Regina's Text Conversation with Beth
Beth: Beh, ano tong narinig ko na magleleave ka raw? Bakit?
Regina: Oo. Wala lang.
B: Wala lang? Dahil ba to sa tsismis na kumakalat sa office?
R: Tsismis? Anong tsismis?
B: Ayyy. So hindi ito about dun sa tsismis?
R: Ano bang narinig mo?
B: Yung about sa inyo ni Sir Nathan.
B: Hoi?? Hindi ka na nagreply. Totoo ba yun, Reg?
R: Ano ba ang narinig mo?
B: Na may relasyon daw kayo. Yun ang pinapakalat ni Tina rito sa office.
R: Hindi totoo yun. Wala kaming relasyon.
B: Ok. Mas naniniwala naman ako sayo kaysa kay Tina.
B: Pero beh, may something ba?
B: Beh???Regina's Text Conversation with Stella
Stella: Reg, pinapasabi ni Maam Mariz na approved na raw yung leave mo.
Regina: Ok. Thank you po, Maam.
S: Pero pinapasabi rin niya na kailangan mo raw pumunta sa pagbubukas ng Ysabelle's sa Saturday.
R: Po? Bakit po? Obliged po ba tayong lahat?
S: Hindi naman. Pero sabi niya kailangan mo raw pumunta.
R: Pwede po bang pass po ako?
S: Naku Reg, sabi kasi ni Maam Mariz, kay Mr. Avena raw nanggaling yung invitation. Siya raw nagsabi na kailangan mong pumunta dun.REGINA
Madaling araw ng Sabado nang maalimpungatan na naman si Regina dahil sa kanyang panaginip. Nitong mga nakaraang araw mas napapadalas ang pagdalaw ni Ysabelle sa kanyang panaginip.
Kapareho pa rin ng dati ang panaginip ni Regina. Nagigising pa rin siya kapag sinusubukan niyang buksan ang secret compartment na gustong pabuksan sa kanya ni Ysabelle.
Naalala niya na ngayon na pala magbubukas ang Ysabelle's. Ayaw sana niyang pumunta dahil mas naalala lamang niya si Nathan dahil rito ngunit wala naman siyang magawa dahil hindi niya matanggihan ang CEO ng Avena.
Bandang hapon naka schedule ang opening ng Ysabelle's. Dumating siya ng maaga kaya naabutan pa niya ang ribbon cutting na pinamunuan ni Mr. Avena.
Kasama niya sa table sina Maam Stella at Maam Mariz kaya kahit papaano ay may nakakausap siya.
Papunta siya ng Comfort Room nang bigla niyang nakasalubong si Mr. Avena.
"Ms. Montez," tawag sa kanya ni Mr. Avena. "I'm glad you could make it. I heard that you were on leave?"
"Good evening po. Opo, Sir. And thank you po for inviting me."
"Of course. You're the mind behind all of these. So hindi mo talaga ito maaring ma-miss," nakangiting sabi nito. "You and Nathan made all these possible."
Ngumiti lamang si Regina. May kung anong kurot siyang naramdaman sa puso niya nang banggitin ni Mr. Avena si Nathan.
"I called Nathan. I asked him to come but he said he couldn't make it," sabi pa ni Mr. Avena.
Ngiti lang ulit ang sagot ni Regina.
"Anyway, thank you again, Ms. Montez, for coming."
"It's my pleasure po, Sir," tipid na sagot ni Regina.
Nang palayo na si Regina ay bigla siyang tinawag ulit ni Mr. Avena. "Ms. Montez," tawag nito sabay lapit sa kanya.
"Po?"
"Nathan mentioned before that you dreamt about Ysabelle?"
"Ah opo. Palagi ko po siyang napapanaginipan since nung mabasa namin yung letter ni Simon."
ŞİMDİ OKUDUĞUN
If Only
RomanceA love story of two people who met each other when both are in serious relationship. Will this meeting change one another's life? Parehas na nasa serious relationship sina Regina at Nathaniel nang magtagpo ang mga landas nila sa isang kamuntikang tr...