Angella's POV
Nasa bahay na ako ni Bakulaw. Grabe! Sobrang ganda ng bahay nila ang laki laki.
“Welcome home, Young Master!” Wow. Pagdating na pagdating eh, ang dami daming maids ang nakahelera sa gilid.
“WELCOME HOME! IVAAAN!” Biglang sumigaw si Cindy at sabay yakap niya kay Ivan.
*throbthrobthrob*
At niyakap din ni Ivan para hindi sila mahulog sa floor at yan nanaman hindi ko alam kung bakit sumasakit yung pakiramdam ko na parang hindi ako makahinga.
“Umm..... Ivan, sa library ba tayo gagawa ng research?” tanong ko kay Bakulaw.
“Ah! No, in my room.” sabi niya sa’kin.
“And Cindy, GO HOME!” sabi niya nung nilapag niya si Cindy pababa.
“No way in hell! Why is she here?” taray na tanong niya kay Ivan at makaturo naman ‘to parang mawawalan ako ng kaluluwa.
“She is here for our group activity so, GO HOME!” pasigaw na sabi niya kay Cindy.
“NO WAY!” sagot ni Cindy. Nagtatalunan na sila kaya nagtanong na ako sa may butler ni Ivan.
“May computer po ba kayo sa library na may internet access?” tanong ko sa butler.
“Opo. Meron po.” sagot naman niya sa’kin.
“Thanks po!” ngiting sagot ko sa butler. Ang bait naman ng maatandag ‘to. Siguro matagal na siya dito. ^_^
“Ivan, sa library na lang ako mag reresearch tapos kayo na lang ni Cindy sa kwarto mo. May computer naman kayo doon eh.” sabi ko sa kanya.
“Pano mo nalaman na may library at may computer dito?” tanong niya sa’kin.
“Tinanong ko sa butler mo.” sabi ko sa kanya at nag buntong hininga na lang siya.
“Ok. But Cindy, YOU WILL NOT BE WITH ME IN MY ROOM!” sabi niya ng pasigaw kay Cindy at binalibag yung pinto nung papasok na siya sa room
“Sigh...... Ok I’ll just go home.” sabi ni Cindy sa sarili niya.
“BUT DON’T EVER COME TO IVAN’S ROOM OK?” sinigawan niya ako at lumabas na ng bahay sabay balibag din ng pinto.
“Pwede po pakituro kong saan po yung library?” tanong ko sa butler niya at yun tinuro kong saan yung library. Grabe! Ang laki talaga ng bahay nila. Syempre, nagresearch na rin ako. Hehehe. Ang daming libro. Waah!!! *o*
3 Hours Later
Grabe! Ang hirap mag research. Nakakadalawang topic pa lang ako eh. Tag-lima kami ng topic ni Ivan. Nakakapagod! Makabasa na nga lang muna ng libro na binili ko ang title eh ‘Diary ng Panget by Haveyouseenthisgirl’ ang ganda ng story. Si Cross Sandford parang si Bakulaw rin. Hehehe. Habang nagbabasa ako hindi ko namalayan na 4:00 pm na pala, unti-unti na ako nakakatulog.
Ivan’s POV
Hay! Salamat tapos na rin ‘tong project na ‘to. Siguro tapos na yung babaeng yun kasi 9:00 pm na at iniwan ko naman siya mag-isa sa library. Matingnan nga. Pumunta ako sa library at hindi ko maaasahan na nakatulog ‘tong babaeng ‘to. ‘Lang hiya rin ‘to. 2 topics palang ang nagagawa at tingnan mo nga naman yung ginagawa. Nagbabasa pa pero okay sa kanya kasi panget din naman siya eh. *Pffft.* Tinanggal ko yung ‘Diary ng Panget’ na book na nakapatong sa mukha niya at bniigyan ko siya ng kumot kasi malamig din dito sa library. Nung nilapit ko yung mukha ko sa mukha niya maganda din naman pala siya kung titignan pero panget pa rin para sa’kin at biglang may pumasok sa library at bigla naman bumagsak yung mga books na pinatungan ng kamay ko at dahil dun ay napa.....................
BINABASA MO ANG
Ako at Ang Masungit na Board Chairman
Teen FictionImposible kayang magkagusto ang board chairman sa kanyang estudyante? Oo, imposible PERO paano kung ESTUDYANTE din ang board chairman? Paano na? Mai-inlove kaya sila sa isa't isa? Magkakainitan ba? Let's see kung ano nga talaga ang story between t...