x. l i h i m

81 7 0
                                    

A/N: Matagal ang UD sapagkat itong kabanata na ito ay may kaugnayan sa ADK VIII: Yuteria.  Kung bet niyong basahin ang istorya ng ibang characters na mababasa niyo rito,  feel free to read ADK 8.  Let me just say na pokus akong unahing matapos ang Shattered Memories,  saka ako mag-update ng ibang hiatus stories.

Happy reading.  ❤

- Ate Ky ❤

S h a t t e r e d   M e m o r i e s
Kyrian18

L I H I M

HUMINTO ANG KOTSE ni Williard sa Parking Lot ng Demi Empire Building, isa sa pinakamatayog na gusali sa siyudad ng Makati.

Nang bumaba na ito sa sasakyan ay tumapak na rin si Elliott sa sementadong daanan, subalit nananatili pa rin ang mala-anyo niyang hangin upang walang makapansin sa kaniyang presensiya. Tatlong metro lamang ang distansiya niya sa kaniyang binubuntutan. Mabuti na lamang at wala si Xenia. Gumala ito sa kabuuan ng siyudad. At hinayaan niya muna para makapagpokus siya.

Nanatiling nakasunod si Elliot sa likuran ng nobyo ni Xinderia. Pumasok ito sa entrada na may nakapaskil na 'Main Entrance'.

"Good morning, Sir Williard," dinig pa ni Eliott ang pagbati ng babaeng guwardiya kay Williard, na hindi na tinitingnan pa ang bitbit nitong bag.

Sa bawat madadaanan nila ay awtomatikong binabati si Williard ng mga tao. Hindi man lamang bumagal ang paglalakad ng kaniyang sinusundan,  bagkus ay kumakaway na lamang ang kanang kamay nito bilang pagtugon.

Huminto si Williard at pinindot ang numerong '34' sa isang pader na may nakasulat na 'Elevator' at mga numero mula 1-35', at tila ba'y may hinihintay na kung ano.

Mayamaya pa'y nagbukas ang pader at tahimik na pumasok roon si Williard. Sumiksik din si Elliott doon, bago pa man magsara ang pinto. Ramdam niya ang pag-uuga ng lahat habang umaandar ang sinasakyan nila paakyat.

Wala pang kalahating minuto ay nakarating nila ang numerong 34 at kusang nagbukas muli ang kanilang kahong sinasakyan. Lumabas silang dalawa ni Elliott na hanggang ngayon ay wala pa rin siyang ideya kung bakit niya ito sinusundan.

Amoy ng barakong kape ang bumungad kay Elliott sa pagpasok sa isa pang silid. 

"You're late, Will." bungad ng lalaking hindi nalalayo sa kanilang edad, inaayos-ayos pa ang salamin nito sa mata. "Hindi ako nagpatawag sa 'yo ng emergency meeting nang wala lang."

Kulot ang maiksi nitong buhok na kasingkulay ng dilim. Mapayat sa unang tingin, pero sakto lamang ang pangangatawan nito. Hindi patpatin. Hindi rin naman ganoon kakisig.

"Pinuntahan ko muna si Marianne," mabilis na sagot ng katabi ni Elliott. "Siguraduhin mong mas importante ang pag-uusapan natin Wreith kaysa sa paglalaan ko ng oras sa future wife ko."

Seryoso lamang ang mukha nang tinatawag nitong Wreith na nakaupo sa pinakasentro ng silid. Ang dalawang siko nito ay nakapatong sa mesa,  hawak-kamay pang nakapangalumbaba.

"Future wife? If I know, someone is already out there looking for that woman."

Napataas ang kilay ni Elliott sa narinig. At napansin din niya ang pagkasimangot ng mukha ng katabi niya.

Paano nito nalaman?

"What are you talking about, Wreith?" Napupuno ng kuryosidad ang mga mata ng nobyo ni Xinderia, katulad ng kaniyang mga mata. Pareho silang nag-aabang ng isasagot nito. "Marianne has only me. Sinigurado ko 'yon. Sinigurado kong wala siyang mapupuntahan, bukod pa sa akin."

ADK VI: Shattered Memories ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon