Chapter 35

772 74 17
                                    

REGINA


Nasa kwarto siya ni Ysabelle at binabasang muli ang diary nito nang makita siya ni Nathan.

"How many times have you read that?", tanong nito.

Ngumiti lamang siya kay Nathan.

Tumabi sa kanya si Nathan sa sofa. "Thank you..."

"Para saan?", tanong ni Regina.

"For caring so much about Ysabelle," sabi ni Nathan.

"Siguro dahil nakikita ko ang sarili ko kay Ysabelle. Magkatulad kami in some ways.."

"Yeah. You are very similar with her in many ways," pag-sang-ayon ni Nathan. "I guess that's one of the reasons why I am drawn to you".

Iniwas ni Regina ang mga mata niya kay Nathan.

"But that is not the reason why I really like you, Reg. I like you because you're you. Dahil ikaw lang ang tanging babae na nakapagpa--"

"Nathan! Please huwag mo nang ituloy. Ginugulo mo lang ang isip at puso ko. Please. Hirap na hirap na ako...", umiiyak na pagmamakaawa ni Regina. Lumayo rin siya kay Nathan saka tumalikod.

"Reg, bakit mo ba ako pinipigilan na sabihin sayo ang nararamdaman ko?", tanong ni Nathan.

"Bakit mo ba to ginagawa? Natutuwa ka ba na nagugulo mo ang puso ko? Natutuwa ka ba na ginagawa mo rin yun kay KC? Na niloloko mo siya? Kasi ako, hindi ako natutuwa na ginagamit mo ako para lokohin ang girlfriend mo. Sapat nang kay Joshua ako nagkasala at ayaw ko nang madagdagan ang mga kasalanan ko. Kaya please, Nathan, utang na loob. Tigilan mo na ang pagsasabi ng mga bagay na nagpapagulo sa puso ko!"

"Reg, hindi kita ginugulo." Hinawakan ni Nathan ang kamay ni Regina. Sinubukan ni Regina na bawiin ang kamay niya pero hinigpitan ni Nathan ang pagkahawak nito.

"Bitawan mo ako!", giit ni Regina.

"Hindi na, Reg! Hindi na kita papakawalan. I don't want to lose you again. Hindi ko na yun kakayanin because I love you. I started loving you the first time I met you at the airplane. And I love you more when I started to get to know you. Reg, I love you!", sabi ni Nathan habang hawak ang magkabilang braso ni Regina.

"Anong... Ano ba ang sinasabi mo?", tila nahilo si Regina sa mga sinabi ni Nathan. Tama ba ang mga naririnig niya?

"Reg, ikaw ang babaeng mahal ko."

“Nathan—“sinubakan ulit niyang bawiin ang mga kamay niya.

“Reg, please…”

"Pero... Pero paano si KC? Nathan, ayaw kong makasira ng relasyon.."

"Reg, you're not. Wala na kami ni KC. I broke up with her when I was at New Jersey. We tried to make things work between us but it didn't. Because I already love someone else, and it's you, Reg. I tried na pigilan ang nararamdaman ko but I couldn't. Hindi ko mapigilan na mahalin ka."

Umiling si Regina. "Nathan..."

"Reg, please..", pakiusap ni Nathan sabay hawak sa magkabilang pisngi ni Regina at idinampi nito ang noo sa noo ng dalaga. "Please just give us a chance...", pagmamakaawa niya. "I love you and I know that you love me too... Don't ever think that our love is wrong because it isn't".

"Nathan, paano hindi magiging mali kung may nasaktan tayong iba?", mahinang tanong ni Regina.

"Reg, kung may nasaktan man tayo, hindi natin yun sinasadya. We tried na protektahan sila but in the process, hindi tayo naging masaya. And it would be more unfair to them kung pinilit natin na mag-stay sa kanila gayung hindi na tayo masaya. Do you think they will be happy kung ganun ang nangyari?", sabi ni Nathan.

Tuloy pa rin ang pagluha ni Regina. Pumikit siya at dinama na lang niya ang malapit presensya ni Nathan.

"Reg, we did not intend this to happen but it did. Di ba sabi mo, you believe in destiny? This is it, Reg. I did not believe in destiny until I met you... Because you are my destiny, Reg. You are." At niyakap ni Nathan ng mahigpit si Regina. "I never want to lose you again. I couldn't," bulong pa ni Nathan kay Regina.

Hindi na napigilan ni Regina ang kanyang sarili at sinuklian ang yakap ni Nathan. Niyakap din niya ito ng mahigpit na mahigpit. Noon lang niya hinayaan ang puso at isipan niya na maramdaman at isipin na tama ang pagmamahalan nila ni Nathan.

Nagulat siya sa naramdaman niya nang hinayaan niyang mabuksan ang puso niya para kay Nathan -- ramdam niya ang umaapaw na pagmamahal para sa binata.

Hindi na pinigilan o umiwas si Regina nang idampi ni Nathan ang mga labi nito sa kanyang mga labi.

Regina's Text Conversation with Nathan

Nathan: Are you sleeping?
Regina: Nope. Hindi ako makatulog.
N: Bakit? Is it because of me?
R: Feeling ka.
R: Pero, oo. Hehe.
N: Ako rin. I keep thinking about you. Kaya ka siguro hindi makatulog.
R: Ang corny mo, Nathan. Haha
N: Haha. Masanay ka na. I am actually the corniest boyfriend ever.
R: Boyfriend??? Bakit, bf na ba kita?
N: Hindi pa ba?
R: Hindi pa noh! Agad-agad?
N: Biro lang. I will court you, Reg. And I will do it everyday for the rest of our lives.
N: O bat hindi ka na nagreply?
R: Hindi ko kasi kinakaya ang kacorny-han mo. Haha
N: Sorry. I'm just too happy, Reg, because I was able to tell you everything that I felt.
R: Happy rin ako, Nathan.
R: Salamat ah.
N: Para saan?
R: Para sa lahat. Para dun sa mga sinabi mo sa akin kanina. Dahil pinaramdam mo sa akin na mahal mo ako at tama to. Thank you for that. :)
N: I will always make you feel loved, Reg. I promise. :)
R: Wow. Ang cheezy mo na talaga.
N: Hehe. Hayaan mo na. Masaya lang talaga ako. :)
R: BTW, hindi ko pa pala natatanong sayo. Ano nga pala ang ginagawa mo dito sa Naga?
N: I followed you. :)
R: Ha? Talaga? Paano mo naman nalaman na nandito ako?
N: I asked your mom. :)
N: The moment na nalaman ko na pumunta ka sa condo at hinanap ako, I knew then that I had to see you so pumunta ako sa bahay niyo and I got to talk to your mom. Siya nagsabi sa akin na nasa Naga ka.
R: Paano mo naman nalaman na pumunta ako sa condo mo?
N: That day, I was about to go to the airport kasi babalik ako ng New Jersey. For business. But I forgot my passport sa condo so I had to come back. Nung dumaan ako sa reception area, sinabi sa akin ng receptionist na you were there looking for me. Turned out na I missed you by just a few minutes. Pero hindi ako agad pumunta sa inyo because I had to make sure of everything first before I come back to your life. Ayoko nang guluhin ka noon kasi alam ko na ikaw ang nahihirapan. So when I visited Kent and Caitlin to see their baby, I asked Caitlin how you were and sa kanya ko nalaman na wala na pala kayo ni Joshua.
R: Buti na lang pala nakalimutan mo ang passport mo. Hehe
N: You know what's strange, I don't usually forget things and it was my first time to forget my passport. I guess it was destiny. It's definitely a blessing in disguise. :)
R: So naniniwala ka na rin sa destiny?
N: I told you, I started believing in it when I met you. :)
R: Naku. Sobrang cheesy mo talaga. Haha! Matulog na nga lang tayo. Baka tanghaliin pa tayo ng gising eh i-memeet pa natin si Simon.
N: Hehe. Ok. Good night! And again, thank you for doing this for Ysabelle. :)
R: Wala yun. Good night na rin! :)

If OnlyHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin