Ivan's POV
Kaasar talaga 'tong babaeng 'to. Sa lahat pa naman ng estudyante dito sa school, siya pa ang nakaalam. Lang hiya naman oh! Pumunta naman ako kaagad sa kanya at mukhang takot na takot. Syempre. Sino pa ba naman hindi matatakot sa galit kong mukha? Si Mom lang ata hindi eh. Hinatak ko yung kamay niya at buti, hindi pa tapos ang lunch. Ni-lock ko yung pinto para walang makapasok at makarinig. Board Chairman's office kasi 'to.
"Hoy! Anong gagawin mo sa akin ha?!" Feeler din 'to nuh? "You know, eavesdropping is bad. Don't tell anyone about what you heard. Did you understand?!" Galit kong sabi sa kanya. "Ok, pero bakit ikaw ang Board Chairman? Pwede naman Mom or Dad mo diba?" Magtatanong na nga lang, ayan pa. "My Mom and Dad are busy in their business. They travel all around the world to make sure our business have no problems. This school was meant to be demolished, but I suggested to them that I will be the Board Chairman of this school and I kept that as a secret until now. But you, my student, found out about it, so please keep it a secret between us." Seryosong sabi ko sa kanya. "Ok. I promise!" Ngiting sabi naman niya na may taas na kamay pa. Ano siya? Nanunumpa ng watawat ng Pilipinas? Tsk.
"Well, don't worry. You are not the only ones who knew my secret. Their name is-." Hindi ko na natuloy yung sinabi ko nang dumating siya bigla.
"IVAAAAAAN, I miss you!" Sigaw ni Cindy sabay pasok sa office. Shet. Dumating na ang panggulo. "Ano ba ang ginagawa niyo dito?! Ni-lock ko yung pinto ah!" Sigaw ko sa kanilang dalawa. "I duplicated the key for this room. Hehehe." Tuwang tuwa na sabi ni Cindy. "Hi, Ivan." Belated naman na sabi ni Carlo. "Wag mo ako mahi-Hi at wag nga kayo magulo!" Sigaw ko sa kanila at yun tumahimik. "Umm...." Ay. Oo nga pala. Nandito pa si Angella. "Wow. What a cute girl we have here!" Sabi ni Carlo sabay akbay pa kay Angella. Hinatak ko si Angella at tiningnan ko ng masama si Carlo. "Chill, Man! I'm not going to take your girlfriend away, but she's cute so-." Sabi naman ni Carlo. "SAY WHAT?!" Hindi na natuloy yung sinabi ni Carlo nung sumigaw si Cindy. "Ay! Oo nga pala. Hindi mo alam kasi absent ka these past few days. Angella is Ivan's girlfriend." Ngiting sabi naman ni Carlo kay Cindy. "Why? Ivan, I'm your type right? Not that girl!" Pag-protesta ni Cindy. "Umm... Excuse me, but I'm his-." Magsasalita pa sana si Angella nang hinawakan ko yung kamay niya at pinisil ito.
"My girlfriend." Tuloy ko. Take that.
Carlo's POV
Halata ko naman na eh, na hindi niya totoong girlfriend si Angella. Pinisil niya kasi yung kamay nito para hindi na magsalita pa. Para na rin hindi mahalata ni Cindy. I'm sorry, but I'm not an idiot. Looks like this is gonna be interesting.
^_^ *smirk*
Cindy's POV
I'm not going to agree with this. I'm going to break them up! I SWEAR! -=-
Angella's POV
Grabe. Sungit naman ni Cindy. Plastic pa! "Sige. Ivan, punta na ako sa classroom." Aalis na sana ako kaya lang hinatak ako ni Carlo. Problema neto? "Wear my necktie, or else your top will see." Bigla ko naman tinakpan yung chest ko. Grabe. Nakakahiya! Isusuot na sana ni Carlo yung necktie niya sa'kin, kaya lang bigla naman ako hinatak ni Ivan sa waist. Hilig nila akong hatakin. Problema nila sakin? >.> "Don't. I'm going to give my necktie to her." Sabi naman niya kay Carlo.
*dug. dug. dug.*
May naririnig ata akong drums. San kaya nanggagaling yun? "Ok. Girlfriend mo nga pala siya nuh? Sorry." Sagot niya kay Ivan. Umalis na si Carlo at Cindy naman ay sumunod, kaya lang galit na galit sa akin. Mukhang hindi na ako magkakaroon ng peaceful school year ah. "Oh. Suotin mo necktie ko!" Sabi niya sa akin at kinuha ko yung necktie niya. "Pano 'to?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi mo ba alam?" 'Loko 'to ah. "Pano ko po malalaman kung ribbon po ang gamit namin ha?" Taray na sagot ko sa kanya. "Tumalikod ka." Tumalikod ako nung inaayos niya yung necktie ko.
Grabe! Kailangan ba ganito yung stance? Nasa likod ko siya, tapos inaayos niya yung necktie ko. Nararamdaman ko yung hinga niya sa tenga ko at...
*dug. dug. dug.*
Mabilis tumunog yung drums. San nanaman kaya yun nanggagaling? Geh. Magmaang-maangan ka pa, Angella. Siguro ganito lang si heart dahil first time kong ma-treat ng ganito ng lalaki.
"Oh. Tapos na." Tinulak niya ako papunta sa pinto. "Bumalik ka na sa classroom. Baka pagalitan ka ni Ms. Espinosa dahil mala-late ka na oh?" Sabay turo niya ng orasan. Patay! Tama nga siya. 10 minutes before our class with Ms. Espinosa. Tumakbo ako ng mabilis papunta sa classroom at buti wala pa siya doon sa classroom. Umupo na ako sa upuan ko. Ay tungeks! Bigla naman ako napa-straight nung kiniliti ako ni... Nathan?
"Hahahaha! Ang lakas nga talaga ng kiliti mo!" Sabi sa'kin ni Nathan habang tumatawa. "Pwede naman hindi kilitiin diba?" Sagot ko sa kanya sabay pout. "Sorry! Hehehehe." Ngiting sabi niya sa'kin. "Ok na. Basta wag mo na ako kikilitiin ah. Pag inulit mo, promise galit na ko sa'yo." Banta ko sa kanya. "Ok. Basta wag ka ng magalit, ok? Hahahaha." Sagot naman niya. "Hahahahaha." Tawa ng tawa 'to pati ako napapatawa. Tapos ang bait bait niya pa. San ka pa sa ganitong kaibigan? Tawanan kami ng tawanan ng biglang may nag slide ng pinto ng malakas. Patay! Nandyan na ata si Ms. Espinosa, pero nung pagtingin ko sa pintuan, si ...
O__________O
Ivan?
Bakit kaya niya binalibag yung pinto? Nung papunta sa amin si Ivan kakausapin ko sana siya...
"Ivan-."
Kaya lang nilagpasan niya ako.
*throb. throb. throb.*
Siguro nga hanggang kanina lang yung kabaitan niya sakin.
Student lang naman ako sa kanya eh.
Bakit pakiramdam ko bumigat ang pakiramdam ko? Hindi ko alam kung bakit. Hmph! Bahala nga siya! Di ko na siya iisipin. Nag iwasan kami hanggang uwian. Hindi ko alam kung ano nangyari, pero parang galit ata siya eh. Ano na naman bang ginawa ko na ikinasama niya? I let out a big sigh. Tama na nga Angella... Bahala na siya! Hmph! >_<
BINABASA MO ANG
Ako at Ang Masungit na Board Chairman
أدب المراهقينImposible kayang magkagusto ang board chairman sa kanyang estudyante? Oo, imposible PERO paano kung ESTUDYANTE din ang board chairman? Paano na? Mai-inlove kaya sila sa isa't isa? Magkakainitan ba? Let's see kung ano nga talaga ang story between t...