Angella's POV
Natapos na namin iluto ni Ivan yung squash.
“Hmm… Ang sarap naman ata niyan!” sabi ko kay Ivan.
“Gusto mo tikman. Wait lang.” sabi niya sa’kin at nilagyan niya yung spoon ng squash at… Hinipan niya? Wow! Ang bait.
“Oh! Tikman mo at mabibighani ka sa gawa ko.” sarcastic na sabi niya at susubo na niya sa’kin yung spoon.
“Wa-wait lang! Ako na lang susubo! Akin na yung spoon.” reklamong sabi ko sa kanya.
“Bakit?” smirk na sabi niya. Leshe din ‘to noh?! Pagtripan daw ba ako!
“Eh, sa nakakahiya sa’yo eh.” sagot ko naman sa kanya. Hinatak niya ako sa kamay at napadikit ako sa kanya at yung isang kamay niya eh hawak hawak yung spoon at yung isa ay nakahawak sa likod ko na malapit na sa kabilang gilid ng beywang ko at ang lapit lapit ng mukha niya.
“Bi-bitawan mo nga ako!” sabi ko sa kanya pero ang higpit ng hawak niya sa likod ko.
“Ayoko nga. Pag hindi mo pa ‘to sinubo kikilitiin kita. Say ‘Ah’.” sabi niya sa’kin na may smirk pa. Pagtripan daw ako. Kaasar.
“Aah, aah.” at sinubo niya na sa’kin…
“TUBIG!” sigaw ko.
‘Lang hiya rin ‘tong lalaking ‘to noh?! Subuan pa naman ako ng sili? Akala ko pa naman magiging close kami pero mukhang malabo ata yun eh. Nakakaasar na yung ugali niya akala niya biro yung ginawa niya eh ka-muntikan na nga ako mamatay sa anghang eh. Binigyan nga ako ng tubig ng isang maid at siya naman ay umalis na.
“Ok ka na ba?” tanong sa’kin ng isang maid.
“Ok na po ako. Thanks, Ate.” sabi ko sa kanya.
“Sabi nga pala ni Young Master dalhin mo na lang daw yung kakainin niyong tatlo.” sabi sa akin ng maid.
“Ok.” sagot ko naman sa kanya. Nilagyan ko na ng pagkain yung plato namin at umakyat na ako sa taas kasi sabi din daw ng maid sa kwarto niya kami kakain. Nakakaasar na talaga siya. Inis na inis ako sa kanya.
Pagdating na pagdating ko sa kwarto, binaba ko na yung kakainin namin at hindi ko muna siya kakausapin lalo na’t naaasar ako sa kanya baka masigawan ko pa siya dahil sa galit ko.
“Ivan. Oo nga pala sabi ni Carlo pupunta daw siya dito. Magpapatulong daw siya sa assignments niya." sabi ni Cindy kay Ivan na pinutol ang katahimikan sa kwarto.
“I’ll just text him.” sagot naman niya.
Pagkatapos kong kumain tumayo na ako at pupunta na sana sa labas pero biglang nagsalita si Cindy. “Uy! Sabay mo na rin ‘tong pinagkainan namin ni Ivan.”
‘Lang hiya rin ‘tong babaeng ‘to. Makikiusap na nga lang wala pang ‘paki’ pero wala na akong sinabi kundi kinuha ko na lang yung mga pinagkainan nila at lumabas na nga talaga ako. Kinuha ng maid yung pinagkainan naming tatlo. In fairness, masarap luto niya pero hindi ko siya muna makakausap ngayon. Hmph! Tumaas na lang ako at pumunta muna sa guest room na tinulugan ko at kinuha yung mp3 player kong maliit kasi alam ko magiging maingay si Cindy dun mamaya. Pagkatapos kong kunin yung mp3 player ko, pumunta na ako sa kwarto ni Ivan at naabutan ko ang isang iyak ng tsanak. Grabe! Ganito kaingay si Cindy pero tumigil yung pandadaldal niya nung pumasok ako sa kwarto.
BINABASA MO ANG
Ako at Ang Masungit na Board Chairman
Teen FictionImposible kayang magkagusto ang board chairman sa kanyang estudyante? Oo, imposible PERO paano kung ESTUDYANTE din ang board chairman? Paano na? Mai-inlove kaya sila sa isa't isa? Magkakainitan ba? Let's see kung ano nga talaga ang story between t...