Angella's POV
Umuwi na ako sa bahay na dapat malungkot at galit, pero naisip ko na mag-aalala sa'kin sina Lolo at Lola. Kaya napagdesisyunan kong ngumiti na lang.
"La! Nandito na po ako!" Sabi ko. "Oh! Nandyan ka na pala. Halika. Kain muna tayo ng hapunan." Sagot sa'kin ni Lola. "Bihis po muna ako." Sabi ko kay na Lolo at Lola at umakyat na sa taas.
Pagkatapos kong magbihis, kumain na ako kasabay sina Lolo at Lola. "Angella, sino yung mayamang lalaki kanina na sumundo sa'yo? Boyfriend mo?" Concern na tanong sa'kin ni Lolo kaya nabilaukan ako.
*cough cough cough*
"Si Ivan po, Lolo. Boyfriend ko lang po siya sa school, pero personal hindi po." Hindi pa ako tapos magsalita ay bigla na lang muntikang mabulunan si Lolo. Namisunderstand ata ako ni Lolo. "Lo, kasi po nung paiyak na po ako sa asar ng mga kaklase kong babae na inggitera, in-announce niya na girlfriend niya ako para hindi na ako ma-bully ng iba at ayun gumana naman yung mala-eksena naming bf-gf thingy." Sabi ko kay Lolo. "Hmm..... Okay. Basta mag ingat ka ha! Wag kang susuko! Kaya mo yan!" Cheer sa'kin ni Lolo. "Oo nga. Kaya mo yan, Angella!" Dagdag ni Lola. Dahil sa sinabi nila ay napagana ng unti yung loob ko. "Thank you po!" Ngiting sabi ko sa kanila.
Pagkatapos naming kumain, umakyat na ako sa taas para matulog sa kwarto ko. Nung napahiga ako, napaisip ako kung bakit ako iniiwasan ni Ivan. Wala naman akong ginagawang masama diba?... Hala! Ala-una na ng umaga gising pa rin ako. Ano ba kasi yung ginawa kong mali? Makatulog na nga lang. Bahala na bukas ng umaga!
Ivan's POV
Pakshet! Diba kay Amy na yang Nathan na yan? Bakit ko pa iniwasan yung babaeng yun? Wala naman siyang ginagawang masama. Putek. Pag ako hindi pa makatulog dahil sa kaiisip sa babaeng yun, iinom na ako ng sleeping pills.
Angella's POV
Nung tumilaok na yung manok, nagising na ako. Syempre, inayos ko na rin yung higaan ko. Grabe! Nagkaroon ako ng eyebags. Hay. Naligo na ako, nagbihis pang school at bumaba sa baba para kumain ng agahan. "Lo! La! Magandang umaga po!" Sabi ko sa kanila. "Good Morning, Angella!" Sabay sabi sa'kin Lolo at Lola. Diba dapat nandito na si bakulaw? Bakit wala pa siya? Hay naku, Angella! Pabayaan mo nga yung lalaking yun. Umupo na kami nina Lolo at Lola at kumain. Pagkatapos naming kumain, umalis na ako sa bahay. "Sige, Lo! La! Alis na ako!" Sigaw ko sa kanila sabay suot ng sapatos. "Sige. Mag ingat ka ha!" Sabay sigaw nila sa'kin.
Paglakad ko half- through sa school kasi, hindi naman ako sinundo ni Ivan, eh nakita kong may ibang babaeng kasama si Ivan. Ang that is... Cindy. Nasa tapat na nga sila ng school, tapos nagtatawanan pa nga eh. First time ko siya makitang tumawa ng ganyan. Nag pass-by na lang ako sa kanila kasi parang hindi ako makahinga. Hindi ko alam kung bakit. Nag pass by ako nang inakbayan ako ni Carlo. "Whoa! Saan ka pupunta ah? Nandito pa bf mo." Sabi sa'kin ni Carlo. "Eh para kasing busy kayo eh. Bakit pa ako mangengealam?" Sabi ko sa kanya. Nung napansin kong tumitingin sa amin si Ivan, tinignan ko rin siya. Yun nga lang umiwas ako kaagad ng tingin.
BINABASA MO ANG
Ako at Ang Masungit na Board Chairman
Roman pour AdolescentsImposible kayang magkagusto ang board chairman sa kanyang estudyante? Oo, imposible PERO paano kung ESTUDYANTE din ang board chairman? Paano na? Mai-inlove kaya sila sa isa't isa? Magkakainitan ba? Let's see kung ano nga talaga ang story between t...