A N
PANSAMANTALA . . . nakahinga si Xinderia sa lahat ng kaniyang paghihirap.
Ang totoo niyan, nagsinungaling siya sa binatilyong katabi niya ngayon. Ang karuwaheng lulan niya kanina ay hindi ibinigay ng kaniyang madrasta, kundi palihim niya itong ninakaw upang makatakas.
Sa mahabang panahon nang pagkukulong sa bahay ay ngayon lamang siya nakahinga. Nangangatog ang kaniyang katawan sa lamig na nanonoot sa kaniyang balat, at hindi hamak na mas malamig ang simoy ng hangin sa itaas ng punongkahoy kaysa sa hangin ng kanilang bahay.
Napayakap siya sa kaniyang sarili habang napapikit. Kailangang huwag siyang padalos-dalos sa bawat hakbang niya sa mga oras na ito. Iniisip niya kung itutuloy pa ba niya ang kaniyang plano na makarating sa palasyo na walang kasiguraduhan, o hahayaan niyang maligaw ang sarili sa kagubatan. Alinman doon ang kaniyang pipiliin, nababatid ni Xinderia na wala na itong atrasan pa.
Kung babalik naman siya sa kanilang tahanan ay tiyak kapahamakan din ang naghihintay sa kaniya.
"Nilalamig ka na . ." bulong ng salamangkerong hindi pa niya naitatanong kung ano'ng pangalan nito. Bago pa man makahuma si Xinderia ay sinuotan na siya nito ng makapal suot nitong museta. Inayos pa nito ang talukbong sa kaniyang ulo upang huwag siyang mahamugan. "Gamitin mo muna ito. Mas malamig talaga ang gubat dahil sa mga puno."
Natulala si Xinderia nang ilang segundo -- hindi dahil sa init na hatid ng tela, kundi sa init na dala ng kaunting init ng emosyon na iyon. Walang salita siyang napatingala sa nag-alay ng kabaitan sa kaniya dahil hindi na niya maalala pa kung kailan ang huling taong nagbigay sa kaniya ng ganiyan noon -- maliban sa kaniyang ama na matagal nang hindi niya nakikita.
Mistulang bumagal ang oras nang masilayan ni Xinderia ang mukha nitong wala ng kahit anong takip sa ilalim ng sinag ng dalawang buwan. Nakapokus siya sa dalawang pares na mapupungay nitong mga mata na kasing kulay ng mga abo. Maski ang buhok nitong may kasing kulay ng mga ulap ay perpektong sumasayaw nang malaya sa hangin. Sa tanang buhay niya ay ngayon lamang siya nakasaksi ng nilalang na katulad nito.
Isa kaya itong maharlika?
Sa isang iglap, nais ni Xinderia na magkubli na lamang sa sulok ng dilim. Nakaramdam siya ng pagkapahiya sa kaniyang sarili. Pakiwari niya'y nanliliit siya sa kaniyang kahabag-habag na anyo. Sa labis niyang pag-iisip na makalayo sa kanilang bahay ay hindi man lang niya nagawang mag-ayos ng sarili.
At tama ang estrangherong ito. Kahit makarating siya sa tarangkahan ng palasyo ay hindi pa rin siya papasukin sa loob. Nanikip ang dibdib ni Xinderia sa labis na katangahan.
Bukod pa riyan, nananakit pa rin ang kaniyang katawan sa apaw-apaw na pagmamalupit ng kaniyang ina. Idagdag pa rito ang sandamakmak na mga utos ng kaniyang dalawang kinakapatid na babae. At kanina, bago sila nagtungo sa piging, kamuntik na siyang malagutan ng hininga sa kusina. Labis na natamo niyang sugat upang huwag lamang siyang isasama sa piging ng prinsipe.
BINABASA MO ANG
ADK VI: Shattered Memories ✔️
FantasyGustong ipagsigawan ni Eliliott na mali ang nakasaad sa mga libro, patungkol sa istorya ng magandang binibining pumunta sa palasyo, suot-suot ang babasaging nitong sapatos. Nais niyang sabihing hindi ang prinsipeng iyon ang siyang pinuntahan ng dal...