Chapter 1

2.7K 40 2
                                    

REGINA

Kung mayroon mang bagay sa mundo na pinakaaway gawin ni Regina, yun ay ang sumakay ng eroplano kaya't hanggat maaari ay iniiwasan niyang sumakay ng eroplano.

Sa araw na ito, hinarap niya ang takot niya dahil kailangan niyang pumunta sa Palawan para sa kasal ng isa sa mga matalik niyang kaibigan. Nangako kasi siya sa kaibigan niyang si Caitlin na pupunta siya sa kasal kahit gaano man katindi ang takot niyang sumakay ng eroplano.

Hindi ito first time ni Regina. Sa katunayan, noong nabubuhay pa ang kanyang daddy ay lagi siyang nakakasakay ng eroplano dahil hilig nilang pamilya ang pagttravel.

Ngunit simula ng mamatay ang daddy niya sa isang plane crash, nagkaroon na siya ng takot sa pagsakay ng eroplano.

Nang buksan ni Regina ang kanyang mga mata mula sa mataimtim na pagdadasal, nakita niya na dumating na ang katabi niya sa eroplano, isang lalaki. Kahit na naka-shades ang lalaki, makikita pa rin si hugis na mukha nito ang angking kagwapuhan.

Napalingon ang lalaki kay Regina kaya napilitang ngumiti ni Regina dito. Ngunit hindi binalik ng lalaki ang ngiti kay Regina imbes ay tumingin ang lalaki sa harap sabay nagsuot ng earphone.

Suplado! Naisip ni Regina. Ngunit hindi na niya pinansin ang attitude ng lalaki dahil nag-announce na ang flight attendant na ready for takeoff na ang eroplano.

Bumalik sa pgdadasal si Regina dahil umatake ulit ang kaba niya.

NATHAN

Napansin ni Nathan ang babaeng katabi niya, lalo na ang angking kagandahan nito. Napalingon siya dito nung pagkaupo niya sa seat niya at nakita niya na nginitian siya ng babae. Pero sa di malamang dahilan ni Nathan, hindi niya sinoli ang ngiti ng babae.

Nahalata ni Nathan na kinakabahan ang babae. Inisip niya na baka first time niyong sumakay ng eroplano.

Nakapikit si Nathan habang nakasandal sa upuan. Suot niya ang kanyang earphone pero hindi naman talaga siya nakikinig ng tugtog. Nakasanayan na niyang magsuot ng earphone sa eroplano dahil ayaw niyang may mag-iniate ng usapan sa mga katabi niya.

From time to time ay pasimple niyang sinusulyapan ang babae. Simula noong nagtake off sila ay nagdadasal ang babaeng katabi. Nakaramdam siyang konting awa dito dahil halatang takot na takot ito sa eroplano.

Naisip ni Nathan na baka kung hindi first time ng babae sa eroplano ay baka may motion sickness ito. Natakot siya dahil baka biglang sumaka ang katabi niya.

Mag-iisang oras na sila sa ere kaya alam ni Nathan na malapit na silang makarating. Inaantay nalang niya ang anouncement ng piloto na sila ay mag dedescend na.

Ngunit, bago pa makapag-announce ang piloto, biglang bumagsak ang height ng eroplano. Naramdaman ni Nathan ang discomfort sa tiyan niya. Nagulat siya at kinabahan.

Ilang segundo lamang nangyari ang change of height ng eroplano. Nag steady din ito agad sa ere.

Kung kinabahan si Nathan sa biglaang pagbaba ng height ng plane, wala ito sa kaba na halatang naramdaman ng katabi niyang babae. Narinig din niya na medyo napasigaw ito kanina.

Pinagmasdan ni Nathan ang babae. Nakapikit ito at nagdadasal. May luha din sa mga mata nito.

Sa paligid naman nila, maririnig ang indistinct na boses ng iba pang mga pasahero. Mayroong mga umiiyak, lalong lalo na ang mga bata.

Ibinalik ni Nathan ang atensyon niya sa babae. Tahimik pa din ito at nagdadasal. Kakausapin na sana ito ni Nathan nang biglang may sumigay na pasareho. "Aaaahhhhh!!! May usok sa wing ng plane! Diyos ko po! Mag ccrash ata tayo!"

If OnlyHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin