Chapter 31

105 8 7
                                    

Angella's POV

Nung pagkatakbo ko paalis sa room namin ni Ivan, hindi ko na alam kung saan ako pupunta. Tumakbo ako ng tumakbo hanggang nagising na lang ako sa diwa ko nang makabangga ako ng tao. "Sorry." Pagkasabi ko nun, hindi na lang ako tumingin. Patakbo na sana ako nang hawakan ako nang nakabangga ko. "Angella?" Tanong nung nakabangga ko. Pagkatingin ko si Carlo. Nung nakita ko lang yung mukha niya, kusang tumulo na ang mga luha ko. "CARLO!" Hikbi kong tawag sa kanya at yumakap sa kanya. Gusto ko lang ngayon na wag makita muna si Ivan.

Ivan's POV

Wow. Of all the idiots here in this world, I'm the most idiot here. I really wanted to say, "I love you too." but, I already have this fake engagement with Cindy and now this? Angella just confessed to me. What will I do? I ran faster I could. Nung paglabas ko, naabutan kong magkayakap sina Angella at Carlo.

*throb throb  throb*

All my fault, right? Hindi ko man lang kinonsider yung feelings niya. Sana man lang sinabi ko sa kanya yung totoong nangyari. Pumunta ako sa rooftop para di na ko masaktan. Nadatnan ko dun si Cindy. "Cindy, why are you here?" Tanong ko sa kanya pero, ang lungkot ng mukha niya. "Alam mo ba Ivan, akala ko ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko. Pero, mali pala ako. Mahal ko si Carlo. All this time, he's beside me. When I'm down, he's there. When I'm so happy, he's there. Pero, nandyan pa kaya siya sa tabi ko kung, nasa iba na siya?" Layo ng sagot niya. Pero pagkasabi niya nun, automatic umiyak siya. Nilapitan ko na lang siya at niyakap. Sa totoo lang, alam ko na, na may feelings si Carlo kay Cindy. Pinipigilan lang ni Carlo sabihin kasi, ang buong akala niya ako lang ang mamahalin ni Cindy. "He just confessed to me and guess what? I turned him down. When I saw how he smiled earlier, I just realized this." Naiiyak na sabi sa'kin ni Cindy. "Ako nga din eh. I turned Angella down. All because of my plan. Tss." Sabi ko naman sa kanya. Galit ako sa sarili ko. Sobra. "Let's turn off the engagement?" Tanong sa'kin ni Cindy. "Yeah." Sagot ko naman sa kanya. Buong gabi, iniwasan ako ni Angella sa room. I felt really pathetic.

Angella's POV

Kahit lumipas na yung kahapon, iniiwasan ko pa rin si Ivan. Siguro, nasaktan ako ng sobra kaya, ganun. Di ko na alam. Basta ang alam ko, ayoko siya makausap or makita. Pagpasok ko sa classroom, tumingin na lang ako sa bintana. Ayokong makita yung pagmumukha ni Ivan. Sa ngayon. Naramdaman kong may umupo sa tabi ko. For sure, si Ivan yan. Better not to talk. Ilang minutes na kong di nagsasalita nang may pumunta sa harap ko. Si Amy. “Angella, ok ka lang?” Worried na tanong sa'kin ni Amy. “Oh. Amy! Ikaw pala! Ok lang ako! Hehehe.” Ngiti kong sagot sa kanya. Pero, worried pa rin ang mukha niya. "Ok. Sabi mo eh. Pero pag may problema ka, sabihin mo lang ah." Worried na sabi sa'kin ni Amy. "Yup!" Ngiti kong sagot kay Amy. Umalis na siya at umupo na sa arranged seat niya. Buti pumasok na si Ms. Roxan kundi kakausapin na naman ako ni Ivan. Nasaktan ko siya kanina ng maaga. Di ko naman sinasadya eh. Lapit kasi siya ng lapit.

*flashback*

Nagising ako ng maaga. Naligo at nagbihis na ko. Pagkatapos ko magbihis, nagtimpla ako ng hot chocolate.

"Angella." Tawag sa'kin ni Ivan.

"Please. Wag mo muna ako kausapin ngayon." Sabi ko kay Ivan at uminom na ng hot choco.

Nung hinawakan ako ni Ivan, sinanggi ko siya. Tuloy, natapunan yung kamay niya ng hot choco. Patay! Ang sakit niyan. Kinuha ko agad yung aid kit at walang kamalay malay na ginamot si Ivan. Pagkatapos kong igamot, umalis na ko ng wala mang sorry.

Ako at Ang Masungit na Board ChairmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon