Angella’s POV
Dumating na ang gabi na dapat na kami umuuwi kaya lang ‘tong malditang babaitang ‘to na ang pangalan ay Cindy, ang dami pang shina-shopping. Eh yung bodyguard niya nga eh ang dami ng bitbit. Hindi ko na pinigilan maiinis.
“Cindy, kailan pa ba tayo titigil kaka-shopping mo ha?!” taray na tanong ko sa kanya.
“So what?! Go home if you want! I want to spend this day all along with Ivan so, shut the hell up! Idiot!” sigaw na sagot niya sa’kin at tumalikod.
Wala na akong nasabi nun dahil baka lalo pang gumawa ng gulo ‘tong si Cindy. Hindi lang gulo pati gera pa nga ata eh. Nagbuntong hininga na lang ako. Ang sakit kasi ng paa ko eh kanina pa kami palakad-lakad.
“Gusto mo i-piggy back kita?” ngiting tanong naman sa’kin ni Carlo.
“H-ha?! Ayoko nga! Ang bigat-bigat ko ata noh tsaka nakakahiya.” sagot ko naman sa kanya.
“Ok.” ngiting sagot naman niya sa’kin.
Ang bait talaga ni Carlo. Bulag talaga minsan ang mga babae sa pag-ibig pero lalong ganun din yung mga lalaki nuh.
“Hey! You two, we’re going to eat na! Come on! Hurry up!” sigaw naman sa’min ni Cindy
Tumakbo na kami kasi hindi namin napansin na ang layo-layo na pala nila sa’min. Pumunta kami sa isang mahahaling restaurant. Ang ganda ng aura dito. May classic music, cream color yung kulay ng restaurant at ang mamahal pa ng pagkain!
“Haaay! Salamat! Nakaupo rin sa upuan.” relax na sabi ko.
“Hey, Pig! We’re not going to relax here. We’re going to eat!” taray na sabi naman sa’kin ni Cindy.
'Lang hiya talaga ugali nitong bruhang ‘to. Sabihan pa ba naman ako ng ‘pig’.
“Hindi ako dito kakain! Sa mcdo na lang ako!” taray na sagot ko sa kanya.
Pasalamat siya pagod ako kundi nasampal ko ‘to ng todo. Tumayo ako sa kinauupuan ko. Paalis na sana ako nang bigla akong hilain sa kamay ni Ivan.
“I’ll go with her.” paalam niya kay na Cindy at Carlo at hinila ang kamay ko palabas ng restaurant pero biglang hinila ni Cindy yung braso ni Ivan.
“Ivan! Di ba tayo ang dapat mag date ngayon kasi deal yun sa PRETEND date?” tanong niya kay Ivan.
“I’m sorry. But I cannot leave my REAL girlfriend all alone, right? Bye.” at tuluyan na naming iniwan ang dalawa dun sa restaurant.
Nung papunta na kami sa Mcdonalds, hindi ko namalayan na nakahawak pala ang kamay ni Ivan. Nung nasa Mcdonalds na kami, binitiwan niya na yung kamay ko at dun ko naisip na,
“Please don’t let go of my hand.”
Hindi ko alam na naisip ko yun at bigla akong napatakip sa bibig ko.
“Oy, babae! Anong order mo?” tanong niya sa’kin na nakalingon.
Unti unti ko na binaba yung kamay ko pero, yung isa kong kamay na may daliri nakahawak sa puso ko sa may dibdib bigla siyang nagulat. May dumi ba ko sa mukha?
Ivan’s POV
Nabigla ako nung tiningnan ko yung mukha niya dahil hindi ko inaasahan na magiging cute yung mukha niya at namumula.
*dugdugdugdugdug*
In that moment, she makes my heart skipped again and she makes me want to kiss her again. Why AGAIN?
BINABASA MO ANG
Ako at Ang Masungit na Board Chairman
Teen FictionImposible kayang magkagusto ang board chairman sa kanyang estudyante? Oo, imposible PERO paano kung ESTUDYANTE din ang board chairman? Paano na? Mai-inlove kaya sila sa isa't isa? Magkakainitan ba? Let's see kung ano nga talaga ang story between t...