S h a t t e r e d M e m o r i e s
Kyrian18S U M P A
NATAGPUAN NI MARIANNE ang kaniyang sarili na nakatayo sa harapan ng pinto ng silid-aklatan ni Elliott.Kung ang iilang bahagi ng bahay ay replika ng palasyo, sana kasama rito ang silid-aklatan nang sa gayun ay hindi na niya kinakailangan pang gumawi sa palasyo ng Isidur. Mabuti na lamang at pinayagan sila ni Yino na makatakas sa Uyero nang ganoon kadali, na siyang ikinapagtataka niya nang husto hanggang ngayon.
Nagpaalam si Elliott at nagmadaling lumisan kanina upang puntahan ang kaniyang matalik na kaibigan sa Yuteria. Kailangan daw nitong manigurado na hindi daw iyon nakatakas at nagtungo sa mundo ng mga tao.
Napalunok pa si Marianne ng laway habang binubuksan ang pinto. Kinakabahan siya sa maaring mangyari at matuklasan. Ito na ang kaniyang pagkakataon upang makapagbasa habang wala pa ang may-ari ng bahay na ito.
Nagtungo siya sa pinakamalapit na mesa. Maraming papel ang nagkalat at nakalapag doon. Isa-isa niyang kinukuha ang mga papel at binabasa. Makalipas ang ilang minuto, napatigil si Marianne habang nakapokus sa isang kapiraso ng kasulatan na kasalukuyan niyang bitbit.
🖤🍁🖤
Ang Sumpa at Kasaysayan
Kawangis ng tadhana'y masalimoot.
Pag-ibig ay napapalitan ng poot.
Sa puso ng dalawang kapatid,
Ang isa'y napupuno ng ganid.Panibugho'y nauwi sa sumpa,
Kamatayan ang siyang itinakda.
Sa taong nagmamahal ng wagas,
Ito rin ang magdadala ng wakas.Parang kahoy na matayog,
Ang katawan niya'y madudurog.
Saksi ang hangin at buwan,
Habang tumatangis ang kalangitan.Maglalaho sa kasaysayan,
Mabubuhay sa kawalan.
Parang dahong nalalanta,
Ang ipinagkait na tadhana.🖤🍁🖤
Marahang dumadausdos si Marianne sa upuan. Nanginginig ang kaniyang kamay. Hindi siya makahinga sa tulang nabasa niya. Hinuha niya'y si Elliott ang nagsulat nito upang maalala, upang hindi ito makalimutan.
Sa hindi maipaliwanag na dahilan, kusang pumasok sa kaniyang isipan ang huling sinambit ni Yino bago pa nila nilisan ang Uyero.
"Sa ayaw mo o gusto, darating at darating ang panahon na ikaw mismo ang maghahatid sa kaniya sa palasyo ng Isidur. Ang sumpa ay palubha na nang palubha habang tumatagal. Huwag mo sanang kalilimutan na ang tadhana ay may sariling taning, Prinsipe Elliott."
Nanghihina si Marianne habang paunti-unting pinagtatagpi ang iilang kapiraso ng kaniyang nalalaman.
Ngayon lamang niya naintindihan kung bakit nasabi iyon ni Yino. Ngayon lamang niya napagtanto kung bakit hinayaan na lamang silang dalawa na makatakas.Matagal ng may taning ang buhay ni Elliott sa kadahilanang nasa ilalim ito ng sumpa na kagagawan ng kapatid nito. At ang sumpa ay hindi naglalaho sa tagal ng panahon.
Ngunit naguguluhan ang isipan ni Marianne kung bakit nasambit ni Yino na ihahatid siya sa Isidur? Ano'ng kinalaman niya sa sumpa ni Elliott?
BINABASA MO ANG
ADK VI: Shattered Memories ✔️
FantasyGustong ipagsigawan ni Eliliott na mali ang nakasaad sa mga libro, patungkol sa istorya ng magandang binibining pumunta sa palasyo, suot-suot ang babasaging nitong sapatos. Nais niyang sabihing hindi ang prinsipeng iyon ang siyang pinuntahan ng dal...