REGINA
Nagising si Regina na may ngiti sa kanyang mga labi. Panaginip lang ba ang lahat? Okay na nga ba talaga sila ni Nathan?
Tiningnan niya ang kanyang cellphone para i-check. Hindi nga talaga yun panaginip. Niyakap niya ang kanyang cellphone habang nakangiti at kinikilig.
Pagkaraan ng ilang minuto, nagpasya na siyang bumaba.
Muntikan nang napasigaw si Regina nang buksan niya ang pinto at bumungad sa kanya si Nathan na nasa aktong kakatok ng kanyang pintuan.
"Good morning," nakangiting bati nito sa kanya.
"Nakakagulat ka naman. Ano ang ginagawa mo dito?", tanong niya habang hawak-hawak ang kaliwang bahagi ng dibidib.
"Para sunduin ka," sabi nito sabay hawak sa kamay ni Regina.
Ngumiti naman si Regina sa kanya. Inakay siya ni Nathan pababa ng mansion habang magkahawak ang kanilang mga kamay.
Hindi maipaliwanag ni Regina ang nararamdaman niyang kilig habang magkahawak ang kanilang mga kamay.
"Good mor--", naputol ang pagbati ni Aling Pacita nang makita nito ang magkahawak na kamay nina Regina at Nathan.
Umaktong babawiin ni Regina ang kamay mula kay Nathan pero hinigpitan ng binata ang hawak sa kamay niya.
"Good morning, Yaya," bati nito sa matanda.
"Kayo na ba?", biglang tanong ni Aling Pacita.
Nahiya naman si Regina kaya sinubukan ulit bawiin ang kamay niya, pero humigpit lalo ang hawak ni Nathan.
"Hindi pa nga po eh. Hindi pa po ako sinasagot ni Regina," sabi ni Nathan. "Kaya liligawan ko po siya araw-araw."
Pulang-pula na sa hiya si Regina. Hindi pa siya handa na malaman ng ibang tao ang tungkol sa kanila ni Nathan.
"Sinasabi ko na nga ba at siya yung tinutukoy mong babae na mahal mo eh!", nakangiting sabi ni Aling Pacita. "Naku, Ms. Reg, sagutin mo na tong alaga ko. Kilalang-kilala ko 'tong batang to at alam kong hindi ka magsisisi."
Nahihiyang ngumiti na lamang si Regina.
Pakatapos noon ay kumain na sila ng agahan ni Nathan. Natutuwa si Regina sa ka-sweetan sa kanya ng binata.
Nagpunta na sila ni Nathan sa Villa Margarita Diner para i-meet si Simon. Pagdating nila doon, wala pa ang katagpo nila.
Kinakabahan, pero at the same time ay excited, si Regina habang naghihintay kay Simon. Tila napansin naman ito ni Nathan.
"Are you okay?", tanong nito.
"Oo, ok lang ako. Medyo kinakabahan lang."
"It will be fine", pag-comfort sa kanya ni Nathan sabay hawak ng kamay niya.
Nagawi ang mata ni Regina sa may pinto ng diner nang may pumasok na lalaki. Hindi man nila nakita dati sa personal si Simon, hindi siya maaring magkamali na makilala ito base sa painting ni Ysabelle dahil tila kuhang-kuha ni Ysabelle ang bawat detalye ng mukha ng lalaking iniirog nito.
Tumayo si Regina kaya napalingon din si Nathan sa pintuan.
Tila nakuha naman ni Regina ang atensyon ni Simon nang tumayo siya kayo lumapit ito sa table nila.
"Simon?", tanong ni Regina.
"Oo. Ikaw ba si Regina?," tanong din nito.
Tumango si Regina. "At siya naman si Nathan. Kaibigan ni Ysabelle."
ŞİMDİ OKUDUĞUN
If Only
RomanceA love story of two people who met each other when both are in serious relationship. Will this meeting change one another's life? Parehas na nasa serious relationship sina Regina at Nathaniel nang magtagpo ang mga landas nila sa isang kamuntikang tr...