S h a t t e r e d M e m o r i e s
Kyrian18L I N L A N G
MISTULANG NAGKADUROG-DUROG ang puso ni Marianne nang madinig ang masasakit na salitang binigkas ni Elliott. Nanlaki ang kaniyang mga mata at napanganga habang pinagmamasdan ang mga bolang yari sa hangin. Pinalibutan ang kabuuan ng higaan. Lumiliwanag. Pakiwari niya'y sasabog ang mga ito sa anumang oras.
Nagtama ang kanilang mga mata ni Elliott. Nais niyang magtanong ngunit namayani sa puso ni Marianne ang pangamba na baka isa lamang itong paglilinlang.
"E-Elliott," pautal niyang tawag sa pangalan nito. Mahigpit ang kaniyang pagkakahawak sa makapal na kumot na kulay lila. "Hindi ko lubos akalain na nandito ka lamang upang paslangin ako. Naaawa ako sa aking sarili at pinagkatiwalaan pa kita nang husto."
Hindi siya halos makahinga sa direktahan niyang pangbatikos. Napabalikwas siya sa kama. Nanginginig ang kaniyang tuhod ngunit pinilit niyang tumayo sa kabilang gilid ng higaan, palayo sa lalaking nais niya sanang makita.
"Marianne, makinig ka." Akma sanang lalapit sa kaniya si Elliott subalit nangingibabaw kay Marianne ang labis na takot.
Masakit isipin na ang lahat ng ginagawa nito ay pawang hindi totoo. Pinaikot-ikot. Sinamantala ang kaniyang kahinaan at kawalan ng kaalaman sa lahat-lahat.
Nagkamali ba siya nang ipagkatiwala niya sa nilalang na ito ang kaniyang buhay at puso?
"Gagamitin mo lamang ako upang mabuhay ka!" bulalas ni Marianne. "Nagkusa akong pumunta rito sa palasyo upang iligtas ka, Elliott. Subalit ang lahat ng ito ay pawang wala lamang sa iyo, at nais mo pa akong patayin?"
Punong-puno ng dismaya at hinagpis ang kaniyang mga matang nanunubig na.
"Mariane, makinig ka. Pakiusap ako mu--" Humakbang si Elliott papunta sa kaniyang gawi.
Umatras siya, isang pangyayari na hindi niya naisip na mangyayari sa pagitan nilang dalawa.
"Huwag kang lalapit!" hiyaw niya. Nanginginig ang kaniyang kamay. Nalilito. Nasasaktan. "Nakinig ako, Elliott. Narinig ko ang lahat. Nilinglang mo lamang ako. Pinaglaruan mo ako."
Gusto niyang umiyak sa labis na sakit ngunit mas pinili ni Marianne na manatiling matatag sa mga oras na ito.
"Kung ako ba si Xinderia, ililigtas mo rin ba ako katulad noon? Kung kailan naalala ko na ang lahat Elliott, kung kailan na nalaman ko na ang dahilan ng sumpa mo at pagkatapon ko sa ibang mundo, saka ka nagbago."
Sa pagitan ng hidwaan ng magkapatid na prinsipe, saan nga ba siya lulugar?
"Marianne," muling tawag nito sa kaniyang pangalan. "Nagkakamali ka. Hindi --"
"Tama na iyan, Kapatid." Umalma na si Prinsipe Rufino. "Kung anuman ang ating naging alitan, huwag mo nang idamay pa si Binibining Xinderia. Ang buhay niya ay mas mahalaga kaysa sa buhay nating dalawa."
Nahagip sa mga mata ni Marianne nang ikinumpas ni Elliott ang kanang kamay nito.
Napansin niyang paunti-unting naglalaho ang mga bolang lumulutang sa hangin.
Walang sinayang na segundo, humakbang si Marianne papalayo kay Elliott na hindi na niya nakikilala pa at papalapit sa gawi ni Prinsipe Rufino na naglahad pa sa kaniya ng mga kamay.
BINABASA MO ANG
ADK VI: Shattered Memories ✔️
FantasíaGustong ipagsigawan ni Eliliott na mali ang nakasaad sa mga libro, patungkol sa istorya ng magandang binibining pumunta sa palasyo, suot-suot ang babasaging nitong sapatos. Nais niyang sabihing hindi ang prinsipeng iyon ang siyang pinuntahan ng dal...