REGINA
Pinunasan ni Regina ang kanyang mga luha nang matapos niyang basahin ang diary ni Ysabelle. Hindi niya napigilang umiyak sa mga nabasa niya.
Nalungkot siya para kay Ysabelle at Simon. Naramdaman niya na mahal na mahal nila ang isa't isa ngunit pinili ni Ysabelle na huwag ipaglaban iyon alang-alang kay Simon.
Bago siya natulog, nakapag-desisyon si Regina na hahanapin niya si Simon kahit ano ang mangyari – para kay Ysabelle. Pakiramdam niya, kaya niya napapanaginipan si Ysabelle ay dahil iyon ang gusto nitong gawin niya -- ang iparating kay Simon na totoong minahal niya ito hanggang sa kanyang huling hininga.
Ilang oras ding naglaro sa isip ni Regina ang mga nabasa sa journal bago siya tuluyang nakatulog, yakap-yakap ang journal ni Ysabelle.
Kinabukasan, nagising si Regina na may luha sa kanyang nga mata. Hindi niya napaniginipan si Ysabelle ngunit naalala niya ang mga natuklasan niya sa journal ng dalaga.
Dali-dali siyang naligo ay nagbihis. Determinado siya na simulan ang paghahanap kay Simon.
Bago siya bumaba sa dining area, dumaan muna siya sa kwarto ni Ysabelle. Pumunta siya sa library nito at doon niya in-examine ang sahig. Agad niyang napansin ang floorboard kung saan nakalagay ang portrait ni Simon.
Binuksan niya ito at kinuha ang portrait. Pinagmasdan niya ito. Namangha siya sa galing ni Ysabelle na magpinta. Kung sakto ang pagkakapinta nito kay Simon, makikita sa portrait na isa itong gwapo at matipunong lalaki. Kapansin-pansin din ang background ng portrait at narealize niya na ito yung batis na napuntahan nila noon ni Nathan malapit sa paanan ng Mt. Isarog.
Matagal niyang pinagmasdan ang painting, hanggang sa maramdaman niya ang pagkalam ng kanyang sikmura. Alas 10 na ng umaga pero hindi pa rin siya nag-aalmusal. Kaya naman, nagpasya na siyang bumaba sa dining area para kumain.
Pagdating niya sa dining area, napansin niya agad na nagluto na ng agahan si Aling Pacita. Katakam-takam ang amoy na nanggaling sa mga hinain ng matandang babae sa table.
Ngunit hindi lang iyon ang napansin ni Regina. Napansin rin niya na may kausap si Aling Pacita sa table. Nakatalikod ang taong ito pero kilalang-kilala ito ni Regina. Sakali mang hindi ito nakikilala ng kanyang mata, tiyak niyang nakilala ito ng puso niya, lalo pa at ramdam niya ang pagbilis ng tibok nito.
"Ms. Regina! Gising ka na pala. Halika, pinaghanda kita ng almusal," tawag sa kanya ni Aling Pacita nang mapansin nito na nakatayo siya sa may pintuan.
Noon din ay napalingon sa kanya si Nathan.
REGINA
"Ms. Reg, halika na," tawag ulit sa kanya ni Aling Pacita nang hindi siya gumalaw mula sa kinatatayuan niya.
"Uhmm... Hindi na po, Aling Pacita. May kailangan din po kasi akong puntahan sa bayan. Salamat na lang ho," sabi na lang niya. "Saka hindi pa naman po ako nagugutom," pagsisinungaling niya. Ngunit tila nagrereklamo na ang sikmura niya dahil pagkatapos niyang sabihin iyon, tumunog ito ng malakas na alam niyang narinig ni Nathan dahil napansin niyang napangiti ito.
"Naku, masamang magpagutom, Ms. Reg. Saka sayang naman tong mga niluto ko para sayo," pagpipilit ni Aling Pacita.
Dahil nahiya siya sa matandang babae, wala nang nagawa si Regina kundi sumunod na lamang. Wala ding choice si Regina kundi ang umupo sa tapat ni Nathan dahil doon nilagay ni Aling Pacita ang plato na hinanda nito para sa kanya.
Iniwasan niyang tumingin kay Nathan ngunit ramdam na ramdam niya na nakatingin ito sa kanya.
"O, balik tayo sa usapan natin, Sir Nathan. Kumusta ka na at nung babaeng kinuwento mo? Kayo na ba?", tanong rito ni Aling Pacita.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
If Only
RomanceA love story of two people who met each other when both are in serious relationship. Will this meeting change one another's life? Parehas na nasa serious relationship sina Regina at Nathaniel nang magtagpo ang mga landas nila sa isang kamuntikang tr...