Chapter 1

451 6 1
                                    

Angella's POV


Tiktilaok! Tiktilaok!



O_________O



Sa tunog ng alarm clock ng neighborhood araw-araw, ako ay nagising dahil sa ingay nito. "Five minutes pa." Sabi ko sa aking isip. Ayan na naman. Tumilaok na naman ang manok. Yan na ang naging alarm clock ko araw-araw tuwing ako ay gigising. Pero tuwing 6 am lang tumitilaok na ang manok. Pag tumilaok pa yan ng pagtulog ko sa gabi, papakatayin ko yan. Hahaha. XD #MedyoBadGirl. Hindi ko naman gagawin yun pag sumobra lang. :P


Sana alarm clock na lang ang marinig ko. Tumayo ako at sinuot ang aking slippers. "Hay! Naku, kung sa probinsiya lang ako nakatira, siguro ang daming tilaok na maririnig ko." Dumeretso ako sa CR para maligo at nagbihis na ng aking uniform at pumunta na sa ibaba.


Ako nga pala si Maria Angella David. Isang mayaman. Joke. May kaya lang ako. 16 years old at ako ay nag-aaral sa RE Academy (Royal Elites Academy). Pang mayaman yung school na iyon, ngunit sinuwerte nga naman talaga ako at napasok ako sa scholarship. Kahit natanggap ako, kailangan pa rin mag aral kasi dapat kasali ka sa top 3 students na makakapasa sa bawat exam na magaganap sa school. Isa yun sa conditions ng board chairman na masungit (daw). XD


Wala na akong magulang namatay sila sa isang car accident nung 5 years old pa lang ako, so sina Lolo at Lola ang nag aalaga sa akin at sobrang bait talaga nila. (^_^) Sinuwerte nga naman nuh. Kung tatanungin niyo ako kung bakit hindi na lang ang ibang kamag-anak ang mag-alaga sa akin is, kasi ang problema ay naghahanapbuhay sa ibang mundo (Anime world? Hahaha XD) este-ibang bansa ang aking mga Tita at Tito ko. Ni kapatid at pinsan ko wala! (LONER!!! Hindi, lonely lang. XD) Pero ok lang nandyan naman sina Lolo at Lola pinapasaya naman nila ako eh. (^_^)


"Angella, kamusta na yung studies mo?" Tanong ni Lola. "Ok lang po! Kasama pa rin sa Top 3. Hehehe." Ngiting sagot ko at tumuloy na kami sa pagkain.


*munch munch munch*


Hindi pa nga talaga ako sure eh, kung kasama pa ako sa top 3 students. Biglang nagsalita si Lolo. "Galingan mo mamaya sa introductions sa klase niyo." Energetic na sabi ni Lolo. "Lo, ok lang po yun. Lagi naman nangyayari ang introductions sa school eh." Tatawa tawang sagot ko at tumuloy nang kumain.


*munch munch munch* (A/N: Hindi kaya siya masamid? Hahaha. XD)


"Aalis na po ako!" Ngiting sigaw ko habang nagsusuot ng sapatos. "Mag-ingat ka ha!" Sigaw rin ni Lolo at Lola.


********************************************************************************************


Tumingin ako sa billboard kung nasaan yung pangalan ko. Wow Class 1-A! Ibig sabihin kasama pa ako sa TOP 3. "YES!!" Sigaw ko. "Uy, anong sinisigaw mo diyan?" Tanong ni Amy. "Kasama pa rin ako sa TOP 3, ibig sabihin kasama pa rin ako sa scholarship!" ^o^ "Congrats!" Ngiting sagot niya sa'kin. Habang sinasabi ko yun kay Amy, napapatalon ako dahil sa sobrang saya kasi at least hindi ko napapahirapan sina Lolo at Lola. \^o^/


Oo nga pala! Siya si Amy Delos Reyes ang aking Bestfriend, mayaman, maganda at matalino pa. San ka pa dun? Hahahaha. XD At isa pa hindi rin siya interesado sa love katulad ko. Oh diba? May kaperahas ako. Hihihihi~ (Parang witch makatawa eh nuh? XP) May nakalimutan rin ako sa inyo sabihin. Siya rin ang anak ng DR Corporation. Ang yaman talaga dahil kasama sila sa pinakamayamang kompanya dito sa bansa at siya ang tipong seryoso, pero minsan maloka. XD


"Kyaaa! Kyaaa!" Ay amp!


Kilig naman ng mga babae at sumigaw pa. Mababasag eardrums ko sa inyo eh. (@_@) Ang ingay! Hay naku. Araw-araw na lang yang mga tilian na yan. Alam ko na, nandyan na naman yung Top 1 na estudyante. Si Ivan Rodriguez, anak ng may ari ng school, anak ng R Corporation na mas mayaman pa kay Amy at gwapo (Weh! Panget yan. Joke. XD) na pinagtitilian ng mga babae. Pabayaan na nga natin yang beautiful boy na yan. XD


"Amy, anong class ka?" Tanong ko kay Amy. "Class 1-A." Ngiting sagot niya. "Yay! Magkaklase tayo!" Ngingiting ngiti kong sagot. Pumasok na kami sa classroom at bumunot na kami kaagad doon sa box na may numbers para sa sitting arrangement. "Hmm. 18... So dun ako sa bintana. Ikaw Amy?" Ngiti kong tanong sa kay Amy. "20." Ngiting sagot niya. Sa sagot niyang yun nalungkot ako, pero sabi niya sabay naman kami sa lunch eh. (^_^v)

"Tabi. Wag kang magpaka-model diyan." Dahil dun, tumaas balahibo ko. Sumulpot at magsalta pa ba naman agad agad eh. Isa pa, masungit na lalaki sa likod ko ang sumulpot. Akala ko nga bakulaw eh. XP


"Sorry p-"



O__________O



Ay! Bakulaw nga. Nabigla ako at nagsabi nun is yung Top 1 na si Ivan Rodriguez. Ang yabang niya! Akala ko mabait, masungit pala. Hmph! Ang malas nga naman talaga ngayon nuh. Nakatabi ko pa itong bakulaw na 'to.


*sigh*


Hindi ko na lang siya pinansin baka tubuan pa ako ng pimples dahil sa kanya.


********************************************************************************************


Pumunta na kami ni Amy sa Canteen at sabay punta na rin kami sa rooftop. Dito na lang kami kumain kasi madaming tao ang kumakain sa canteen. At least maganda simoy ng hangin eh doon, tila dito tila doon. Hay naku! Nakakairita na. Noise pollution lagi. Mamatay ako ng di oras. "Ang sungit pala niyang Ivan na yan! Akala ko mabait. I'm so disappointed!" Galit kong sabi kay Amy habang kinakain yung lunch ko. "Ah. Ok." Nung pagkasabi niya nun, parang nagulat siya. Hmm. Nevermind. Noong pagkatapos na namin kumain, bumaba na kami sa hallway. "Amy, bayad muna ako sa accounting office ha?" Paalam ko sa kanya. "Ok. Ah. Angel-" Sabi pa niya at lumingon ako sabay naglalakad. "Ano-" Sagot ko nang biglang-*dug* Ay leshe! Napaupo ako buti, hindi siya napaupo. Tumayo ako at pinagpagan yung palda ko. Tumingin ako sa kanya sabay sabing, "Sorry. Ok ka lang b-" PATAY! "Sa tingin mo, ok lang ako?" Sungit na pagsagot ni Ivan Rodriguez. Oo, siya yung nabangga ko. Lumakad na siya at lumakad na rin ako. Ang sungit! Nakaka-one step pa lang ako nang biglang may natapakan akong parang bagay ba... Naku! May nahulog siyang ring na parang crown-like parang alam ko to ah...


O_______________O


"Bahala na nga! Imahinasyon mo lang yan Angella. Clam Down." Sabi sa sarili ko. "Calm down hindi Clam Down, eng eng ka ba?" Sabi sa akin ni Amy. Imposible naman na nasa kanya yung ring na dinadala ng Board Chairman. Kasi kung sa kanya yun, siya ang Board of Directors dito sa RE School. Sinalpak ko ang aking kamao na patagilid sa isa kong kamay at napaisip. "Ah! Ibang singsing lang yun, siguro parehas lang yung design." Sabi ko nanaman sa sarili ko. "Ha?" Pagtatakang tanong ni Amy. "Ah! Wala. Ay, kalabaw! Oo nga pala! Bayad muna ako sa Accounting office ng tuition fee, ok?" Ngiting sabi ko na nagmamadali na kumuntikan na ako madapa. "OK!!" Sigaw ni Amy.



_____________________________________________________________________________A/N: Sorry kung short lang. Hahabaan ko na lang sa ibang chapters. Thanks. ^_^

Ako at Ang Masungit na Board ChairmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon