Chapter 3

293 7 1
                                    

Angella's POV


*hik*...*hik*


"Mom, nasaan ka na?" Umiiyak ako sa gilid ng mall dahil nawala ako nang may lumapit sa akin na lalaki. "Ok ka lang?" Tanong niya. "Nawawala si Mommy."


*hik*...*hik*


Hindi ko inaasahan na may tutulong sa akin. Ngumiti yung lalaki sa akin at binigyan ako ng candy. "Wag ka ng umiyak."


*pats head* 


"Hahanapin natin mommy mo."


^_^*holds hand*



O____O


Napabangon ako bigla. Who's that boy? May kamukha siya eh. I really did see him, pero san nga ba?


*manok alarm clock*


Ay leche! Umaga na pala. Makatayo na nga. Umupo na muna ako at pagkatapos ay nag slippers na rin, syempre inayos ko rin yung kama ko. Lalaki ako eh. Joke lang yung syempre. XD Babae ako nuh. Pumunta na ako sa CR at napaisip doon sa napaniginipan ko.


"Hmm... 5 years old ako nun at pagkatapos nun... Namatay Dad at Mom ko..." Nalungkot ako bigla. I remembered the last goodbye I had with them. No. I shouldn't be like this. "Angella, wag kang ganyan. Siguradong masaya na para sayo yung Mom at Dad mo. Oo. Yun nga!" Sabi ko sa sarili ko, still di ko napigilang umiyak.


Mom... Dad...


Lumabas na ako sa CR at humarap sa salamin. Buti di halata yung pag-iyak ko. Sinampal ko ng mahina yung both cheeks ko. "Okay. Cheer up! Nandyan pa naman sina Lolo at Lola eh." Dahil dun, napangiti na ako. Pero habang nag-aayos ako, natigilan ako sa pagbihis nang magsalita si Lola.


"Angella, may naghahanap sa'yo. Kaibigan mo ata. LALAKI!" Sigaw sa akin ni Lola "Opo pababa n-."


LALAKI?!



O_________O



Binilisan ko mag-ayos. Umagang umaga nagugulat ako. Ano ba yan?! Sino kaya yun?!


Pagbaba ko, nakita ko sa harapan ko yung nightmare ko. Nakita ko si bakulaw—este si Ivan na nakangiti. Sales smile yan. Pwede picturan? Para maibenta naman at magkaroon ng extra allowance. Haay. Hindi ko ine-expect na pupunta siya dito. May bodyguard pa sa labas, PLUS may kotse pa. Ano bang trip neto?!


"Angella, halika kain muna tayo ng agahan." Sabi sa akin ni Lola.


Ako at Ang Masungit na Board ChairmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon