Angella’s POV
Ano ba ang “tumitibok”?
Ano ba ang pinagkaiba ng “mahal” sa “crush”?
Ano ang in-love?
Ano ang crush?
Yun yung mga tanong na nasa isip ko ngayon habang kinakabahan ako na hindi ko alam kung bakit kasama ‘tong si Bakulaw. Nung pagkatapos namin maghugas at punasan ang mga basang baso at plato, lumabas na kami sa kusina at sinalubong ako agad ni Amy. “Haay! Ang saya manood ng horror!” energetic niyang sabi habang naka-stretch yung arms niya sa taas. “Lo! La! Gawin natin ‘to ulit!” dagdag pa niya at napatingin ako kay Lolo at Lola. Aba! Hindi natakot. Mukhang ako lang ata ang may takot sa horror movies. Kahit matatanda na, hindi pa rin takot. Astig! Nawala yung pagka-sparkle ng eyes ko kay na Lolo at Lola nung malapit na pala yung mukha ni Bakulaw. O///O Biglang namula yung mukha ko. Hindi ko alam kung bakit pero itinulak ko na lang siya bigla. Buti hindi nahulog sa sahig kundi patay ako. “S-sige! Kunin ko na yung gamit ko sa taas para makaalis na tayo dito sa bahay!” sabi ko sa kanila at pumunta na ako sa kwarto ko para kunin yung mga luggage. Shocks naman oh! Bakit ba nao-off guard ako pagdating sa kanya. Kaasar!
Kinuha ko na yung mga luggage ko at bumaba na sa baba. Nung nasa gate na kami, “Lo! La! Ihahatid ko po kayo mamaya sa airport ha! 9 pm, exact! Promise ko sa inyo yan!” sabi ko kay na Lolo at Lola at sabay silang niyakap. “Pagbutihin mo pag-aaral mo ha!” sabi sa akin ni Lola. “Wag kang susuko sa kahit na anong bagay. Kahit na mabigo ka, bumangon ka pa rin ha!” energetic na sabi ni Lolo sa akin. Napa-iyak tuloy ako dahil sa mga sinasabi nila. Mami-miss ko talaga sila kasi naging parents at grandparents ko na rin sila. Humiwalay ako sa pagkayakap sa kanila habang nangingilid pa rin yung mga luha ko. “I love you. Lo, La!” sabi ko sa kanila habang nakangiti. Kalahating masaya at malungkot yung luha ko ngayon. Masaya kasi, nandyan sila para suportahan ako lagi-lagi at malungkot kasi, maghihiwalay na kami. “Mahal ka rin namin, Maria, apo. Huwag mong isipin na, magkakahiwalay na tayo. Hindi. Magkikita’t magkikita tayo,” sabi sa akin nila Lolo at Lola haban nakangiti at yinakap ko sila ng mahigpit at nagpaalam na kami sa kanila at pumasok na sila sa bahay.
Papasok na sana ako sa kotse ni Amy, nang bigla niya akong tinapatan ng kanyang palad sa mukha ko. “Hep, hep!” sabi niya sa akin. “Hooray?” pagtataka kong sagot sa kanya. “Dun ka sa kotse ni Ivan, kami dito ni Nathan. Sorry,” sabi niya sa akin na dahilan na mapabuntong-hininga ako. Pumunta naman ako sa van ni Ivan at nakita kong nilalagay na dun yung mga luggage ko. Wow ha! Alam na pala niya pero hindi niya pa ako sinabihan. Nung pumasok ako sa van, yun nanaman magkatabi kami ulit. Papunta na ako sa seat ko ng biglang nasagi ko yung nakaharang sa van at matutumaba na sana ako…………
Sana…….
Pero nasalo ako kaagad ni Ivan at napapaibabaw ko na siya. Tatayo na sana ako ng bigla niya akong hinila sa kanya na dahilan na napayakap ako sa kanya.
*dug. dug. dug.*
Inalis ko na lang bigla yung kamay niya sa likod ko at tumayo tsaka umupo. Ang weirdo nga ng lakbay namin kasi ang tahimik at tsaka wala sa tenga niya yung earphones ko kundi nasa upuan na nung umupo ako.
Nasa room na kami ni Ivan at nag-aayos ng gamit. Akala ko magiging maingay kami pero hindi eh, ang tahimik. Nagtanghali na at natapos na kami mag-ayos, pinutol ko yung katahimikan na namagitan sa aming dalawa. “G-gusto mo pagluto kita ng lunch?” nerbyos na tanong ko sa kanya. Meron rin kasi dito sa room ng maliit na kitchen. “No need,” *throb. throb. throb* agad niyang tipid na sagot sa akin. Sasagot na sana ako ng biglang, “IVAAAAN!” pumasok at sigaw ni Cindy at yumakap kay Ivan. Ngumiti naman ang loko! Hmph! “Luto kita ng lunch sa room ko! Halika!” sabi niya at hinihila niya si Ivan at sa hindi ko inaasahan eh ang sinagot niya ay, “Ok.” Nabigla ako at nasaktan. Oo nga naman. Sino ba ako para pigilan siya? “Ah, Cindy! Asan si Carlo?” Hindi ko alam kung bakit ko yun nasabi pero gusto ko ng kasama tutal nagde-date naman sila Amy at Nathan. Tiningnan ako muna ng masama ni Cindy at sinagot, “Nasa kwarto niya,” at dun ako naka-tyempo umalis sa kwarto. Nag pass-by ako sa kanila at sinabing, “Bye and thanks!” sabi ko sa kanila ng nakangiti at umalis. Nung nakaalis na ako sa kwarto, hinanap ko yung kwarto ni Carlo. Ayun! Nag-knock ako sa pintuan niya at binukas niya yung pintuan at nagulat siya sa hindi ko alam kung bakit. “Bakit ka umiiyak, Angella?!” shock na tanong sa akin ni Carlo.
Ngayon ko lang namalayan na, umiiyak na pala ako.
Ivan’s POV
Tss! I’m so irritated! Tinanong niya pa si Cindy kung nasaan si Carlo! Paksh*t lang! Nagsi-sisi na talaga ako! I wish that I accepted her lunch but I’m thinking that why is she avoiding me.
Bakit na lang lagi si Carlo?
Bakit hindi na lang ako?
Kumain na kami ng luto daw ni Cindy pero sa tingin ko lang eh luto ng chef nila. Buong magdamag, wala akong iniisip kundi si Angella.
She is the only one in my mind and heart.
Angella’s POV
Pumasok na ako sa kwarto ni Carlo. “Bakit ka umiiyak?” tanong niya sa akin at halatang nag-aalala siya. “Ka-kasi s-si Ivan ti-tinata-tanggihan ako pe-pero pa-pag si Cindy o-okay la-lang sa ka-kanya,” hikab-hikab kong sagot sa kanya. Nakakaasar si Ivan! Edi sige! Sila nang dalawang mag-syota! “Mahal mo nga talaga si Ivan noh? Eh siya kaya? Mahal ka rin kaya niya?” sabi niya bigla sa akin na dahilan na kinabigla kong naisip yung mga tanong na nasa isip ko.
Bakit ba tumitibok ang puso ko sa kanya kahit alam ko namang ayoko sa kanya?
Bakit ko ba lagi siyang iniisip?
Bakit nasasaktan ako kapag ina-accept niya si Cindy at ako hindi?
Bakit nasaktan ako nung sinabi niyang mahal niya si Cindy?
Bakit sa lahat pa ng tao eh siya ang nagustuhan ko?
Ano ba ang ‘Love’?
Ano ba ang ‘Crush’?
Ano ba ang pinagkaiba nila?
“First, tumitibok ang puso mo sa kanya dahil unexpectedly, nagkagusto ka na sa kanya,” biglang sabi sa akin ni Carlo at napatingin naman ako sa kanya. Sasagutin niya ba lahat ng tanong ko? Kung oo, makikinig talaga ako kasi ang slow ko! “Second, lagi mo na siyang iniisip kasi nagiging obsessed ka na sa kanya,” dagdag pa niya. “Third, nasasaktan ka kapag ina-accept niya si Cindy at ikaw hindi is kasi minahal mo na siya and nasaktan ka kasi hindi ka mahal ng mahal mo. Love is so unpredictable.” dagdag niya pa ulit at mare-realize ko na kaya? “Lastly, Love is forever while Crush is just an infatuation and it’s just a little bit of time,” sabi niya at tumingin sa akin. “Na-realize mo na ba?” tanong niya sa akin ng nakangiti.
At tsaka ko lang na-realize. Tumango ako at niyakap siya at umiyak. “Gusto kong sabihin sa kanya na,” tumigil ako sandali “Mahal kita”,” dagdag ko sa kanya habang nakayakap at sinuklay niya na lang ang buhok ko para matahan na ako. It’s confirmed.
Mahal ko si Ivan.
Ivan’s POV
Papasok na sana ako ng marinig ko ang mga salitang, “Mahal kita,” tiningnan ko kung sino nagsabi at sa kinabigla ko ay si Angella ang nagsabi kay Carlo at magkayakap pa sila.
*throb. throb. throb*
Mas nabigla ako sa ginawa ko. Hindi ko alam kung bakit ko yun nagawa.
BINABASA MO ANG
Ako at Ang Masungit na Board Chairman
Novela JuvenilImposible kayang magkagusto ang board chairman sa kanyang estudyante? Oo, imposible PERO paano kung ESTUDYANTE din ang board chairman? Paano na? Mai-inlove kaya sila sa isa't isa? Magkakainitan ba? Let's see kung ano nga talaga ang story between t...