ANO DAW?!
SHARE KAMI NG ROOM NI IVAN?!
“Opo ma’m, ok lang po yun sa’kin” sabi ko kay Ms. Roxan “Ok, you may now leave” sagot naman sa’kin ni Ms. Roxan at tumayo na ako sa upuan na kinauupuan ko at tsaka umalis sa faculty room. I sighed. Wala naman akong maisasagot di ba, kundi ‘opo’ kasi scholar lang naman ako pero oo pwede rin naman akong magreklamo kaya lang saan ako titira, sina Lolo at Lola pupunta na sa America dahil pinatira ni Tita Melanie doon nung nalaman niya na magiging boarding school na ‘to at baka kasi magkasakit sina Lolo at Lola edi walang mag aasikaso sa kanila. Oo nga pala, si Tita Melanie lag ang mabait dito sa pamilyang ng side ni Mom at sa Dad ko wala puro masusungit. Hindi ko pa ba sinasabi sa inyo na may company yung family ng Mom ko at ng Dad ko? Yung mom ko ang president ng R Group na ngayon ay pinapatakbo ni Tita Melanie, ang Lolo at Lola ko na lang sa side ng Mom ko at Dad ko ang nag decide kung sino ang magiging president ng T Group (Taylor Group), ang sosyal ng surname ng mom ko noh? at E Group (Esguerra Group). Haaay Buhay!
Papunta na ako ng canteen nung nakita ko si Ivan at Cindy, na naka-cling kay Ivan, nung nag-meet yung eyes namin ni Ivan bigla ko na lang iniwas, hindi ko nga alam kung bakit eh. Nag pass-by na lang ako sa kanila at biglang bumigat ang pakiramdam ko. Sigurado ako mag girlfriend at boyfriend na yung dalawa.
Ivan’s POV
Nung papunta na kami ni Cindy sa Chairman’s Office or Office ko eh nakita ko si Angella. Nag meet yung eyes namin pero iniwas niya kaagad yung mata niya sa akin at nag pass-by na lang siya sa amin.
*throthrobthrob*
Sh*t! Bakit ito ang nararamdaman ko?
Bakit bumigat bigla?
I’ll just make her fall in love with me but I hope that it can wait not too late.
Angella’s POV
Nung pagpunta ko sa cafeteria eh um-order na ako ng makakain. Nung pag ka-order ko ng pagkain at pumunta sa bakanteng table sa gilid. Kakain na sana ako ng biglang umupo sa harap ko si Amy, parang hindi siya energetic ah “Ah! Sorry Amy, hindi kita nasabay o-order na ako para sa’yo” sabi ko sa kanya at nung paalis na ako eh pinigilan niya ako “Wag na, may sasabihin ako sa’yo” malungkot na sabi niya sa’kin. “I’m Nathan’s fiancé and his girlfriend” nung pagkasabi niya nun eh muntikan na ako mabulunan nung sinabi niya yun buti naabot ko kaagad yung tubig ko “I know na late ko na sinabi ‘to sa’yo pero…” sabi niya sa’kin. Alam ko na kung bakit niya ‘to sinabi sa’kin dahil ata kasi minsan niya na kami nakikita ni Nathan na magkasama “Pero nai-insecure ka? Tama ba?” ngiting sabi ko sa kanya, sino pa ba naman hindi mai-insecure kung may ibang kasama na babae yung boyfriend “Yeah….” malungkot na sabi niya sa’kin, binaba ko muna yung hawak kong sandwich at pina-pat ko yung head niya “Amy, don’t worry hindi ko muna iniisip yung love-love na yan ok?” ngiting sabi ko sa kanya “Ok! Thanks” ngiti niya ring sagot. Kumain na kami ni Amy ng bigla siyang magsalita “Sabi sa’kin ni Nathan, magla-library daw kayo mamaya? Pwede ba sumabay na rin kami ni Ivan?” muntikan nanaman akong mabulunan at buti nasa harap ko na yung tubig ko “Ano ba yan? Lahat na lang ng sinasabi mo, muntikan na akong mabulunan” sabi ko sa kanya “Problema mo na yan so ano nga? Yes or No?” tanong niya sa’kin “Yes, yes pwedeng pwede” sabi ko sa kanya “Ok!” ngiting sagot niya sa’kin at kumain na kami ng tuloy tuloy.
Natapos na naming kainin yung pagkain at pumunta na kami saglit ng CR dahil naiihi na ako. Papunta na ako sa classroom ng patakbo. Bakit ako lang? Eh iniwan ako ng magaling kong best friend kasi biglang nag bell. Ay leshe! Bakit ba ako minamalas at naging kasabay ko pa ‘tong bakulaw na ‘to? Pumasok na lang kaming pumasok ni Ivan ng walang imik. Patay! Nakalimutan ko, History nga pala yung subject namin after lunch, si Sr. Lawrence pala yung teacher namin na nagbibigay ng malokong dare pag late ka, tatanungin pa nga yung mga kaklase naming kung anong dare eh. “Hahaha! Seems like the class’ couple is late” birong sabi ni Sr., sa klase “So what’s the dare, class?” tanong niya sa mga kaklase namin “Sr., kiss po sa cheeks. Whoo! ” sigaw na sabi ng isa kong kaklase na si Jun “Hahahaha! Class, agree?” tawang tanong ni Sr., sa class “Sr., pwedeng pwede! Whoo!” sigawan ng boys sa class “Hahahaha! Ok, as the class says, do it” sabi niya sa amin.
BINABASA MO ANG
Ako at Ang Masungit na Board Chairman
Teen FictionImposible kayang magkagusto ang board chairman sa kanyang estudyante? Oo, imposible PERO paano kung ESTUDYANTE din ang board chairman? Paano na? Mai-inlove kaya sila sa isa't isa? Magkakainitan ba? Let's see kung ano nga talaga ang story between t...