xx : t a n i n g

648 27 1
                                    

S h a t t e r e d   M e m o r i e s
Kyrian18

T A N I N G

SAKTO LAMANG ang pagdating ni Eliott sa palasyo ng Uyero. Kung nahuli pa siya nang ilang segundo ay baka nalason na ng kaniyang pinsan ang pag-iisip ni Xinderia.

Kailangan ngang malaman ng kaniyang mahal ang tunay nitong pagkatao ngunit hindi sa ganitong pamamaraan.

Mabuti na lamang at ang Uyero ay katulad sa kaharian ng Yuteria. Ang lugar na ito ay may kakayahan na kusang pagalingin ang mga sugat kapag nakakapasok na sa loob ng palasyo. Hindi katulad sa kaharian ni Reyna Snow White, hindi ganoon kahigpit ang mga bantay dito at bahagyang maluwang din sa mga taong naglalabas-pasok sa lugar.

Hindi kayang pigilan ni Elliott ang masidhing selos at pagkayamot nang matanaw ang mukha ng Prinsipe Yino na aliw na aliw sa mga nangyayari. Hindi niya mawari kung ang paglalahad ng iilang lihim kay Xinderia ay makakabuti o mas makakalala ng kanilang sitwasyon.

"Huwad na kasaysayan?" Tutok na tutok ang mga mata ng kaniyang pinsan sa pagitan niya at ng babaeng ayaw niyang bitiwan. "Kamahalan, buhay ka pa pala."

"Naalala mo pa pala ang kamatayan ko," mapaklang sambit ni Elliott. "Kasama ka bang nagdiwang, Prinsipe Yino?"

Ngumisi nang makahulugan ang prinsipeng kausap niya bilang pagtugon sa kaniya.

Kahit kailan, hindi niya talaga makakalagayan ng loob ang lalaking ito. Subalit sa kabilang banda, si Yino lamang ang bukod-tanging nakakabatid ng lahat-lahat sa pagitan nila ni Prinsipe Rufino.

Napuruhan siya sa sumpa na iyon. Naagapan pa niya ang pagkalat nito sa kaniyang katawan, subalit taliwas naman sa nangyari sa kasaysayan, isang bagay na hindi niya nakontrol.

Ang lahat ay tila ba'y nakalimot na sa kaniyang pagkakilanlan, maliban kina Rufino at Yino. Isa lamang ito sa epekto ng sumpang iyon. Ito rin ang isa sa mga dahilan upang mawala sa kaniya ang palasyo ng Isidur nang tuluyan.

Nagtagumpay ang kaniyang kapatid.

Nagpukaw ng tingin si Xinderia sa kaniya na napupuno ng pag-aalala at pagtataka ang dalawang pares ng mga mata.

Sa labis na tensiyon, ngayong lamang napagtanto ni Elliott na ang ganda ni Xinderia sa kasuotan na malayong-malayo sa normal na sinusuot nito sa mundo ng mga tao.

Bagay na bagay ang bawat kulay ng tela ng kasuotan nito na nakalapat sa katawan ng kaniyang katabi. Mas lumulutang pa ang kabigha-bighani nitong awra dahil sa perpektong pag-aayos nito mula ulo hanggang paa.

Naalala niya ang unang araw na sila'y nagkita. Ginamitan niya ng mahika upang magmukha itong prinsesa para makapasok sa Isidur.

"Kamukhang-kamukha niya si Binibining Xinderia sa kaniyang gayak ngayon, hindi ba Elliott? Sinadya ko talagang ayusan siya kagaya ng kaniyang kasuotan sa piging noon." Mas lumapad ang mga ngisi ni Yino sa kanilang harapan.

Salubong ang dalawang kilay ni Elliott sa pagbibigay nito ng lantarang admirasyon sa babaeng tinatangi niya. Ang isa pa, hindi niya mawari kung ito ba'y may halong biro o pawang katotohanan na.

"Hindi ko alam na kayong dalawa ay magkakilala na ngayon." Tuluyan nang naging seryoso ang mukha ni Yino. "Ako'y nanghihinayang sa isang bulaklak na hindi ko masasabing akin."

Isang makahulugang tingin ang binigay nito sa gawi ni Xinderia.

"Marami ka ng bulaklak sa iyong hardin, Yino. Kahit ano'ng bulaklak na naisin mo, madali mo na lamang iyon makukuha." Inabot ni Elliott ang nanginginig na kamay ni Xinderia na nananatili lamang na tahimik. "May hardin ka na napupuno ng samu't saring mga bulaklak. Hindi mo na kailangan ang isang bulaklak na ligaw."

ADK VI: Shattered Memories ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon