Chapter 25

1.6K 92 31
                                    

Regina's Text Conversation with Nathan

Nathan: I'm sorry, Reg. I didn't want to complicate things between you and Joshua.
Regina: And yet somehow, you did.
N: I'm really sorry.
R: Ano ba talaga, Nathan? May girlfriend ka di ba? Hindi mo ba siya naiisip? Hindi ka ba naguguilty? Kasi ako kahit wala pa naman talaga tayong ginagawa, nagui-guilty ako towards Josh eh.
N: I do. But Reg, I really can't help how I feel.
R: Sinabi mo ba yan sa girlfriend mo?
N: No. I'm planning to but I just couldn't find the right time to tell her. She's away, and I wanted to talk to her in person.
N: Do you want me to tell her about you?
R: Bakit ako ang tinatanong mo? Kung gusto mo siyang kausapin, then so be it.
N: Galit ka ba?
R: Pwede bang wag mo muna akong itext? Sa totoo lang, Nathan, gulong-gulo na kasi talaga ako eh. Masisiraan na ako ng bait dahil sa situation natin. So please, bigyan mo ako ng time na mag-isip tungkol sa mga bagay-bagay.
R: Mahal ko si Joshua at ayaw ko talaga siyang saktan.
N: I'm sorry.
N: Okay. I'll stay away from you for now if that's what you really want.

REGINA

Walang pasok si Regina dahil Sabado kaya buong araw siyang nagkulong sa kwarto niya. Hindi niya chinicheck ang phone niya kahit na kanina pa ito tumutunog.

Alam niyang nag-aalala na ang Mama niya sa kanya dahil ilang beses itong pumunta sa kwarto niya para kumustahin. Ilang beses din nitong inutusan ang mga kapatid niyang sina Ric at Rachel para kausapin o tawagin siya.

Isang beses ay kumatok pa ulit ang Mama niya sa pinto niya saka pumasok.

"Anak, andyan si Joshua sa baba", sabi nito.

"Ma, ayaw ko muna siyang makausap", sabi niya.

"Ano ba talaga ang nangyayari sa inyo, Anak? Ano ba ang pinag-awayan niyong dalawa?", tanong nito.

Hindi sumagot si Regina.

"Yung boss mo na naman ba?"

Bumuntong hininga siya at bumangon mula sa pagkakahiga niya, ngunit hindi siya sumagot.

"Ano ba talaga ang nangyayari?"

Hindi agad nagsalita si Regina. Sa halip na sumagot at may tinanong siya sa Mama niya. "Ma, paano mo nalaman na si Papa na pala yung para sa'yo?"

Ngumiti muna ang nanay niya saka umupo sa tabi niya.

Bumuntong hininga rin ang Mama niya sabay hawak sa kamay niya. "Anak, ang hirap naman ng tanong mo."

Naguluhan si Regina sa sagot ng Mama niya. "Bakit po? Hindi niyo po ba agad nalaman?"

"Anak, gusto ko man sanang sabihin sayo na nalaman ko agad, hindi eh. Si Papa mo ang boyfriend ko since noong high school ako, siya ang una kong boyfriend, actually. Parang kayo ni Joshua. Pero, maraming pagsubok ang dumating sa relasyon namin. Ilang beses din kaming naghiwalay ng Papa mo bago kami nagpakasal", kwento ng Mama niya.

"Ano pong mga pagsubok, Ma?"

"Well, the usual. Incompatibility of personalities, differences, third parties --".

"May third party po? Nagmahal po kayo ng iba?", gulat na tanong ni Regina. Never niyang narinig ang ganitong side ng story ng parents niya. Ang alam lang niya ay high school sweethearts sila at 1st girlfriend/boyfriend nila ang isa't isa.

Nag-isip muna ang Mama niya. "Oo. Mayroon naman. Or I thought so at the time. Ganoon din naman ang Papa mo. May naging ibang karelasyon din naman siya."

If OnlyHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin