So, kaka-confess niya lang kay Cindy ngayon? Like I care! Nung dumilat na ako, hindi na kausap ni Ivan si Cindy. Nabigla din ako sa sinabi niya……pake ko ba! Ano ba yan?! Angella! Tigil-tigilan mo na nga yung pag iisip mo ng bad creatures. Sinampal ko ng sabay yung pisngi ko “Are you crazy?” tanong naman ng Bakulaw na ‘to. Shocks! Hindi ko alam na malapit pa lang pala kami sa SM akala ko sa SM na mismo kami “A-ah! Hindi! Sorry! Hehehe ^_^; ” sagot ko sa kanya at may nagaalalang ngiti and it all written over his mukhang-oo face.
Nung nasa mall na kami eh pumunta kami sa isang restaurant mamahalin pa naman ata ‘to eh. “Hey, what’s your order?” tanong sa’kin ni Bakulaw este si Ivan “Treat mo?” tanong ko sa kanya. Nakakagulat naman kasi eh na kung siya ang manglilibre “Yea” sagot naman niya sa’kin. Pumili na lang ako ng pasta at cake kasi gutom na rin ako eh. Nung kumakain na kami, nasira agad apetite ko “Are you seriously going to eat that two?” pagtatakang tanong niya “Yup!” ngiting sagot ko na lang sa kanya tutal nilibre niya naman ako eh “Heh, so that’s why you’re fat” sabi niya sa’kin na may ngisi. Nakakairita na talaga ‘tong mokong na ‘to! Pag hindi ko na talaga mapigilan sarili ko eh ihahampas ko na yung mukha niya sa lamesa na kinakainan namin eh! Hindi ko na lang siya pinansin at kumain na lang kami ng tahimik pero nagtataluhan na rin kami.
Pagkatapos naming kumain eh pumunta kami sa department store. Nasa men section kami ngayon kasi may dinner daw ‘tong Bakulaw na ‘to bukas kaya dapat daw makabili na siya ng damit. Bumili siya ng suit pero parang hindi bagay yung damit sa kanya na suit ang susuotin sa dinner “Hindi bagay sa dinner masyadong unique” reklamo ko sa kanya “Am I asking your opinion?” taray na tanong niya sa’kin “Sinasabi ko lang! Sungit!” sabi ko sa kanya “Then pick me a clothes that will fit tomorrow’s dinner” utos niya sa’kin “Ano ako?! Yaya mo para utus-utusan ng ganyan?!” reklamo ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin at pumunta na lang sa dressing room.
Haaay! Kung hindi lang ako nilibre ng Bakulaw na ‘to, hindi ako pipili ng damit niya noh? Hmm…nagtingin tingin ako sa department store at buti may nakita na ako. Isa siyang suit pero yung bagay lang sa kulay niya at isang pants na babagay sa upper wear. Pumunta na ako sa tapat ng dressing room na pinasukan niya “Oh! Eto yung napili ko na babagay sa dinner! Mas maganda tingnan sa balat mo at sa kagwapuhan mo daw na mukha” sabi ko sa kanya at isinabit sa pinto yung damit niya “Bakit may ‘daw’ pa?” reklamo pa niya “Eh para sa akin, hindi!” sagot ko sa kanya. Tumahimik na lang siya at siguro tina-try yung damit na binigay niya. Nung bumakas yung pinto nagtanong agad ako sa kanya “Okay na ba?” tanong ko sa kanya pero hindi siya lumabas kundi hinatak ako papasok sa dressing room at ni-lock yung pinto “Ano ba problema mo ha?!” tanong ko sa kanya at tumingin. Shocks! Ang gwapo ng mokong! “Oh! Ang galling ko pumili ng damit noh?” ngiting sabi ko sa kanya na nakapameywang “Eng-eng ka ba?! Pag ganito ang suot ko, lalong maga-gwagwapuhan yung mga babae!” sigaw niya sa’kin “Feeler mo naman kuya! Hindi ka naman ganun kagwapo! Mas gwapo pa nga si Carlo eh!” reklamo ko sa kanya pero mas gwapo naman talaga siya noh? Iniinis ko lang pero wala na siyang sinagot. Nung napatingin ako sa kanya. Palapit siya ng palapit “Hoy! Lumayo ka nga!” sigaw ko sa kanya pero palapit pa rin siya ng palapit at siguradong wala namang tutulong sa akin dahil pina-close niya yung mall nila. Oo, sa kanila ‘tong mall na ‘to kaya nga pina-close niya agad di ba by pressing the fire alarm. Jusmiyo ‘tong mokong na ‘to! Spoiled Brat! Back to present tayo. Tutulakin ko sana yung dibdib niya na pwedeng pwede ko na itulak kaso nung patulak pa lang ako eh hinawakan niya na yung pulso ko at tinulak sa pinto ng dressing room “Aray! Ano ba?! Bitawan mo nga ako!” sigaw ko sa kanya pero lalo naman siyang lumapit sa mukha ko as in MALAPIT. “Sino mas gwapo? Ako o si Carlo?” sabi niya ng nakangisi “Pag ako bibitawan kita pero pag si Carlo, hahalikan kita” dagdag pa niya na may ngisi. Ano raw?! Eng-eng pala ‘tong mokong na ‘to eh. Syempre pipiliin ko wala baka kasi pag tripan ako nitong mokong na ‘to “Wala!” taray na sagot ko sa kanya pero nakatingin ako sa baba at binitiwan nga ako. Nung tumingin ako sa kanya syempre nagsalita na ako “H-hoy, bili-“ napatigil ako sa pagsasalita dahil…………………..
O_______________O
HE KISSED ME?!
Tinutulak ko siya palayo at sinampal “Kaasar ka! First kiss ko yun eh! ‘Lang hiya ka talaga!” sigaw ko sa kanya at umalis na sa dressing room. Ganti ko na rin yung sampal sa kanya nung sinampal niya ako dati. Nung lumayo layo na ako eh bumili ako sa Dairy Cream at nung pabayad na ako, shocks! Nakalimutan ko yung bag ko sa dressing room. “Ah! Sorry po pero kunin ko lang po yung pambayad” pakiusap ko sa cashier “Niloloko niyo po ba ko, Ma’m?” galit na sabi ni ate. Shocks! Pano na ‘to? “Miss, here’s the bill” may nag abot kay ate ng pera at nung pagka-abot ni ate ay kilig na kilig siya. Don’t tell me?! Ay kalabaw! Si Bakulaw ang pala ang nag abot ng pera “Ba’t ka galit kung makatingin?” tanong niya sa’kin. “Sino kaya yung hindi magagalit na kukunin mo yung first kiss ng isang babae ha?! Oo, meron! Yung FANS mo! Pero wag mo ako itulad sa kanila!” sigaw ko sa kanya “I’m sorry” sabi niya sa’kin na hindi koi ne-expect na mag-sosorry siya. Naawa tuloy ako sa batang ito! Tsk tsk tsk. “O sige na nga basta wag mo ulitin ah!” sabi ko sa kanya at sa hindi ko ulit na inaasahan eh pinat-pat niya yung ulo ko “Fine, princess” sabi niya at sa hindi ko inaasahan eh ngmiti siya *dudugdug* Ano ba ‘to pwede ba tumahimik?!
Pumunta na ulit kami sa department store kasi nung pagpunta niya dun sa Dairy Cream eh suot niya yung pinasukat ko sa kanya. Buti nga natawa ako nung nasa dress room na siya eh kasi pa ba naman, tat*nga-t*nga, pupunta sa Dairy Cream yun yung suot tuloy halos 15 minutes kami naghihintay para kuhanin ng babae yung bayad. Malakas talaga yung hormones ng bakulaw na ‘to.
Nagulat ako nung pumunta kami sa Ladies Section. Sigurado ako para kay Cindy yung bibilhin niya. Hindi ko alam kung bakit ako naging malungkot. “Ugly Girl! Try this!” biglang sabi niya sa akin at hinagis sa akin yung damit “Anong gagawin ko dito?!” pagtatakang sigaw na tanong ko sa kanya “To make it up with you. The kiss right?” sagot niya sa’kin kaya tiningnan ko yung presyo what the effin price! 5,000 pesos?! Ano ba yan?! “Ang mahal nito! Ayoko nga!” sigaw ko sa kanya at inaabot na yung damit “Don’t worry. It’s my treat” sagot niya sa’kin. Tatanggi sana ako pero binayaran niya na agad yung pambili dito sa damit kaya no choice ako.
Napansin kong Nung sinukat ko ‘tong damit, in fairness bagay siya sa’kin. Hindi ko lang alam kay Ivan kaya lumabas ako at itatanong sa kanya kung okay ‘to “Ivan ok ba sa’kin ‘to?” sabi ko sa kanya at umikot ako para matingnan niya ng mabuti “Hindi mo namang kailangan umikot! Nahihilo ako eh” reklamo niya. Maiirita na sana ako ng may dinagdag pa siya “Pero bagay sa’yo. I find it cute” sabi niya. Hindi ko na naman alam kung bakit pero yung lungkot ko kanina nawala at napalitan ng kasiyahan dahil ba dun sa sinabi niya? Haay, Angella! Itino mo yung isip mo baka mawala ka niyan sa sarili eh.
Nagpalit na ako sa Dressing Room at pagkatapos lumabas na ako at ibibigay sa kanya yung damit “Ano yan sa’kin?” sumbat niya kaagad “Baliw ka ba? Dadalhin ko man lang ‘to na walang supot?” reklamo ko sa kanya at bigla niyang kinuha yung damit sa kamay ko at pinabalot ‘to sa salesgirl. In-love na in-love nga yung salesgirl eh, Ah! Oo nga pala, siguro nagtataka kayo kung bakit nandito yung mga workers samantalang walang customers noh? Eh ang ginawa niya lang naman eh pina broadcast niya sa may manager nitong mall na ‘to na lahat ng workers eh hindi muna uuwi. Ang Bakulaw talaga ang sama-sama ng ugali at hindi na rin mag babago.
Hinatid ako ni Ivan sa bahay namin. “A-ah! Ivan pwede mo na ba i-break off yung pretend natin?” tanong ko sa kanya bago ako bumaba pero wala siyang sinasagot. Hindi ko alam kung bakit ko yun natanong pero kung sila na ni Cindy maybe we should stop this baka sabihin pa ng ibang students na two-timer siya kahit hindi naman. Tsaka ang mahal niya naman si Cindy……hindi ako. “I….” kinakabahan ako sa sasabihin niya. Mas lalo akong nagulat sa sinabi niya.
(A: Ano kaya yung sinabi ni Ivan? Let’s see sa next chapter! ^_^)
BINABASA MO ANG
Ako at Ang Masungit na Board Chairman
Novela JuvenilImposible kayang magkagusto ang board chairman sa kanyang estudyante? Oo, imposible PERO paano kung ESTUDYANTE din ang board chairman? Paano na? Mai-inlove kaya sila sa isa't isa? Magkakainitan ba? Let's see kung ano nga talaga ang story between t...