Chapter 19

319 12 2
                                    

Will edit this later

Conversation with nathan
- "It is both a blessing and a curse, to feel everything so very deeply".
- Ano yan? Para ba ulit sa akin yan? Hahaha
- Maybe its for me.
- Bakit? May pinagdadaanan ka ba?
- Wala naman.
- Ang labo. Haha.
- Btw, naiwan mo ang purse mo sa car kanina.
- Ah oo nga. Dapat nga itetext kita, naunahan mo lang ako. 😁
- So kumusta kayo ni Josh?
- Ok na kami. :)
- Ah ok. Good to know.
- Sige, matulog ka na. Good night.
- Good night! See you! 😊

Conversation with Joshua
- Bi, wala na si Lolo. :(
- Ha? Condolence, bi. 😢 Pasabi din kay tita.
- Okay ka lang ba? Si tita?
- Ayun, iyak siya ng iyak. Hinanda naman na namin ang mga sarili namin dati pa pero iba pa rin talaga pag nangyari na. 😭
- Bi, saan ka? Pupuntahan kita.
- Paalis na kami ng bahay, bi. Uuwi kami ng probinsya. Iuuwi namin doon si lolo.
- Samahan ko kayo. Magpapaalam ako kung pwede akong mag leave.
- Hindi na, Bi. Kakaapprove lang ng proposal mo kaya alam kong madami ka pang gagawin. Alam kong busy ka.
- Atsaka bi, kahit nagseselos ako dun sa boss mo, proud ako sayo. At gusto kong mag progress ka sa career mo.
- Kapag nagleave ka ngayon na pasimula pa lang ang 1st big project mo, baka mabadtrip ang mga boss mo sayo. Kaya ok lang bi kahit di ka na sumama.
- Sigurado ka?
- Oo bi.
- Okay sige.
- Kelan ka babalik?
- Siguro after 2 weeks. Gustuhin ko man magtagal dun sa probinsya para samahan si mama, hindi pwede dahil magsisimula na ako sa Belleza sa  in 2 weeks.
- Ok sige bi. Mag-iingat kayo. At condolence ulit. Ipagdadasal ko ang family niyo.
- Thank you, bi. I love you!
- I love you too.

Regina

Tama nga si Joshua na magiging abala sila sa pagsisimulanng pagsagawa ng Ysabelle's. Kahit na may iba na siyang projects na nakaassign sa kanya, pinakatinututukan pa rin niya ang Ysabelle's.

Hindi na sila masyadong nakakapag-usap ni Nathan dahil busy din ito. Sobrang busy nga din talaga nito kaya hindi na din ito nakakapagtext kay Regina maliban sa mga work-related stuffs.

Dahil nakasanayan na ni Regina na lagi siyang tinitext ni Nathan noong mga nakaraang araw, lagi niyang chinicheck ang phone niya kung nagtext ba ito. Hindi niya mapigilang makakaramdam ng konting pagkadismaya kapag ang mga texts lang ni Joshua ang natatanggap niya.

Ngunit bago matapos ang linggo ay nabigyan sila ng pagkakataon na makapag-usap ni Nathan nang magkasabay sila sa elevator.

"Hi," bati niya.

"Hi," bati din ni Nathan.

"Kumusta ka na? Masyado ka atang busy ah. Hindi na tayo nakapag-usap," sabi niya.

"Ah oo. May mga importanteng bagay lang akong ginagawa", sabi ni Nathan.

"Wala ka nang maisip na quote?", patawang sabi ni Regina.

"Hmm? Oo, I run outbof quote," sabi nito.

"May google naman ah," patawa pa ding sabi ni Regina.

"Yeah, well I got busy, so..."

"Ah okay," sabi nalang ni Regina. Naramdaman niya na ayaw siyang kausap ni Nathan. Gusto niyang itanong sa kanya kung ano ang problem, kung bakit na naman siya iniiwasan nito pero ayaw naman niyang masabihan na assumera so hindi nalang siya nagsalita.

Awkward silence. Yan ang namagitan aa kanila ni Nathan.

"Susunduin ka ba ng boyfriend mo?", tanong ni Nathan nang nakalabas na sila ng elevator.

"Ah hindi. Wala siya. Umuwi ng probinsya dahil namatay ang lolo niya."

"Talaga? Condolence," sabi nito. "May kasabay ka bang pauwi?"

If OnlyHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin