Angella’s POV
“HOY!” Nagising ako sa katotohanan ng biglang sumigaw si Amy. “A-ah! Amy, ano nga ulit yun?” worried na tanong ko sa kay Amy habang nagkwe-kwentuhan kami sa kwarto nila Nathan. Oo, kwarto nila pero dalawang higaan at may nakaharang na curtain na nagpapaharang sa kanilang dalawa. “Sinasabi ko na mag-double date tayong apat! Ikaw, si Ivan, ako at si Nathan! Gets mo na?” sigaw na sabi niya sa akin. “Ok!”sagot sa kanya ng nakangiti but that is a FORCED SMILE. Kumain na muna kami ng lunch sa room namin ni Ivan kasi magtatanghalian na at umalis na rin si Amy pagkatapos kumain at magde-date pa sila ulit ni Nathan. Buti wala pa si Ivan dito sa room nasa chairman’s room ata siya. Buti pa sila totoo yung relasyon nila pero sa amin ni Ivan fake lang. Napa-isip tuloy ako sa mga sinabi ni Ivan.
*Flashback*
Magkayakap kami ni Carlo ng biglang pumasok si Ivan. “Ivan!”sabi ko at napatayo sa gulat. Hindi siya sumagot at bigla niyang hinila ang kamay ko palabas ng kwarto ni Carlo at nung lumingon ako kay Carlo, ngumiti na lang siya.
Pagkalabas namin ng kwarto ni Ivan, sinandal niya ako sa pader at yung kamay ko na hawak eh sinandal niya na rin sa side ng mukha ko sa pader. Napansin kong masyadong napipisil ni Ivan yung kamay ko kaya nasasaktan ako. “Aray! Please, bitiwan mo ako! Nasasaktan ako!” reklamo ko sa kanya. Wala siyang sinagot pero tumingin na siya sa akin. Sa ikikinagulat ko, yung mga mata niya kung makatingin eh parang ang bigat na ng nararamdaman niya.“Di ba mas masakit kung hindi ka minamahal ng mahal mo?” sabi niya at binawi yung kamay niya sa pagkakahawak sa akin. Eh? Anong ibig niyang sabihin? “Gusto ko na i-call off yung pagiging boyfriend at girlfriend natin,” sabi niya at lumayas na sa harap ko. Dahil dun, napaiyak ako ng todong-todo.
*End of flashback*
Ayokong magkahiwalay kami at si Cindy ang fiancé niya. Hindi man magiging real ang relasyon namin pero gagamitin ko ‘to bilang opportunity na magkaroon kami ng real relationship. Magpupuno ako ng memories namin dalawa at kung sakali mang mag-confess ako sa kanya eh, kahit magkahiwalay kami meron pa rin akong memories niya.
Bakit kaya ako iniiwasan ni Ivan? Habang nag-iisip ako ng dahilan eh hindi ko namalayan na nakakatulog na pala ako.
Napadilat na lang ako at tiningnan ko yung alarm clock ko sa side table at napatayo ako kaagad at naligo. Sino pa ba naman ang hindi mapapatayo eh 3 pm na?! May nagawa akong plano para mapansin ako ulit ni Ivan. Bumili ako ng gagamiting ingredients para sa sorry cake ko at ng mga candles at floral flowers para sa dinner date namin ni Ivan. Oo, weird na kung weird pero ang pagmamahal na tao ay matatanggap at matatanggap kung weird sila o hindi. Ay ang seryoso ko na noh?
Nag-bake ako ng strawberry cake at nilagyan ng “I’m sorry” sa ibabaw gamit ang icing. Kaya strawberry cake kasi sabi ni Amy favorite daw ‘to ni Ivan kaya ito ang na-bake ko. Hehehehe. Syempre, dinesignan ko na yung place kung saan kami magdi-dinner date. Nagpasuyo ako kay Amy kung saan pwede gawin yung dinner date naming kaya eto ako ngayon nasa rooftop kasi think ko mas romantic eh. Hehehehe. Sinindihan ko yung kandila at kinover ito ng transparent glass para hindi ito mawala at naglagay na rin ako ng bulaklak table pero unti lang noh, yung simple lang. Tiningnan ko yung wristwatch ko at patay, 6:30 na pala! Inayos ko yung sarili ko at nag-dress ako ng white na parang sando lang pero sakto sa knees ko lang kaya nag-bolero ako.
Pumunta na ako sa chairman’s room at pumasok dito. “What are you doing here?” seryosong tanong niya at tumayo sa kinauupuan niya at pumunta sa harap ko. Pasagot na sana ako ng biglang, “IVAAAAAN!” sigaw ni Cindy na naka-pasok na sa room at biglang niyakap si Ivan. Nakakaasar na ‘to ah! Palagi na lang wrong timing! “Dinner tayo! Halika!” sabi niya at hinihila nito.
Sana wag kang pumayag……..
“Sure!” ngiting sagot nito kay Cindy at si Cindy naman eh nagre-rejoice.
Hahayaan ko na lang ban a iwasan ako ni Ivan?
Hahayaan ko ba na mahalin niya ulit si Cindy?
No freaking way! I’ll make Ivan fall in love with me.
Hinigit ko yung braso ni Ivan at tiningnan ng masama si Cindy at sinabing, “No. He’s not going with you,” sharp kong sabi sa kanya. “Huh?! Are you joking with me? He said he’s going with me, right Ivan?” sabi niya sabay kay Ivan. “Yeah,” tipid niyang sagot na dahilan na para bumitaw ako pero nagulat na lang ng biglang hinawakan ni Ivan yung ulo ko at hinalikan ang noo ko. Tuloy, namumula ako. “But, she’s my girlfriend and you’re my fiancé. Girlfriend is different from fiancé,” sagot niya kay Cindy at hinawakan ang kamay ko at lumabas na kami sa chairman’s room.
Ivan’s POV
Sh*t! Dahil sa sinabi ni Angella at pagpigil niya sa akin, kinikilig ako pero at least hindi halata. Napansin ko din yung damit niya kasi white dress at may bolero. Ang ganda niya sobra! Nung pagpasok niya pa nga lang, namula na ako kahit hindi halata dahil sa suot niya. Bagay na bagay sa kanya. Naputol yung pag-iisip ko ng bigla siyang huminto na dahilan para mapahinto rin ako. “Oh bakit ka napatigil?” tanong ko sa kanya at lumingon. Hindi ko inaasahan na mamumula yung mukha niya kaya namula rin ako kasi ang cute niya eh. Hindi niya ako sinagot pero bigla niya naman akong hinila sa kamay.
Hinila niya ako papunta sa rooftop at nung pagbukas niya ng pinto, nakita kong may table sa center at sa ibabaw nito ay kandila at may unting flowers at sa paligid naman eh may mga candles na may glass pero unting-unti lang sa pagkakagusto ko. Nabigla ako lalo ng biglang kunin ni Angella yung cake at humarap siya sa harap ko at sinabing “Sorry,” mahinhin niyang sagot at namula pero hindi nakatingin sa akin kundi sa left side. Mas nabigla ako ng tiningnan ko yung cake at may nakasulat na “I’m sorry” at may candle pa. “Hipan mo kung tanggap mo sorry ko,” sabi niya sa at nakatingin na sa akin.
Hahayaan ko pa bang mamula ‘tong mahal ko? Syempre, hindi na noh. Hinipan ko na yung candle at sinabi sa kanyang harapan na, “Ok ka na?” tanong ko sa kanya ng naka-ngisi kasi gusto ko lang siya asarin. Hindi ko inaasahang sasabihin niya ang mga salita na, “Oo, masayang-masaya!” sabay ngiti pa niya.
Kumain na kami at nag-kwentuhan ng iba’t-ibang bagay. Kahit na yung iba eh nag-aaway pa kami pero sa loob-loob ko, masayang-masaya ako. Hindi ko man mailabas pero sa totoo lang, gustong-gusto kong iabas pero paano? Naging masaya naman yung kwentuhan namin pero sa kanya mukhang naiinis pero sa huli, masaya pa rin.
Naniniwala ako kapag ang isang tao na, pag kasama ang taong mahal niya eh masayang-masaya. Hindi ko na pinaniwalaan yun ngayon lang nung biglang, “Magpapasalamat talaga ako kay Carlo!” sabi niya sa akin sabay ngiti at yun yung ngiting hindi ko pa nakikita.
Si Carlo kaya ang iniisip niya nung sabihin niya yun?
Akala ko tuloy ako yung mahal niya pero hindi naman.
Pinaa-asa ko lang sarili ko.
Will I give up on her?
Yan yung mga salitang hindi ko maalis. “Sige! Alis na ako mukhanng meron pa ata kayong date ni Carlo eh! Bye!” PILIT kong ngiti habang sinasabi ko sa kanya yun. Paalis na sana ako ng bigla siyang nagsalita. “Idiot ka talaga kahit kalian! Sa tingin mo, ide-date ko si Carlo kung ikaw pinuntahan ko!” hikbi niyang sigaw sa akin. Napalingon ako at nagulat ako dahil umiiyak siya. “Bakit ko iisipin si Carlo kung ikaw ang kasama ko at iniisip ko?! Kaasar ka!” sigaw niya at tinakpan niya yung mukha niya kasi napapaluha na at napaupo siya sa sahig at umiiyak.
Ang t*nga ko talaga! Ayoko siyang umiiyak pero ako ang dahilan ng pag-iyak niya. Sh*t!
Niyakap ko siya kasi ayoko ng nakikitang nasasaktan siya. “I’m sorry for being a fool,” sabi ko sa kanya at naramdaman ko yung kapit niya sa likod ko at napayakap na rin ng mahigpit. Naghiwalay na kami ng yakap at nagkatinginan sa isa’t-isa. I really love her.
Dahil sa overflowing feelings ko sa kanya, hinalikan ko siya. I give her a gentle kiss. I know it’s deep but she’s reaching out. Nung nagkahiwalay kami sa pag-kiss, nagkatitigan na lang ulit kami.
“I love you, Ivan,” mahinhing sabi sa akin ni Angella.
*dug. dug. dug*
Nabingi ba ako sa narinig ko?
(A: Hmm……Ano kaya nangyari? Let’s see sa next chapter! ^_^)
BINABASA MO ANG
Ako at Ang Masungit na Board Chairman
Novela JuvenilImposible kayang magkagusto ang board chairman sa kanyang estudyante? Oo, imposible PERO paano kung ESTUDYANTE din ang board chairman? Paano na? Mai-inlove kaya sila sa isa't isa? Magkakainitan ba? Let's see kung ano nga talaga ang story between t...