Ivan’s POV
Napadikit ako sa pinto at napahawak sa noo ko. Kaasar! Amp*ta! Bakit pa ko nag sorry sa kanya? It is much better if she hates me. Di ba sabi ko sa sarili ko, kalimutan ko na siya pero kung sa isip ko madali lang siya makalimutan eh, kung sa puso ko kaya madali ko ba siyang makalimutan? Sinuntok ko yung pader sa gilid ko buti na nga lang hindi narinig ni Angella. Naguguluhan kasi ako sa nararamdaman ko sa kanilang dalawa ni Cindy. Sino ba mas mahal ko? Angella o Cindy? Hindi ko alam kung sino talaga mahal ko. Pumunta na ako kay na Carlo dahil nag papaturo sa assignments niya. Loko talaga yung lalaking yun.
Angella’s POV
Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit biglang tumunog ang drums na hindi ko alam kung saan nanggagaling. Ginawa ko na lang yung research ko ng tuloy tuloy. Hindi ko namalayang lunch na pala kaya itinigil ko muna yung research at bumaba na ako. Umalis ako sandali para bumili ng pagkain kasi nahihiya na ako kasi wala dito si Ivan, ang Young Master nila pero pinigilan ako ng maid na dito na lang daw ako kakain pero tumanggi ako at na-convince ko naman yung maid na kakain ako sa labas. Pumunta ako ng mall at syempre kakain lang ako dun pero nung pagkatapos kong kumain sa Mcdonald’s kasi dun lang ang may 50 pesos meal, nakakabigla talaga ang tadhana at nakakita pa ako ng masamang panaginip. Eh sino ba yung mga yun? Edi sina Ivan, Cindy na naka-cling kay Ivan at si Carlo.
“O bakit ka nandito?” tumaas pa ang isang kilay ng Bakulaw na ‘to ng pagkatanong niya sa’kin.
“Kumain ako dito kasi nakakahiya naman sa’yo. Na ang Young Master nila ay wala dun sa bahay at ako isang bisita lang eh kakain dun. O sige. Sayang oras ko dito. Bye na!” sabi ko sa kanya. Paalis na sana ako ng ilagay ni Carlo ang braso niya sa balikat ko.
“Whoa, whoa! Wait. Chill. Tutal nandito naman siya, let’s have a PRETEND double date. Me and Cindy, Angella and Ivan. What do you think?” sabi niya sa aming lahat.
Sasabi na sana ako ng ‘oo’ pero biglang sumigaw si Cindy. “No! I will deal with it if Ivan is my partner!” Hindi ko naman alam na ganun siya ka-desperada kay Ivan.
“Ivan. Your choice. Cindy or Angella?” tanong niya kay Ivan. Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan ako sa sasagutin niya.
“Si....”
*dugdugdugdug*
“Cindy.”
*throbthrobthrob*
Hindi ko alam kung bakit bumigat ang pakiramdam ko. Dahil ba sa pinili niya si Cindy? Ay leshe! Hindi ko talaga alam! Asar!
“Ok then.” ‘Lang hiya ‘tong si Carlo i-holding hands pa ba naman ako.
“Me and Angella!” ngiting sabi pa niya kay na Ivan at Cindy.
“Yay! My partner is Ivan!” sigaw ni Cindy at lalo niyag hinigpitan yung kapit niya kay Ivan.
*throbthrobthrob*
At bigla ko naman narinig yung pag throb ng puso ni Carlo. Tiningnan ko siya sa mata. Ang lungkot nga eh. Pero bigla siyang bumulong. “Bakit hindi ako?”
Don’t tell me. May gusto siya kay Cindy?! Wow, ang tiyaga naman ni Carlo kay Cindy. Ilang years kaya? Don’t misunderstand. Wala akong gusto kay Carlo. Concern lang ako. Nagikot-ikot kami sa mall. Ang saya saya ni Cindy at si Ivan naman eh hindi ata interesado sa pinagsasabi ni Cindy. Napansin ko si Carlo na kanina pa nakatingin kay na Cindy at Ivan.
BINABASA MO ANG
Ako at Ang Masungit na Board Chairman
Teen FictionImposible kayang magkagusto ang board chairman sa kanyang estudyante? Oo, imposible PERO paano kung ESTUDYANTE din ang board chairman? Paano na? Mai-inlove kaya sila sa isa't isa? Magkakainitan ba? Let's see kung ano nga talaga ang story between t...