Angella's POV
Nung pagkauwi ko, patay na lahat ng ilaw pero may ilaw rin ng unti dahil sa full moon pero sigurado pa rin naman akong tulog na sila pero nabigla ako kasi nagsalita ang Bakulaw
“Saan ka galing? 11 pm na ah.” mahinhin niyang tanong sa’kin.
“Pake mo? Alalahanin mo na lang si Cindy, wag na ako.” mataray kong sa sabi sa kanya.
Mukhang nagkakalimutan ata tayo dito ah pero gumaan na ang loob ko nung tinahan ako ni Nathan sa pag iyak pero may unting-unting galit pa rin ako dito sa Bakulaw na ‘to. Hindi ko alam na palapit pala siya sa’kin at nung napansin niyang lumalayo ako tumigil siya sa pag lapit at tumigil siya sa may bintana kung san may ilaw ng full moon.
“I’m sorry, Angella. I will not force you to forgive me right away.” nung sinabi niya yun na may ngiti. Hindi ko akalain na magiging malungkot yung ngiti niya at yung mga mata niya sincere na sincere at mag rereflect yung ilaw sa mata niya at yung isa niyang kamay nasa pocket tapos yung isa nasa gilid lang ng katawan niya para bang nakaramdam ako ng magaan na loob sa kanya at dahil sa sorry niya. Nung pataas na siya hindi ko alam sasagutin ko.
“Night.” sabi naman niya.
“Good night.” yun lang ang nasabi ko sa kanya at tuluyang pumunta na siya sa kwarto niya. Hindi ko alam pero nung tumingin ako sa salamin, laki ng ngiti ko. Hindi ko alam kung bakit pero nung nag sorry siya sa’kin. gumaan ang loob ko kaya nag desisyon ako na pag bubutihin ko na yung pag uusap ko sa kanya bukas.
*Ringggggggggggggg*
O_____________O
Ay leshe! Hindi ko akalain na may alarm clock dito at 6 am palang parang alam ko kung sino gumawa nito, edi sino pa ba? Edi si Ivan. Pasalamat siya kaka-sorry niya lang kagabi kundi ibabato ko sa kanya ‘tong alarm clock na ‘to. Tumayo na ako at inayos ang higaan ko at syempre naligo at nagbihis malamang pag hindi ako maligo eh baka magkasakit ako niyan dahil sa germs. Biglang nag ring phone ko galing kay Amy.
“Hello, Amy. Bakit ka napatawag?” tanong ko sa kanya.
“Nagawa niyo na ba yung research? Kasi may meeting pa ako next week. 1 week sa Malaysia para makapag meeting tungkol sa bagong project sa company. So gagawin na namin ni Nathan yung Presentation tsaka wala tayong pasok hanggang Wednesday di ba kasi renovation?” tanong naman niya sa’kin.
Grabe talaga. Wawa naman si Amy. Nag aaral na nga, nakikipag meeting pa. Malamang, siya ang heir ng DR Corp. eh.
“Oo. Hanggang Wednesday nga ang renovation tsaka hindi pa tapos ang research namin pero unti na lang, pasa ko na lang sa’yo by email. So, don’t worry!” energetic na sagot ko sa kanya.
“Ok. Just finalize it WITH Ivan and sana ma-realize mo na yung,” tumigil siya ng unti. “Alam mo na.” pangangasar niya sa’kin at tumatawa pa.
“Hindi noh?! Never! Tumawag ka lang ba para asarin ako?” taray kong tanong sa kanya pero syempre nag bibiro lang ako.
“Hindi. Joke lang! O sige bye na.” sabi niya sa’kin at natatawa pa.
“Ok. Bye.” sagot ko naman sa kanya. Iko-close ko na sana yung cellphone ko pero nagsalita pa siya.
“I know you also have feelings for Ivan and so he does.” at naputol na yung line.
Ano ba ang pinagsasabi nitong babaeng ‘to?! Babaliw na ata eh, ipadala ko kaya siya sa mental! Pero nung sinabi niyang ‘so he does’ bigla akong namula. Hay naku, Angella! Never mo siyang magugustuhan! Honest ‘to! Promise! Bumaba na ko sa baba at nagulat na meron ng pagkain sa table at ang sobra pang nakakagulat eh si Ivan ang nagluto at bigla siya nagsalita at humarap sa’kin.
BINABASA MO ANG
Ako at Ang Masungit na Board Chairman
Teen FictionImposible kayang magkagusto ang board chairman sa kanyang estudyante? Oo, imposible PERO paano kung ESTUDYANTE din ang board chairman? Paano na? Mai-inlove kaya sila sa isa't isa? Magkakainitan ba? Let's see kung ano nga talaga ang story between t...