Chapter 19

190 5 0
                                    

Psh! Kaasar yung Bakulaw na yun! Hindi ako makatulog dahil sa kanya! Kung tinatanong niyo kung bakit? Eto ang flashback.

“I....” tigil niyang sabi sa’kin

“can’t....” dagdag pa niya,

Engot ba ‘tong lalaking ‘to! “At bakit naman ayaw mo ha?” taray na tanong ko sa kanya “Maybe I fell in love with you?” ngising sabi niya sa’kin at bigla naman uminit yung mukha ko “Just kidding! Hahahaha! Bye” at sinarado niya na yung pinto ng kotse at umalis.

Walang hiya yung lalaking yun!

Jerk!

Stupid!

Moron!

And most of all, BAKULAW!

Kaasar siya magjo-joke na nga lang, hindi pa maganda!

Kumuha na lang ako ng book sa bookshelf sa kwarto ko. Ano kaya ang babasahin ko? Hmm...eto na nga lang...A Kiss in the Rain by J.C. Quin. Nagbasa na lang ako hanggang makatulog ako. Eto ag hobby ko talaga magbasa ng wattpad books. Nakakaiyak naman ‘tong kwento na ‘to! Nakakaasar! Pero ang ganda pa rin kasi sa kabilang mundo na lang sila tuluyang nagmahal.

Hindi ko na namalayan na 1 am na kaya tinanggal ko ang salamin ko at natulog na. Hindi ko pa ba sinasabi sa inyo na nagsasalamin ako pag nagbabasa? Oo, nagsasalamin ako tuwing nagbabasa kasi tamad ako eh pag magbabasa ng libro nakahiga pa eh. Hahaha! Corny ko noh? At tuluyang nakatulog na ako.

(_ _) (-_-) (_ _) (-_-) *blink. blink*

O___________________________O

Shocks! Hindi ako nagising! Tiningnan ko yung alarm clock at holy cheese! 7:30 am na! Kaya naligo at nag prepare na ako at bumaba na papunta sa table. Halos nga hindi ko na narinig si Lolo at Lola sa mga sinasabi nila eh. “Alis na po ako!” sigaw ko sa kanila at nagmamadaling magsuot ng sapatos. “Ingat ka, apo!” sagot nila sa’kin at lumabas na ako sa bahay at todo run na ako papunta sa school.

Phew! Buzzer Beater! Grabe! Umabot ako sa pagiging late. Okay na sana ako kaya lang may naalala ako. Shocks! Homeroom nga pala! Nung pagkabukas ko ng pinto eh buti wala pa si Ms Roxan. [Yo!] Ay leshe! Bigla pa ba naman akong bulungan at hipan sa tenga! ‘Lang hiya! Nung paglingon ko sa kanya eh sinumbatan ko kaagad “Bakit mo ako hinipan sa te-“ naputol yung mga sasabihin ko nung makita ko yung mukha ni Bakulaw este ni Ivan pala. Iniwas ko na lang yung tingin ko kasi hindi ko alam at yung drums sa puso ko eh ang bilis bilis. Dumeretso na lang ako sa upuan ko. Buti hindi ko na katabi yung bakulaw na yun kundi hindi ko na alam ang gagawin ko.

 Nung pumasok na si Ms Roxan eh lahat kami bumalik na sa kanya-kanyang upuan at classrooms. Yung iba pa nga eh ang landi, pupunta pa dito katulad nung isa dun. Si Cindy. Naiinis na talaga ako. Kung sila na, bakit ayaw pa rin i-call off nang bakulaw na yun yung gf-bf thingy? Kaasar naman oh! Parang ako yung nagmumukhang kabit dito eh. Ako na nga lang kaya ang mag-call off? Ayyy Naku! Wag na nga! Bahala na! “Class, it’s Tuesday now so, I’m going to announce that RE Academy is now a boarding school as the chairman says. All who is not going to agree with it, may now leave the Academy but please write your name here” at may ipinakita si Ms Roxan na paper na nakasulat sa taas na ‘List of Students who will leave the Academy’ “Clarifications or Suggestions and Who will leave the Academy, please come to me at the faculty office after class ok? Please go to your English subject now for your film viewing!” pagkasabi na pagkasabi ni Ms Roxan nun eh lahat na kami nagsitayuan “Angella! Sabay tayo pumunta doon!” sabi sa’kin agad ni Amy na nasa harapan ko na “Ako rin! Ako rin! Sama ako!” sabay sigaw naman ni Nathan at pamatching-matching ‘raise your hand’ pa “Ok lang sa’kin!” sabi ko sa kanilang dalawa “Che! Wag ka na! Shupi!” taboy ni Amy kay Nathan “Ehh!!” sigaw naman ni Nathan at pumunta sa gilid ng classroom sa may sulok at nagmumukmok. Napatawa na lang kami ni Amy at inasar niya tuloy. Nung nag-aasaran sila, natatawa na lang ako ng biglang may yumakap sa’kin mula sa likod. Sigurado si Ivan ‘to! Haay! Bigla ko naman naalala yung nangyari sa kotse na nag-confess siya kay Cindy. Hindi ko alam pero bigla ko na lang siya tinulak malayo sa’kin at nung pagtingin ko sa kanya eh shock siya “So-sorry! Ikaw naman kasi eh bigla-bigla ka pa ba naman manggulat!” sabi ko sa kanya at inalis ko na yung kamay ko sa dibdib niya. “Fine but can I go with you?” tanong niya sa’kin “Sure!” ngiting sabi ko sa kanya.

Sa katahimikan sa aming apat eh bigla nagsalita si Ivan “Amy, oo nga pala di ba may engagement kayo sa Saturday ni Nathan?” sabi niya habang naglalakad kami papunta sa auditorium “EH???!!!!!!-” sigaw ko ng malakas at biglang tinakip ni Ivan yung kamay niya sa bibig ko. Eh sino pa ba naman hindi magugulat kung yung best friend mo at yung kaibigan mo eh ie-engage na? “Wait. Alam mo na, na kami na ni Amy at mag fiancé kami?” pagtatakang tanong sa’kin ni Nathan at tinanggal na ni Ivan yung kamay niya sa bibig ko “Sinabi sa’kin ni Amy” pagtatakang tanong ko sa kanya. Bakit kaya nila tinatago yun? “Amy! Bakit mo sinabi?! Kanino mo pa yan sinabi ha?!” halos malakas na sigaw ni Nathan kay Amy. Aba aba! Maka-asta ‘to ah! “Sa kanya lang naman eh!” reklamong sagot ni Amy sa kanya. Gusto na sana sumagot ni Nathan at parang galit siya? Pagkatapos nun eh, nag walk-out si Nathan. Anong problema nun? Masama ba kung malaman ko o ng lahat? Dahil sa nacu-curious ako eh tinanong ko siya “Amy, bakit niyo tinatago sa lahat?” tanong ko kay Amy “Kasi....madami siyang fan girls. Gusto niya daw ako ma-protektahan sa kanila” sagot sa’kin ni Amy na nakayuko. Sigurado akong malungkot yan. Buti nakarating kami sa auditorium pero pagkapasok na pagkapasok naming tatlo eh ang daming kinikilig sa loob pero masama pakiramdam ko dito para bang ayaw kong pumasok. Hindi ko nga alam kung bakit eh. Pagbukas namin ng pinto, sa di inaasahang pangyayari eh nakita naming may......

O__________________________________O

kahalikan si Nathan? At ang di ko paine-expect eh siya ang top 5, si Alexis.

Top 10 students (By Rank)

1. Ivan

2. Angella

3. Nathan

4. Amy

5. Alexis

6. Cindy

7. Carlo

8. Len

Hindi ko alam kung sino yung 9 and 10.

Back to present tayo. Nung pagkatingin ko kay Amy, umiiyak  na siya.  Tumutulo na yung luha niya at yung dalawa niyang kamay eh nasa bibig niya na. Pagkatingin ko dun kay Nathan eh bigla siyang nagulat at hinatak si Alexis sa pagkakahalik at tumakbo palapit sa’min “Amy, this is not what you think” naputol ang mga salita niya nung bigla siyang sinampal ni Amy “Not to think you’re fooling me? Ha! So, kaya mo pala ayaw ikalat ko yung mag fiancé tayo kasi kayo ni Alexis then I’m going to do it now!” sabi ni Amy kay Nathan na umiiyak at pumunta sa stage na pwede na marinig yung sasabihin niya sa buong auditorium “Guys! Me and Nathan WERE fiancé but due to circumstances we ARE not now!” sigaw niya sa stage at pumunta sa harap naming tatlo “Happy?” ngiti niyang tanong kay Nathan pero ibang ngiti, ngiting malungkot na may luha pa sa mata. Tumakbo si Amy palabas ng auditorium at paalis na sana ako ng biglang nagsalita ‘tong Alexis na ‘to “Best for them!” sarcastic niyang sabi at halata namang nagpaparinig siya. Sasampalin ko na sana siya pero biglang may sumampal sa kanya, si............

O__________________________O

Ivan?!

Ako at Ang Masungit na Board ChairmanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon